Chapter 23: Ulan

2.3K 48 1
                                    

Nong gabing yun hindi na naka uwi si jenny kila patrick nalang siya makikitulog,hindi na siya pinayagan ni patrick na mag drive ng ganong oras,nag alisan na ang mga bisita ni patrick.samantala sa kuwarto ni patty natulog di jenny,
pero ang pinag tataka ni jenny bakit hindi siya makatulog nong gabing yun at parang hindi siya mapakali.nahihiya siyang gumalaw galaw dahil magigising ang kapatid ni patrick na si patty.tumayo si jenny para uminom ng tubig,pag dating sa kusina may naramdaman siyang tao pag pasok nya sa kusina nagulat siya kay patrick na naka yuko at kinukuha ang pitchel sa refrigerator.
"naku naman bhe nagulat ako sayo"
"oh gising kapa!?"
"hindi ako makaulog eh"
"parihas lang pala tayo"
kumuha ng baso si jenny at sinalinan nya ng tubig at uminom.
"ikaw bakit gising kapa!?"
"matutulog na sana ako pero ayaw pa ng mata ko"
pagkatapos nilang uminom nag punta sila sa sala at umupo sa sofa.
"nag enjoy kaba bhe!?"si jenny
"oo naman lalo na dumating ka"
humiga si jenny sa hita ni patrick.panay ang kuwento ni patrick ng mga oras na yun pero nang tingnan nya si jenny nakapikit na ito.
"ang daya naman nitong kausap ko tinulugan ako"
unti unting inangat ni patrick ang ulo ni jenny para hindi ito magising,nilagyan nya ng unan,kumuha ng kumot at unan pati na ang pang sapin na hihigaan nya,kinumutan nya si jenny tsaka nag latag sa sahig.bago siya humiga pinag masdan muna nya si jenny hinawakan ang labi at hinaplos ang mukha,sa isip nya.
"parang angel na natutulog ang mahal ko,at kahit anong mangyari hinding hindi kita iiwan,ikaw ang babaeng ihaharap ko sa kahit saang simbahan"
pagkatapos nyang tingnan si jenny dinampian nya ng halik sa labi,kinuha nya ang kamay ni jenny tsaka siya humiga.magkahawak kamay silag natulog.
kinabukasan Friday nagising si jenny at tiningnan nya ang oras.
"naku.....naku...papasok pa ako sa work may meeting ang mga bord mamayang 10:00"pag manadali ni jenny.
"oh jenny gising kana pala,mag almusal ka muna iha"si cardo papa ni patrick.
"tito hindi na papasok pa po ako ng trabaho"
"ganun ba!?"
"tito si patrick po!?"
"nasa shop siya,tika at tatawagin ko"
malapit lang ang shop nila patrick sa bahay nila labingisang bahay lang ang lapit ng shop.
" habang nag hahanda si jenny sa pag alis nahulog ang suklay nya sa sahig pag yuko nya may nakita siyang wallet sa ilalim ng sofa,kinuha niya ito at binuksan para tingnan kung kanino.
wallet yun ni patrick may nakalagay na ID at mga kung ano anong card.napasin nya ang isang picture nang isang babae kinuha nya yun para makitang mabuti,maganda at mahaba ang buhok.
"sino kaya to.!?"yun lang at ibabalik na sana nya ang picture pero may napansin siyang sulat sa likod.

"Hon. Dec, 20 2013
ito yung picture na hinihinge mo at promise ko sayo na pagbalik ko mag papakasal na tayo. I Love You and I Miss You so Much..
Love Rica

"Ibig sabihin nong last year lang itong picture na to so ibig sabihin may ibang girlfriend si Patrick!?"ang daming tanong sa isip ni jenny ng mga sandaling yun.agad naman binalik ni jenny ang picture at nilagay nya sa center table ng sala,tamang dumating si patrick at hinihingal,halatang tumakbo ito pauwi at pawisan.
"jenny uuwi kana!?"bungad ni patrick.
"kailangan kung pumasok May meeting kami eh"
"ganun ba!?"sagot ni patrick
"nakita ko nga pala wallet mo sa ilalim pero nilagay ko na sa lamesa"
"ay salamat bhe,kanina ko pa nga hinahanap to"kinuha ni patrick at inilagay sa panglikurang bulsa.
hinatid ni patrick si jenny sa kotse bago tuluyang pumasok ng kotse si jenny humalik muna ito sa pisngi.
"ingat ka bhe ha tawagan mo ko pag nandoon kana"
tumango lang si jenny at pinaandar na ang kotse at sinara ang pinto.
walang ka alam alam si patrick sa nalaman ni jenny.sa daan palang ay tinawagan nya ang boss nya na malalate siyang pumasok,pumayag naman ang boss nya.pag dating sa bahay nag mamadaling naligo at nag bihis si jenny,tulad ng dati sa kotse nalang siya mag asyos.pag dating sa office wala parin si lovely nauna pa siyang pumasok.
"alvin wala pa ba si lovely!?"
"wala pa,himala nga eh late yun ngayon"
kinuha ni jenny ang cellphone nya at tinawagan ang ksibigan.nag riring pero walang sumasagot.
"naku naman lovely nasan kana!?"
nakay lovely kasi ang form at plans
maya maya pa ay lumabas si Mr.Canlas.
"miss Zalasar nandyan kana pala may meeting tayo ah"
"I know sir,susunod nalang po ako"
"ok sige,si miss Alcantara ba dumating na!?"
"hindi panga po sir hinihintay ko nga po siya kasi nasa kanya yung form natin tsaka yung plans"
"ok sige antayin mo o kaya tawagan mo"
"hindi nga po nya sinasagot yung phone nya"
"sige mauuna na ko sa meeting room natin,pag dumating sumunod ka agad"
"yes sir"
ilang minuto pa dumating si lovely.
"hay salamat kala ko hindi kana papasok!?"si jenny
"oh himala best nauna ka sakin"
"naku hindi noh sadyang late ka lang"
"dami kung nainom kagabi best eh"
"maya uminom ka ulit ha para ma late ka uli bukas"
"grabe ka naman best.oh ito na hinihintay mo"
inabot ni lovely ang mga folder na hawak nito.
"salamat best,sige baka umusok yung ilong ni Mr.Canlas"
tumango lng si lovely at pumunta na ito sa lamesa nya.pagkatapos ng meeting sabay na nag meryenda si jenny at lovely.habang nasa canteen.
"best may tanong ako sayo!?"
"ano yun!?"si lovely
"halimbawa lang ha!!hindi mo sinasadyang makita yung wallet ni mark tapos may nakita kang picture ng babae!?"
"ay naku best.."
"wait lang hindi pa ako tapos,taeng tae ka naman dyan eh"
"sige tuloy mo!!"
"tapos may nakita kang note sa likod nong picture,tapos nakalagay doon hon ito na yung hiningi mong picture pag balik ko mag papakasal na tayo,
tapos nakalagay na i love you at i miss you at name ng girl may date pa yun,sige nga best anong gagawin mo!?"
"naku best aawayin ko talaga si mark at naku ewan ko lang kung ano magawa ko sa kanya"
"best maman eh yung seryusong sagot"
"bakit mo ba naisip yan!?"
"kasi nakita ko yung wallet ni patrick kaninang umaga tapos yun yung nakita ko"
"OMG best...paano yun!?"
"ewan ko kaya ko nga tinatanong sayo!!"
"ano kaya kung tanungin natin si mark!?"si lovely.
"oo nga noh!?"
"pero mag tatanong yun kung kanino ko nalaman at bakit ko tinatanong,tapos sasabihin nya kay patrick,shempre mag tatanong si patrick kay marlon kung kanino nya nalaman!?"
"walang hiya naman yang utak mo best may kuntra agad,pero tama ka eh mag tatanong yun kung kanino nalaman ni mark"
"naku best mahirap yang relasyon nyo kung totoo nga yung girl na yun"
"ang sakit best eh..katatapos lang nong problema namin nong nakaraang buwan ito nanaman"
"bakit hindi mo siya tanongin ng tungkol doon"
"para ano pa!?"
"para masagot lahat mg mga tanong mo dyan sa isip mo"
"sabagay tama ka pero kukuha muna ako ng pagkakataon para tanungin ng tunkol sa babaeng yun"
"kailan pa pag kasama na ni patrick yung babae,alam mo te matalino ka sa lahat ng bagay,pero sa mga ganyan ang shunga mo"si lovely.
"maka shunga ka naman best,palibhasa marami kanang karanasan tunkol sa love love na yan"
kaya nga love name ko diba!?"
"oo na ikaw na lahat pasanin mo ha!!?"
"halika na best balik trabaho na tayo,hanap tayo ng pwedeng itanong kay patrick"si lovely
"talagang tara na,baka malake nanaman yung babayaran ko dito sa canteen dahil sayo pero hindi ka naman tumataba"
"maka pang lait ka dyan"
"Halikana na noh" sa pag balik nila sa taas naging abala na sila sa kanilang ginagawa,pero si jenny hindi makapag isip ng maayos hindi parin nya malimutang ang picture na nakita nya sa wallet ni patrick.
gabi na nang naka uwi siya ng bahay nila nag o.t siya para kinabukasan wala na siyang babalikang trabaho,naka higa na siya sa kama katatapos din nilang mag hapunan.nag iisip nanaman siya sa nakita nyang picture.

2 months na ang nakalipas mula nong nakita nya ang picture na nasa wallet ni patrick pero paano nya ito itatanong kay payrick.
Sabado ng gabi at at malakas ang ulan noon,nag mananiho ng mottor si patrick,habang binabagtas nya ang hi-way ay nawalan siya ng cotrol at dahil madulas ang kaldasada biglang pumitik ang unahan ng gulong at biglanang itong gumiwang mabilis ang takbo ni patrick noon kaya. bigla nalang siya sumimplang at sumalpok sa may puno.naipit ang isang binti nya at gasgas ang kanang braso at hita,tumilapun ang helmet.kahit mahina na siya ay nakikita nya ang mga taong lumapit sakanya para sakluluhan siya,hangang sa mawalan siya ng malay.

KIDNAPOù les histoires vivent. Découvrez maintenant