Chapter 9: Agawbuhay

5.5K 108 7
                                    

Gabi nang dumating sila mark,patrick,at lovely hindi mapakali si patrick pabalik balik ito sa sala nila mark.
"patrick nahihilo na ako sa pa ikot ikot mo dyan"si carmen na naka upo sa sofa,samantalang si lovely naman ay panay ang iyak habang pinipilit ma contact ang cellphone ni jenny.nakita ni lovely ang location Services binuksan nya ito at hinanap ang contact ni jenny nag babakasskaling makita nya o bukas ang location services ni jenny,Hindi nga ito nagkamali.
"guys tingnan nyo to"
nag lapitan ang lahat sakanya,nagkaroon ng pag asang makit nila si jenny.
"kaninong device yan!?"si patrick.
"kay jenny number nya yung ginamit ko at lumabas kung saan siya nandoon"
"ano pang hinihintay natin!?"
"halina kayo pumunta na tayo sa pulis para ma i report kung nasaan sila"
dali dali silang nag punta sa mga pulis.pag dating nila doon nakipag usap sila at sinabi nila kung saan ito pupuntahan.
"pero sir hindi po tayo basta basta susugod doon kung warrant of arrest"
"diba may kaso kaming sinampa laban sa magkapatid!?"
"oo nga po pero kailangan na Authorisation ng mataas saamin"
"pero nasa panganib ngayon yung kaibigan namin at yung nag peyansa sa magkapatid tiyahin ng babaeng kinidnap"si mario na noo'y galit na.
"anong klase kayong mga pulis nasa panganib na si jenny at pangalawang kidnap na to wala ba kayung gagawin"si patrick na nainit na ang ulo.
"tska sir sabi nyo walang peyansa yung nahulihan nyo ng baril at sa ginawa nilang pagkidnap kay jenny"si carmen
"ha!?sinabi ko ba yun!?"
"at sabi mo panga na pag nagsampa kami ng kaso sa dalawang yun suguradong hindi na sila makakalabas,pero anong nangyare ilang araw lang nong nag punta ako dito sabi ng kasama mo nakapag peyansa yung dalawa"
"ikaw ba talaga ang mataas dito o nag tataas taasan ka lang!?"si mario na halos nang gigil na sa galit.
nabayaran yan kaya ganyan nalang ginagawa satin"
"mga sir ma'am hindi po sa ganun,sumusunod po kami sa mga utos samin"
"kung ganun tumawag ka sa mataas sa inyo at sabihin mo na kailangan namin ng tulong nyo"
agad na tumawag ang kausap nilang pulis na noo'y nag kamot pa ng ulo.nang binaba na yung phone hinarap uli sila ng pulis.
"Mr. Mario Garcia pumayag na po yung pinaka mataas samin na puntahan yung sinasabi nyong lugar,pero may dapat po kayong permahan"
"sige kahit ano pa yan"
pagkatapos pumirma agad tinawag ng pulis ang mga kasama nya.anim na pulis lang ang pupunta sa operation na yun at sumama sila para makatiyak na ligtas si jenny.
pa ikot ikot sila ng daan,hangang sa maligaw ligaw sila.tiningnan uli ni lovely ang location.nakita nya na malayo pa sila sa sinasabing lugar.
"mga sir malayo pa po tayo sa bandang unahan pa po pala"
sakay uli sila at pag dating sa bandang unahan may nakita silang kubo,hindi sila agad lumapit para mahuli nila agad.
iniwan ang sasakyan at nag lakad sila papunta sa kubo.
"Mr.garcia hangang dito nalang po kayo hindi na po kayo pweding sumama doon dilikado na po"
"sige dito nalang kami,iligtas nyo si jenny"
"sir pwedi po ba akung sumama"si patrick
"pasinsiya na pero hindi talaga pwedi"
"iligtas nyo ang kaibigan ko"
"yes sir kami na po ang bahala"
12:26 ng gabi ng makita nila ang kinaruruonan nila jenny.dahan dahang lumapit ang mga pulis sa kubo.nandoon pa ang sasakyan na ginamit ng mga kidnappers.
may nakakita sa mga pulis na papalapit ito at pinaputukan sila nito,sumigaw ang isang lalake mula sa kubo.
"may mga pulis...tumakas na kayo.."
gumanti ng putok ang mga pulis.tinamaan ang isa sa mga kidnappers,sumugod na ang mga pulis papunta sa kubo bago pa makapasok may lumabas na lalake at hawak nya si jenny.
"sige subukan nyong lumapit papatayin ko tong babaeng to"
panay ang iyak ni jenny habang hawak siya sa leeg ni gardo,samantalang ang kapatid at mama nya ay nasalikod lamang nya.
"toy bitawan mo yang baril,pwedi naman nating pag usapan to."
"ibaba nyo yang baril nyo at paalisin nyo kami dito"
"hindi dahilan ang pag takas sa mga problema,pag usapan natin ng maayos"
"ano gago!!mag papa uto sa mga sinabi mo"si gardo
pinutukan ni gargo ang pulis na nasa harap pero mabilis itong naka tago.kasabay noon ang pag takas nila gardo kasama ang kapatid at ina nito pati ang dalawa pa nitong kasamang lalake.nag ka putukan ulit.patakas na sila gardo papunta sa likod pero tinamaan ito sa paa.napadapa si jenny.nagkaroon ng pagkakataon ang mga pulis na paputukan ang iba pang kasama nila kidnappers.tinamaan si glen sa dibdib at si lucy ay napa upo sa subrang takot.patayo na si jenny at tatakbo nang mahawakan siya sa paa ni gardo.sinipa siya ni jenny at tumakbo palayo pero binaril siya ni gardo sa likod,pinaputukan siya ng mga pulis at tadtad ito ng bala.bumagsak si jenny pakiramdam nya manhid ang boong katawan at halos mawalan na siya ng malay.
samantalang si lucy na tiyahin ni jenny nag sisigaw at umiiyak dahil sa kanyang mga anak na naka naka handusay at wala ng buhay.
"aaaahhh..mga anak kooo..patawarin nyo koooo..."sigaw nito habang naka yakap sa anak na duguan.tsaka lang lumapit sila mark,patrick,carmen.mario at lovely nakita nilang nakadapa si jenny sa damuhan agad pinuntahan ni patrick.
"jenny...jenny gumising ka please.."
"patrick ikaw ba yan!?"
"oo jenny ako to,wag kanang mag salita makakasama sayo!!"
"ok.lang..ako di di..ba!?"
"oo jenny mag paka tatag ka"
at agad binuhat ni patrick si jenny na noo'y nawalan na ito ng malay,kasunod nya si lovely na umiiyak,dinala nya sa sasakyan at nag mamadaling ipinasok sa loob,agad din diyang sumakay at agad itong pinatakbo ng pagka bilis,kasama si lovely sa pa punta ng hospital.
"patrick relax ka lang"
"makapag relax kaba nyan ha!?agaw buhay na si jenny"
sa mukha ni patrick halos mangiyak ngiyak na ito habang nag dadrive ng kotse.ilang saglit pa sy nasa pinaka malapit na silang Ospital,agad na inasikaso ng mga nurse at doctor si jenny.
"Doc gawin nyo po ang lahat mabuhay lang si jenny"
"sige sige kami na ang bahala dito"
naka upo na si lovely at nag papahinga si patrick tayo upo ang ginagawa.
"hoy patrick umupo ka nga,kahit ako nag aalala din sa best friend ko,pero alam kung kaya nya yun at hindi siya pababayaan ni god"
"sana nga love ok lang siya at sana iligtas siya ni god"
samantalang ang mga doctor ay umiiling iling sa ginagawa nila.ilang sandali pa ay natanggal na ang bala sa kanang likod nya,nang biglang napahinga ng malalim at parang nauubusan na ng oxygen,habol hininga si jenny.50-50 si jenny ng mga oras na yun.
samantalang sila mark carmen at mario ang naiwan kasama ang mga pulis.
"ayan sir,yang babae na yan ang mastermind"si mark ang nag turo sa mga pulis kay lucy tita ni jenny.
"misis halina kayo,dadalhin na namin kayo sa presento,pinusasan ng pulis si lucy ang kinilalang tita ni jenny.
kinuha narin ang mga bangkay ng magkapatid at ang mga kasama nitong hindi nila kilala.
"Mr.Garcia sorry kung hindi namin nailigtas ng maayos ang kaibigan ninyo pero ginawa naman po namin ang lahat"
"ang mahalaga ay makukulong na at nabigyan ng katahimikan ang mga ginulo ng mga taong yan.at siya nga pala siguraduhin nyong naka kulong yang tiyahin ng biktima"
"makaka asa po kayo mr.garcia"
"pwedi naba kaming umalis pupuntahan namin yung kaibigan namin na dinala sa Ospital"
"Ay opo sige po kami nang bahala dito at tumawag na po kami sa opisyal namin at alam nya lahat nang nagyare,bumalik nalang po kayo bukas para sa karagdagang detalye,at kung ayos na yung biktima pupunta po kami ng ospital para sa mga karagdagang report"
"sige pupunta kami bukas,sige maiwan na muna kayo"
at dali daling umalis ang tatlo papuntang ospital.sakay ng pick up ni mario tito ni mark binilisan nya ang pag papatakbo nito.tinawagan ni mark si lovely kung saan ospital dinala si jenny,agad namang sumagot si love at sinabi kung nasaan sila.ilang sandali lang ay makarating na ang tatlo sa ospital at nakita nila ang dalawa na naka upo sa mahabang upuan.
"patrick kamusta na si jenny!?"
"hindi pa po lumalabas yung doctor na tumingin kay jenny.
"oh my god tulungan mo po si jenny"sambit yun ni carmen na noo'y naka yuko.
si mark na parang napagod at nang lalata ng mga oras na yun.
"tito ano pong nangyare sa lugar na pinanggalingan natin!?"
"ayun naka kulong na ang tiyahin ni jenny at patay na ang magkapatid at ang mga kasama nitong hindi namin kilala kung sino yung mga yun"
Mahigit kalahating oras na ang nakalipas pero hindi parin lumalabas ang doctor na tumingin kay jenny.
"Ano na kaya ang nang yayari sa loob!?"si patrick na halos hindi mapakali sa upuan.
ilang sandali pa lumabas ang nurse galing sa E.R malayo palang ay sinalubong na ni patrick.
"nurse kumusta yung kaibigan namin!?"
"kayo po yung kasama nong babae!?"
"kami nga miss anong lagay nya!?"
"Dilikado po ang lagay nya,sino po ba ang kamag anak ng pasyente!?"
"wala po nasa ibang bansa yung mga magulang nya"
"kailangan kasi siyang salinan ng dugo ngayon"
"kami po baka pwedi nyong tingnan,baka may ka match po ng dugo nya"si patrick na subrang nag aalala.
"sige po,pero mag bakasakali po kayo sa ibang ospital"
"ano ba blood type nya!?"si mario
"AB positive po sir"
"naku mahirap hanapin yung ganyan"
"sige na miss i check mo dugo namin baka may ka match ng dugo nya"
"sige po sir.maiwan ko muna kayo."
umalis na ang nurse,bumalik na ito sa loob ng E.R
"tita paano na si jenny"si lovely
"wag kang mag alala gagaling din siya,basta mag dasal nalang tayo na sana makaligtas siya"
"nasan ba kasi mga magulang nya!?"si mario
"darating daw ngayong linggong to galing sa ibang bansa"si patrick
"sana nandito sila para sa anak nila,ang dami nang pinag daanan ang bata yan"si carmen na parang nasasaktan sa mga nangyayari kay jenny.
biglang lumabas ang doctor na nag asikaso kay jenny,sinalubong nila ito.
"doc,anong lagay ng pasyente!?"si mario
"Wag na po kayong mag alala ligtas na po siya,kailangan lang niyang masalinan ng dugo,pero tumawag na ako sa kabilang hopital mayron silang dugo na ka match ng pasyente"
"maraming salamat po doc"
"walang anoman yun,maya maya nandito na yung dugo na isasalin sa pasyente,ililipat narin siya sa magiging kuwarto nya.bawal pa siyang makausap ha!!"
"salamat po uli doctor.."si mario
"Doctor Castro po"
"Mr. Garcia po doc."
"sige mauuna na ako sa inyo,antayin nyo nalang ang pag labas ng pasyente"
pagkatapos nilang maka usap ang doctor naka hinga na sila ng maluwag si patrick naka ngiti na,nag aantay nalang sila ng pag lipat ng kuwarto si jenny.

KIDNAPWhere stories live. Discover now