Chapter 38

9.5K 315 291
                                    

Chapter 38

Detach


"Does she visit you frequently? Si Francheska?" I asked curiously while watching a movie in his office. Nasa couch ako at nakataas ang mga paa ko, naka-indian sit habang may maliit na blanket sa mga hita ko. It's cold here.

I started staying in his office everyday. Minsan ay inaaya ko siyang lumabas. Noong nagkasagutan kami sa racetrack, inimbita ako ni Tita Farah mag-dinner sa kanila kaya nagka-ayos din kami kaagad.

"Just watch, Alanis..."

I rolled my eyes and closed his laptop. Umupo ako sa upuan na nasa harap mismo ng lamesa n'ya. He's seriously working. Kaya minsan puro lang ako nood dahil nahihiya akong guluhin siya. Ngayon ang araw na gusto kong manggulo.

"Lagi ba siya rito?"

He sighed longer and his menacing eyes darted to me.

"No," tipid n'yang sagot at pinagkrus ang mga braso, sumandal sa swivel at tinuon na ang atensyon sa akin.

"What is she doing in life? Is she managing their business, too?"

He clenched his jaw. My eyes widened.

"Why are you so curious?" He asked with irritation. "No. She has her own business. A clothing line."

My lips formed round. Relevant na siya. Tumango-tango ako. I know that she's into fashion. Designer yata siya, at ang maisip na may ginagawa siyang gusto n'ya sa buhay ay nakakainggit.

I have all the money, but I can't still find what I want to do. A work.

"She's single?"

Umirap si Azriel. "Yeah." Pero sinagot din naman.

"Sayang naman," sabi ko at umirap din. "Why is she so in love with you?"

Nagtitimpi na ang mukha n'ya. He then glared at me. Masama bang magtanong? Out of curiosity lang naman talaga.

"Ask yourself," mayabang n'yang sabi.

I stared at him with my poker face. Tipid akong ngumiti, natatawa, at bumalik na sa couch. Through my peripheral vision, I can see him biting his lower lip, stopping himself to burst into laughter, too. Siguro nahiya sa sinabi.

Nang iikot n'ya ang swivel n'ya paharap sa glass wall, sa harap ng nga skyscrapers, doon na rin kumawala ang tawa ko. I cover my mouth with my hand so it won't make no sound. Nakita ko siyang tinakpan ang mukha n'ya gamit ang isang kamay. He was laughing out of embarrassment.

Dahil lang hinahabol ko yumabang na. Ask yourself, huh? Dahil I am so in love with him? Kaya alam ko ang sagot. Wow. Grabe.

Everyday, things are getting better between us. Minsan lang talaga ay naaalala n'yang kailangan niyang pigilan ang sarili n'ya kaya nagiging malamig sa akin. Kagaya ngayong araw. Nasa cafeteria ako dahil ang ingay raw ng pinapanood ko. Umalis ako sa opisina n'ya.

"Goodmorning, ma'am..." bati ng mga employees sa akin.

Hindi na ako bumabati pabalik dahil pagod na sa dami nila. Kinain ko na lang nang tahimik ang ice cream na nasa maliit na gallon.

Ang init naman dito. Sira raw kasi ang ventilation. Ipagawa ko kaya? Para naman may magawa akong tama.

"Ma'am." Lumapit sa akin ang isa sa mga sekretarya n'ya. "Pinapataas po kayo ni sir Villafuente sa opisina n'ya."

"Okay. Susunod na lang ako," malamig kong sabi.

Pero hindi ako sumunod.

Gusto kong ubusin dito ang ice cream. Gusto kong magpalamig ng ulo rito kahit ang totoo ay mas mainit pa ang lugar.

Chased Heart (The Brats #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon