Chapter 27

239 11 0
                                    

"Aray pota!" hindi ko mapigilang reklamo ng matusok ko nanaman sa hindi mabilang na pagkakataon ang daliri ko.



Agad naman akong tumayo at tuluyan nang itinigil ang ginagawa kong. Dumiretso ako sa aking bathroom at kinuha ang first aid kit at saka ulit bumalik sa sofa dito sa aking kwarto.



Napangiti naman ako sa aking nakikita, sulit ang sakit.



I made a handmade customized keychain. Hindi siya literal handmade kasi nagpagawa ako ng crown pendant at gumawa ako ng maliliit na pompoms na kulay ginto tapos pinagsama ko sila. Kaya kanina pa ako natutusok. Natawa naman ako ng makita ang mga nagkalat na popoms sa mesa at sahig.



If you guys are wondering kung bakit ko 'to ginagawa the reason is nagpa arrange ako ng dinner party mamaya dito sa palasyo.



I invited the people who have been and still serving our family. Ngayon ko lang 'to nagawa, and even 8 years ago never ko 'to ginawa. Kaya siguro wala ako masyadong kilala dito sa palasyo kasi hindi ko naman sila pinili makilala. Ni hindi ko nga kilala ang mga personal bodyguard at men in black na nagbabantay sa akin.



They also make me feel safe and in return I wanna thank them wholeheartedly!



I sarcastically laughed when I realized before na ang lakas ng loob ko na kilalanin ang mga mamamayan ng Scarabaegaria, ngunit wala ako masyadong kilala dito sa palasyo.



Ang maliit na bagay pag pinagsama ay malaki. And I wanna start knowing Scarabaegaria by first knowing the people who wholeheartedly served my family and the past generations for more than a century.



These people made the Kingdoms of Scarabaegaria a home. And gusto ko silang pasalamatan. I bought gifts and made customized keychains. Nagpacater din ako galing sa isang Restaurant na sikat sa Bian.



Dahil sa layo ng iniisip ko hindi ko namalayan ang sunod sunod na katok sa pintuan. "Your Royal Highness?" Narinig kong tawag ni Ate Aura mula sa labas ng kwarto ko. Agad ko siyang sinabihan na pumasok habang pinagpapatuloy ko ang pag pulot ng mga nakakalat na pompoms.



Nag bow siya bago lumapit sa akin. "Tulungan ko na po kay-" hindi niya na ituloy ang sasabihin ng makita ang kamay kong namumula. Umupo siya sa tabi ko at agad na sinuri ang aking kamay.



"Ano ba ang iyong ginagawa, Mahal na Prinsesa at mamumula ang iyong kamay dulot ng mga sugat." Hinawakan ko naman siya at nginitian para mabawasan ang pag-aalala niya.



"I'm alright, okay? Nadaplisan lang ako." Paninigurado ko sa kanya. Nag-aalala naman niya akong tinignan at napailing na lang. Inabot niya ang First Aid kit na nasa mesa at agad na kumuha ng panggamot.

The Queen (Book 2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora