•5• our little secret

441 26 45
                                    

-our little secret-

third person's pov

"kim! kim! kim the fuck taehyung!" napakurap si taehyung at muntik pang masubsob sa mesa nya nung sumigaw si jimin sa mismong tenga nya. todo-ngiti syang humarap dito na kinakunot ng noo nito.

"anong nangyari sayo? kanina ka pa ganyan? para kang nakalaklak ng isang buong love potion." sabi ni jimin kaya nakangiting yumakap si taehyung dito. agad na umatras si jimin at hinarap si taehyung sa kanya.

"the hell, kim? mukha kang tanga. kanina ka pa nakangiti at parang nananaginip ng gising. maganda ba panaginip mo?" tanong ulit ni jimin habang mahinang sinasampal-sampal ang pisngi ni taehyung.

"masaya lang ako." may halong kilig na sabi ni taehyung saka muling tumulala sa kawalan. nakangiti pa rin at bahagya pang namumula ang magkabilang pisngi. napatitig na lang si jimin dito habang nakangiwi.

di pa naman nasisiraan ng ulo tong kaibigan ko, noh? naku, wag naman sana. kahit kinulang sa turnilyo to ay di ko naman gugustuhing dalawin na lang sya sa mental isang araw.

"halata ngang masaya ka pero nakaka-walang hiya lang kasi di ko alam yung dahilan." sabi ni jimin saka humarap sa sandwich nya.

"ang saya ko talaga!!" sabi na naman nito kaya tumigil sa pagnguya si jimin at dumbfounded na tiningnan si taehyung. sumisipsip ito sa straw ng juice nito habang nakangiti. para bang inlove na inlove at kilig na kilig ito sa di malamang dahilan.

isa pang sabi nya na 'masaya sya' ay mababatukan ko na talaga to ng magising. -_-

"chim~~ omo, ang saya ko---aray!! langya?! bakit ka nambabatok bigla?" reklamo ni taehyung habang nakahawak sa likod ng ulo nya. "masaya ka kasi, diba?" peke ang ngiting sabi ni jimin na kinakislap ng mata ni taehyung.

ay, gago. ako na pala ang tatawag sa hotline ng alam kong mental hospital. ako na mismo magpapa-mental sa siraulo na'to. (¬_¬)

"sobrang saya ko talaga, chim!!!" -taehyung

"masaya ka tapos di ko alam ang dahilan. iisipin ko na talagang nababaliw ka lalo na't nakangiti ka dyan ng mag-isa." irap ni jimin

di sumagot si taehyung at nagsimula na lang kainin ang sandwich nito. di pa rin nabubura ang nakakasilaw na aura nito kaya napailing na lang si jimin.

ako yung mababaliw sa kanya.

habang kumakain ay naalala ni taehyung lahat ng nangyari kagabi hanggang kaninang umaga. napatawa sya ng mahina kaya confused na nilingon sya ni jimin.

INVADED (TaeKook FF) [COMPLETED]Where stories live. Discover now