Chapter 20:Pag sisinungaling

2.6K 55 1
                                    

Hindi malaman ni jenny kung ano ang isasagot nya kay patrick ng mga sandaling yun,bukod sa kabado siya naginginig pa ang katawan nya dahil sa mga nangyari.
"jenny please sabihin mo kung anong nangyari sayo!?"
"may kumidnap sakin,dalawang lalaki"
"nakilala mo ba kung sino sino sila?"
"hindi naka maskara silang pariho.."
"tapos ano pa ang nangyari?"
"hindi ko alam kung saan ako dinala,nong isinakay na nila ako piniringan ang mga mata ko at pinaghihila ng isang lalaki ang pang itaas na damit ko nag pupunit yun,nangsisigaw ako ng mga oras nayun,nang bigla nalang akung sinikmuraan ng isang lalaki at pag gising ko wala nang piring sa mga mata ko,nasa isang budiga na ako at napaka dilim ng lugar halos hindi ko makita.gumawa ako ng paraan para makatakas habang nasa labas ang mga kumidnap sakin nakalas ko ang tali sa kamay ko at tinanggal ko ko narin yung tali sa paa ko pati ang pakingtape sa bibig ko lumusot ako sa isang maliit na butas at tumakbo ako at may nakita akung damit na naka sampay sa dadaanan ko kinuha ko at sinuot tumakbo nanaman ako hangang sa makarating ako sa highway pumara na ako ng sasakyan,nakiusap ako sa driver na kung puwedi ay ihatid nya ako sa building namin para kunin ang kotse at para pumunta na sa pulis station pero pag dating ko sa building na pinag tatrabahuan ko nanadoon na ang mga pulis at si mommy"

"buti nalang naka takas ka sa mga yun at walang masamang nangyari sayo"
"mommy paano nyo po nalaman yung nangyari sakin!?"
"tumawag yung guard sa Boss mo at tumawag yung boss mo sa bestfriend mong si lovely,tapos tumawag dito si lovely at sinabing nakidnap ka nga"
"Ay si lovely nga pala!?nawala sa isip ko na sumama nalang siya dito"
biglang naalala ni jenny ang kaibigan,sa subrang pagkalito ay iniwan nya ang kaibigan sa kabila ng pag tulong nito sa kanya,hinagilap nya ang cellphone sa bag at tinawagan nya ito.
nag riring na ang cellphone ni lovely at may sumagot sa kabilang linya.
"Hello love!!?'
"hello best nasan na kayo!?bakit nyo ko iniwan dito!?"
"nasan kana?"si jenny
"nandito parin sa may parking area ng buillding natin kasama si Mr.Canlas"
"Sorry best hindi na kita nayaya pa sa subrang kalituhan ko,mag taxi ka nalang,punta ka dito"
"ok best pupunta na ako dyan ngayon"
"sorry talaga ha!!"
"Ok lang yun best naiintindihan ko naman yun eh"
"salamat talaga"
"sige paalis na ako dito bye na"
"bye ingat ka"
"ok Thanks"
Pagkatapos nilang mag usap ni love nakita nya si patrick na tila nang gigil sa galit.
"bhe bakit?'
"wala to bhe"
"bhe wag kang mag kakaganyan dahil sakin'
"hindi mo maiaalis sakin ang hindi magalit!!nagagalit ako sa mga taong gumawa sayo ng ganyan hahanapin ko sila at hindi ako titigil hangat hindi nadudurog ang mukha nila at sisiguraduhin kung mabubulok sila sa kulungan"
"pero bhe ayaw kung mapahamak ka dahil sakin,hayaan nalang natin ang mga pulis ang humanap sa kaniala"
biglang kinabahan si jenny sa sinabing yun ni patrick,baka kung malaman nya kung ano ang totoo ay kasuklaman pa siya nito.
"ang mabuti Patrick dito kana matulog masyado ng gabi para umuwi kapa sa laguna"ang mommy ni jenny na noo'y umiinom ng tubig.
"nakakahiya naman po tita!?"
"walang nakakahiya doon iho,doon ka matutulog sa guestroom,kaysa naman mag biyahi kapa ng gantong oras"
"ok po tita salamat po kung ganun"
ilang sandali pa ay dumating na si lovely.at nag kuwentuhan sila habang nasa sala ang tatlo,nag handa ng makakain ang mommy ni jenny.Pagkatapos nilang kumain ay nag paalam na si lovely na umuwi pero hindi ito pinayagan ng mommy ni jenny doon narin ito pinatulog.
"tita salamat po"
"tabi nalang kayo ni jenny sa kuwarto nya para may kausap din siya ngayon"
"opo tita"
samantalang si jenny at patrick ay nag uusap sa labas sa may gardin nila may duyan doon at madalas na mag tambay si jenny doon lalo na pag gabi.ang duyan na yun ay bakal na may magkaharap ng upuan kasya ang apat na tao.patalikod na nakasabdal si jenny sa dibdib ni pattick at nakayakap naman si patrick kay kanya.
"pakiramdam ko ngayon ligtas na ligtas ako pag kasama kita"

"Jenny sa susunod lalo mo ng pag ingatan ang sarili mo,baka isang araw bigla ka nalang mawala sakin at yun ang hindi ko makakaya"

"At sinong may sabi sayo na mawawala ako ha!?hindi mangyayari yun kasi nandyan ka....ikaw kaya ang super hero ko"

KIDNAPWhere stories live. Discover now