Chapter 5

561 23 5
                                    

Kasalukuyan akong nanonood dito sa Living room ng condo ko nang biglang tumunog ang doorbell hudyat na may tao sa labas.



Habang tinutungo ko ang daan patungo sa pintuan inalala ko kung may inaasahan ba kong bisita.



Hindi naman maari na si Romeo yun dahil alam niya ang passcode nang unit ko at saka walang pasintabi ang isang yun magugulat ka na lang na nasa kusina na o kaya nanonood ng tv sa living room, masyado siyang feel at home.



Imposibleng din naman na si Christian dahil basta pasok nalang ang isang yun dito sa unit ko.



Tamad naman na bumisita sila Ayi dito dahil busy din yung mga 'yun at kung pupunta man yung mga 'yan dito magtetext o tatawag sakin yung mga 'yun.



Sana naman hindi lalaki ang bisita kasi naka short at croptop lang ako. Tamang outfit for movie marathon dahil day off ko ngayon at tamad akong umalis ng bahay.



Netflix and chill lang ako ngayon.



Agad ko namang binuksan ang pinto at tumambad sakin si Mommy habang nasa likod niya si kuya Jerry samantalang may mga 3 men in black naman sa likod nila.



"Surprise!" masayang sambit ni mommy at nauna nang pumasok sa unit ko.



Nag bow naman sakin silang lahat na natira habang nakayuko at hindi ako tinitignan.



"Good evening, Young Lady." sabay sabay nilang sambit.



"uhm hi?" awkward na bati ko.



Pumasok na ko sa loob at inaakala kong papasok silang 4 pero si kuya Jerry lang ang pumasok bitbit ang napakaraming paper bags.



Nakita ko naman si mommy na naglilibot sa condo ko. "mommy wha-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang nagsalita nadin si mommy.



"i miss you sweetie" sambit nito at hinug ako. Hinila naman na ko ni mommy sa kusina at pinaupo sa stool sa counter bar kung saan umupo din siya sa harap ko.



"Kumakain ka ba ng ayos hah?" tanong niya at hinaplos ang buhok ko. "Yes my" nakangiti kong sagot.



Pumasok namin si Kuya Jerry bitbit ang ang napaka daming paper bags. Natuon naman ang pansin ko nang pisilin ni mommy ang kamay ko. "Where's daddy?" tanong ko sa kanya.

The Queen (Book 2)Where stories live. Discover now