•31• keep it

268 22 11
                                    

third person's pov

"oh, anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni jin habang nakatingin kay namjoon, suga at hoseok na di na maipinta ang mukha.

"he's----argh---he's being a demon again. we can't even enter his room. tama bang batuhin kami ng flower vase?" reklamo ni suga habang nakaupo sa sahig. "are you okay?" nag-aalalang tanong ni jimin habang sinusuri kung may sugat ba si suga.

"i am fine, mochi." malambing na sabi ni suga. ngumiti naman si jimin pero di nawawala ang pag-aalala sa mga mata nito. napatayo na lang ito ng maayos habang inaalala ang huling pag-uusap nila ni taehyung.

-flashback-

"t-tae?!" di makapaniwalang sabi ni jimin habang nakatayo sa tapat ng pinto nya. agad nyang sinalo si taehyung nung bumagsak ito sa harap nya. "tae?! tae!!" nag-aalala nyang pagtawag dito. may malay pa naman ito pero puro hikbi ang lumalabas sa bibig nito.

inalalayan nya ito papasok at pinaupo sa kama. lumuhod sya sa harap nito at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. lumamlam ang mga mata nya nung makatitigan nya ang pagud na pagod na mga mata ni taehyung.

"oh, bear.." bulong nya at niyakap ito. kahit di nito sabihin ay alam na agad nyang may pinagdaraanan itong masakit. tanging hikbi na lang ang lumalabas sa bibig nito, pagod na itong lumuha.

lumipas ang ilan pang minuto at kumalma na si taehyung. inabutan ito ni jimin ng mainit na gatas at pinalibutan ng comforter. umupo sya sa harap nito habang namumula ang ilong nitong humihigop sa gatas.

"bear? anong problema?" tanong nya kaya napatingin ito sa kanya. binaba nito ang baso ng gatas sa gilid at hinawakan ang kamay ni jimin. "n-nag-resign na'ko bilang assistant ni jungkook-ssi, chim.." sabi nito habang lumulunok ng paulit-ulit, halatang nagpipigil na maiyak na naman.

"a-ano? bakit?" di makapaniwalang tanong ni jimin. ilang linggo na nyang hindi nakakausap ng maayos ang kaibigan kahit sa iisang university lang naman sila nag-aaral. di nya pa ito nakausap ng matagal o kahit simpleng kamustahan ay di nila magawa.

INVADED (TaeKook FF) [COMPLETED]Where stories live. Discover now