Chapter 21: Pabango

2.5K 44 1
                                    

Bumaba ang magkaibigan at nag punta sila sa kusina nadatnan nila doon ang mommy ni jenny at si patrick na parihong nag kakape.
"good morning bhe..bungad ni patrick sa dalaga"
"good morning din bhe...good morning mommy"
"good morning tita"sabat naman ni lovely.
"good morning din sa iyung dalawa!! naka tulog ba kayo ng maayos!?"
"opo tita"sagot ni lovely na noo'y nag titimpla ng kape.
"tita makikialam na ako ha pag titimpla ko ng milo si jenny"si patrick na halatang nahihiya pa.
"sige...sige sure..feel at home"
at pinag timpla ng milo ni patrick si jenny,naka ngiting tumingin si jenny ka patrick.
"oh hindi ba kayo papasok sa trabaho nyo?"ang mommy ni jenny
"Hindi po muna mommy,ayaw ko pong pumasok na ganto yung kalagayan ko,hindi lang ako makakapag isip ng maayos pag nasa trabaho ako"
"ikaw lovely?"
"hindi rin po muna medyo masakit po ulo ko,bukas nalang din po ako papasok"
"ikaw Patrick?"
"ay maya maya po tita uuwi narin po ako,baka hinahanap na ako ng papa ko.hindi po ako nakapag paalam sakanya tsaka tinakas ko lang po yung mottor"
"Naku ganun ba?lagot ka sa papa mo..mag aalala yun sayo"
"hindi naman po siguro"sagot ni patrick.
Pagkatapos nilang mag almusal,nag paalam na si lovely at nag taxi nalang ito pa uwi.kasunod noon ay si patrick narin ang nag paalam.bigla namang nalungkot si jenny pumasok uli siya sa kuwarto at nag iisip nang pwede nyang gawin.biglang nag ring cellphone nya at sinagot nya ito kaagad.
"hello sino to!?"
"hello jenny si marlon to"
"oh bakit ka napatawag,tinupad ko na yung gusto mo at kung maari lang mag tago kana muna baka malaman ng mga pulis na ikaw ang kumidnap sakin.nalaman ng mga pulis ang plate number ng sasakyang ginamit nyo at isang favor marlon bumalik ka sa budiga kung saan mo ko dinala,naiwan doon yung isang paris ng sapatos ko at yung kaparis noon ay hawak ng mga pulis"
"Pero tika sandali?hind nila malalaman kung hindi mo sasabihin"
"nangako ako sayo na hindi kita isusumbong diba?ginawa ko yun pero nag sumbong ang guard na nakakita sa inyo nong gabi"
"Sige pupuntahan ko ngayon din yung sinasabi mong sapatos"
"hindi ko alam kung ano ang pwede kung sabihin sa mga pulis,natatakot din ako para saamin ni patrick ayaw kung malaman nya na ikaw ang kumidnap sakin siguradong mag susumbong yun sa mga pulis pag nalaman nya yung totoo"
"Gusto mo bang kauspin ko si Patrick?"
"wag marlon ako na bahala sakanya,hahanap ako nang pagkakataong para sabihin sakanya ang totoo"
"sorry jenny kung nagawa ko yun sayo,pinag sisisihan ko yung ginawa ko sayo,hindi ka sana nahihirapan ngayon"
"wag mo ng isispin yun ang mahalaga yung pamilya mo at ang magigng anak mo"
"pero jenny paano ka?"
"wag mo nalang isipin muna yun,bahala na??"
"sige jenny tumawag lang ako para makibalita sayo kung anong nangyari nong pag uwi mo"
"wag kang mag alala ok lang ako"
"salamat ha"
"sige bye marlon"
"bye jenny"
Pag baba ng cellphone umiyak si jenny.parang gusto nyang sumigaw sa mga sandaling yun.nahihirapan siya sa mga nangyayari sakanya.Mahigit isang linggo na siyang hindi pumapasok sa office nila,parang tinamad na siyang pumasok at ayaw niyang lumabas ng bahay.hindi nya sinasagot ang mga text at tawag ni Patrick hindi nya kasi alam kung ano ang sasabihin nya dito,palagi siyang nasa kuwarto lumalabas lang siya pag kakain o pupunta sa kusina para kumuha ng tubig.Nakahiga si jenny sa kama nya ng may biglang kumatok sa pinto ng kanyang kuwarto.
"jenny anak..jenny..."
"tuloy po kayo mom"
pag tuloy ng mommy nya.
"Jenny anak may nag hahanap sayo!!"
"sino po?"
"si patrick nasa sala siya nag hihintay"
"sige po mom susunod nalang po ako mag aayos lang po ako"
"oh sige ha sumunod ka!!gagawan ko muna siya ng meryenda"
"opo mom."
pag labas ng mommy nya humarap siya sa salamin at nag suklay ng bahagya.pagkatapos noon ay lumabas na ito ng kuwarto,pag baba nya nakita nya si Patrick at naka ngiti to sakanya,ngumiti lang siya ng bahagya at umupo siya sa tabi patrick.
"bhe kamusta kana?'tanong ni patrick sakanya.
"ok lang naman bhe!!"
"bakit hindi mo sinasagot mga tawag at text ko sayo!?"
"siguro nag kakataon lang na may ginagawa ako!!'
"bhe naman halos araw araw akung tumatawag sayo at nag tetext,kahit isang sagot sa text wala,imposibling kahit minsan ay hindi hinawakan ang cellphone mo!!?"
"bhe...sorry nong mga nakaraang araw busy ako sa pag lilinis ng kuwarto ko kaya siguro hindi ko na nasasagot mga tawag mo"
"May nagawa ba akung mali!?"
"wala bhe!!"
"may kasalanan ba ako sayo?"
"wala..sana naman naiintindihan mo ako?"
"lagi kitang naiintindihan jenny,mahal kita at gagawin ko lahat para maging masaya ka lang,ang hindi ko lang maintindihan bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko pati ang text ko, alam kung magulo ang isip mo naiintindihan ko yun"
Naka yuko lang si jenny sa mga sandaling yun wala siyang masabi kay patrick,hindi magawang mag dahilan.hinawakan ni patrick ang mga kamay nya nanlalamig ito at namamawis.gusto mang magalit ni patrick sa mga sandaling yun pero hindi nya magawa.mahal na mahal nya si jenny at kahit pa siguro anong kamalian nito ay kaya nyang tanggapin.niyakap nalang nya ang dalaga at hinaplos ang mukha nito.Si jenny naman parang bata na nakasandal sa balikat ni patrick.
Ilang sandali pa dumating na ang mommy nya at may dalang meryenda.
"oh patrick kumain ka muna,jenny sabayan mo na siya"
"Busog pa po ako mom"
"anong busog hindi ka nga nag almusal'
"Bakit mo ginawa yun?"si patrick
"ang alin?
"ang hindi kumain..wag munang gagawin ulit yun!!"
"wala kasi akung gana"
"bhe ayaw kung magksakit ka"
"ok sige kakain na ako,sasabayan na kita wag ka lang magalit...!"
"Yan ganayan nga"
Sinabayan ni jenny si patrick na kumain,pagkatapos nilang mag meryenda niyaya ni patrick si jenny na lumabas.
"labas tayo!"
"tinatamad kasi akung lumabas eh.."
"bhe...sige na please..."
"ok pero sandali lang tayo ha"
"ok sige"
"wait lang mag bibihis lang ako"
Pagkatapos mag bihis ni jenny ay umalis na sila gamit ang kotse nya.pag dating sa mall nag gala muna ang dalawa bago manood ng sine.nasa may entrance sila ng sinehan nag paalam si patrick na mag CC.R muna ito.
"Bhe wait lang ha antayin mo ko dyan mag cc.r lang ako"
"ok sige"
habang nag hihintay si jenny may kumalabit sa may balikat nya si marlon at kasama yung asawa.
"Marlon anong ginagawa mo dito?"
"nakita ka namin kaya lumapit na kami,siya nga pala si Merry Joy Ramos,Hon si Jenny Zalasar"
"hi Merry Joy,parang namumukhaan kita?"
"oo nag kita na tayo,at kaibigan ng mama mo ang mama ko!!'
"Ay oo nong birthday ko"ikaw pala napangasawa nitong si marlon?ka officemate ko siya dati,ilang buwan na yang tiyan mo!?"
"Six months na to nong nakaraang linggo"
"ah ganun ba?"
Maya maya pa ay dumating na si patrick galing sa c.r.
"oh Marlon?"bungad ni patrick na halatang nag tataka.
"patrick kamusta kana?siya nga pala asawa ko si merry joy!!hon si patrick boyfriend ni Jenny"
"tika parang natatandaan kita!?"
"mag kakilala kayo?"tanong ni marlon.
"oo nong birthday ni jenny,lumapit siya sakin..oo ikaw nga Joy right?"
"oo nag iisa ka kasi noon kaya nilapitan kita"
"ah kayo pala ang nagkatuluyan"
kinakabahan si jenny nang mga oras na yun,nang biglang nag salita si marlon.
"Patrick,jenny wag nyo sana itong mamasamain ha!!gusto ko sanang maging ninang at ninong kayo ng babby ko if ok lang sa inyo!!?"
"Sure yun lang pala,ang sabi nga nila mahirap tumangi sa mga ganyan nabubulag"sagot ni patrick.
"baka pwede tayong mag meryenda muna"si marlon
"Ay pre sorry ha kasi naka kuha na kami na tickets eh..kayo baka gusto nyong manood muna sabay na tayo"
"ay hindi pwede si joy eh bawal buntis sa sinehan"
"ay ganun ba ok next time nalang pag may pag kakataon"
Nang umalis sila marlon dumaan ito sa harapan ni patrick.
"tika marlon"
"bakit pre?"
"ah sige wala,ingat kayo"
Pag alis nila marlon napansin ni jenny ang biglang pag simanot ng mukha ni patrick,hindi yun pinansin ni jenny pumasok na sila sa loob ng sinehan.tahimik lang nag dalawa.nag tataka si jenny kung bakit walang kibo si patrick.
"bhe may problema ba?"
"wala naman..bakit mo naitanong?"
"wala bhe mula kasi nong umalis sila marlon at joy ganyan na yung mukha mo?"
"may pilit lang akung inaalala"
"tungkol saan?"
"Wala mamaya nalang natin pag usap pag nasa bahay nyo na tayo"
Biglang kinabahan si jenny nong mga sandaling yun at iniisip nya yung pabango ni marlon.hindi mapakali si jenny sa kanyang kinauupuan.hindi siya sanay na hindi siya kina kausap o tinitingnan ni patrick,samantalng kanina lang ay magkahawak sila ng kamay pero ngayon hindi manlang siya tinitingnan at hindi na sila magkahawak ng kamay.hindi rin alam ni jenny kung seyoso nga ito sa pinapannod o nag iisip lang.mahirap mang hula ng nararamdaman ng tao lalo na kung alam mong ikaw ang iisip.pagkatapos nilang manood si patrick na ang nagyaya na umuwi nalang sila.at kahit sa sasakyan ay wala itong kibo at kung tatanongin nya ay oo at hindi lang ang sagot.lalong tumindi ang kaba ni jenny nang mga sandaling yun.

KIDNAPWhere stories live. Discover now