Umalis na ako ron at hinayaan ang dalawa na mag away roon hindi naman na bago ito sa amin kaya pagnakikita namin sila sa gantong tagpo ay hinayaan na lang namin.

Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay nakita ko si sir Zach na pababa ng hagdan dala ang tray. Lumapit ako sa kanya para kunin ang tray na hawak niya, binigay niya naman ito sa akin agad.

“Sir Zach. Hindi na po ba masakit ang ulo niyo?” tanong ko sa kanya habang inilalagay ko sa lababo ng pinagkainan niya para hugasan. Habang siya naman ay tinungo ang fridge kumuha siya roon ng malamig na tubig at ininom ‘yon tsaka siya umupo sa high stool, kinuha niya ang apple doon na nalalagay at kinagatan iyon.

“A bit.” Tumango ako.

“Dapat kasi sir Zach, hindi na kayo umiinom ng marami kung kinabukasan magrereklamo kayo na masakit ang ulo niyo.” Pangaral ko sa kanya habang naghuhugas ako ng plato.

Lumingon ako sa kanya at nakita kung nakataas ang kilay niyang nakatingin sa akin habang kumakagat siya ng mansanas. At nang kinagat niya ang mansanas ay may diin ito at nginunguya ng maingay hinahamon ako kaya napangiwi ako sa kanya.

“Ah, sinasabi ko lang naman Sir Zach.”

“Tss,”

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa naputol lang ito ng tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan ko siya saglit at pinagpatuloy ang pagpupunas ng plato at paglalagay sa kabinet. Habang pinapakinggan siya sa pakikipag usap niya sa kung sino man ang tumawag.

“Oh!” bungad ni sir Zach sa kabilang linya ng sagutin niya ang tawag. Tss! ‘Oh!’ hindi ba ‘to marunong mag good morning man lang, grabe.  “Fuck you!”napangiwi ako ng magmura siya sa tingin ko kaibigan niya ang kausap at tumawag sa kanya. “Tss! your with that girl” tumawa siya. “Nah. I’m had good time too.”

Nagpupunas na ako ng kamay ko ng mapatingin ako kay sir Zach nakakunot na ang nuo niya habang nakatingin sa akin. “What the hell are you taking about?! Of course not! Damn you!” nag iwas ako ng tingin at naglakad na paalis roon. “Not her, I’m talking about Claire! You asshole!”

Napahinto ako sa paglalakad at tumingin kay sir Zach ng makarinig ako ng pangalan ng babae. Nag iwas rin naman siya agad ng tingin sa akin at ako naman ay pinagpatuloy ang paglalakad at pinagkibit balikat nalang iyon ng maisip ko na baka girlfriend ni sir Zach yun nagngangalang ‘Claire’.

Sakto naman na nakita ko si ate Risa na papasok ng bahay dala ang pinamili niya sa groceries stores. Tinulungan ko siyang buhatin ang iba.

“Wag na ‘to Ali. Kaya ko na ito, meron pa roon sa sasakyan iyon na lang.”

Tumango ako sa sinabi niya at nagpunta sa sasakyan para kunin ang iba pang sabi niya. Kinuha ko ang iba pang bags doon para dalhin na sa kusina. Napaigik ako ng ilagay ko sa kanang balikat ko ang isang bag doon nama’y lamang mga prutas. Tss! nangalay yata ito ng dahil sa pag alalay ko kay sir Zach kagabi.

Gayon pa man ay na buhat ko pa rin ang mga dala sa patungo sa kusina. Nakita ko si sir Zach na naruon pa rin kung saan ko siya nakitang nakaupo kanina.

Nilagay ko ang mga dala ko sa island counter sa harap lang ni sir Zach kaya napatingin siya sa akin pagkatapos ay sa dala ko tumikhim ako.

“Ali. Patulong naman ikaw na mag ayos ng mga iyang sa fridge magtutulo na ako.”

“Sige po.”

Nilagay ko na ang mga pinamili sa fridge inarrange ko ito habang sinasabi ni ate Risa kung saan ko dapat ilagay ang mga ito. “Sa taas po ‘yan ilagay Ali.” Tumango ako sa kanya hawak ko sa magkabilang kamay ko ang lagayan ng prutas.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now