Chapter 3: Katotohanan

15.8K 235 5
                                    

Kasalukuyang nasa highway palang ang tatlo,pero nag iisip na si mark kung saan sila pupunta,bigla nyang hininto ang mottor at nag usap sila ni patrick,samantalang si jenny ay halos babagsak na sa subrang sama ng pakiramdam.
"rick san natin to dadalhin!?"
"sa tito mo!!"
"ha!?hindi pwedi doon nandon yung tita ko mag tatanong parin sila kung saan galing tong kasama natin"
"basta ako na bahala kay tito at tita ang mahalaga magamot siya ngayon"
"sige ha!!sabi mo yan"
pinatakbo na uli ni mark ang mottor,ilang saglit pa at nakarating na sila sa bahay ng tito ni mark.inalalayan ni patrick na bumaba si jenny,naunang pumuwesto sa pinto simark at kumatok.
"tito....tito...tito si mark po to"matagal ito bago pinag buksan.at ilang saglit pa nag bukas ang pinto.
"ano at madaling araw na,ngayon ka palang umuwi"bungad ng tito nya kay mark na mukhang kagigising lang.
"tito may kasama po ako si patrick"
"at may kasama kapa!?"
"good evening tito....ay good morning na po pala"si patrick.
"at sino yang kasama mo!?lasing ba yan!?"
"ay tito hindi po,si jenny po to friend ko po siya nilalagnat.kung pwedi po sana dito muna kami"
"nilalagnat ba kamo!?"
"opo kanina pa nga po!!"
"halikayo pumasok kayo"
"salamat po tito"si patrick ang sumagot
"ano ba nangyari!?bakit ganyan ayos nyan mukhang nag loblob sa putikan."hiniga ni mark at patrick sa sofa si jenny.
"maya ko nalang po papaliwanag tito"
tinawag ng tito ni mark ang kanyang tita.
"Carmen....Carmen..halika muna dito"
"ano ba tinatawag tawag mo dyan!?"kagigising lang din,
nang makita ang tatlo nagulat ito.
"tita magandang umaga po!?"
"ano ginagawa nyo sa gantong oras!?bakit gising pa kayo!?at sino tong babae na to!?
"tita dahan dahan lang po"si mark ang nag salita.
"Carmen hayaan mo munang makapag pahinga ang mga bata,at kaya kita tinawag kumuha ka ng towel basain mo at punasan mo tong kasama nilang babae,inaapoy daw ng lagnat,kumuha kana rin ng bihisan nyan at mukhang nag tanim ng palay"
"siya sige at kukuha na ako,ang mabuti pa mario dalhin mo sila sa kusina para makapag kape sila at para hindi nila makitang binibihisan ko tong kasama nila"
Dali daling nag tungo ang tatlo sa kusina,samantalang si Carmen ang tita ni mark ay kumuha na ng damit at face towel,nag lagay ng tubig sa planggana at dinala uli sa sala.malumanay niyang pinupunasan si jenny.maya maya pa ay tapos na nya itong punasan at bihisan,iniwan nya ang basang face towel sa noo ni jenny para bumaba ang lagnat.pagkatapos nya ay sumunod ito sa kusina kung saan naroon ang tatlo na naabutan nyang nag kakape.
"ano bang nangyari sa inyo!?"
bungad ni Carmen.si patrick ang sumagot.
"tita ganito po yun,nag kaya yaan po kami kaninang umaga na pumunta sa tambayan,alam nyo naman po na nakiki ride ako sa sasakyan ni gardo at glen tuwing pupunta po ako dito,nag paiwan po ako sa tambayan namin kasi po medyo masakit ang ulo ko,nag paalam po si gardo at glen na bibili ng maiinom sa bayan.pilit po nyang sinama si mark kasi mag dadrive po pabalik,nag tataka po ako alas singko na ng hapon wala pa po sila,tinatawagan ko po si glen hindi po sinasagot yung cellphone,kinakabahan na po ako,iniisip ko baka kung ano nangyari sakanila.inantay ko parin sila nakatulog nalang po ako sa pag hihintay,hangang umabot na ng 2 am,tamang tama po na aalis na ako at pupunta po sana ako dito,dumating po silang tatlo may kasamang babae na naka piring at may tali ang bibig,nagulat nalang po ako nong sinabi nya na kinidnap nya yang babae na yan"
"at ikaw mark bakit ka pumayag na sumunod sa baliw na gardong yun!?"
"tita wala po akung magawa may baril po siya hawak.nong time po na nasa bayan kami si glen ang pinag drive nya,kinausap nya ako na wag akung maingay at mag susumbong,may gusto lang siyang babae na kukunin nya,habang sinasabi nya yun naka totok sa biwang ko yung baril nya,at nag biyahi na po kami pa maynila.
ilang oras din naming hinintay ang pag labas nong babae,akala pa nya wala doon yung babaeng sinasabi nya,binigyan nya ng picture ng babaeng yan si glen para alamin kung nandoon nga.nag panggap na taga company si glen,nag dala ng mga kahon na may mga folder.pag balik ni glen binalita nya na nandoon yung babae nabangga panga daw nya at pinag mamalaking maganda at makinis yung balat,hinintay namin hangang sa lumabas at nong nag hihintay ng taxi yung babae,inutusan nya akung patakbuhin at ihinto sa tapat ng babae yung sasakyan.hinila nyang bigla yung babae"
"tapos anong nang yari"tanong ni mario ang Tito ni mark.
"gusto po nyang pagsamantalahan yuna babaeng yan.sinabihan na po namin na wag nyang gawin yun kasi baka madamay kami,sabe nya po para wala daw madamay at mag susumbong papatayin nya yang babae,nag suntukan panga po sila ni patrick,tapos nakatakas po yung babae,hinanap namin at ang una pong nakakita sa babae si patrick kaya po magkasama silang sinundo ko sa bayan,kaya po siguro ganyan siya puro putik doon po siya dumaan sa palayan."si mark ang nag kukuwento.
"alam nyo ba pangalan ng babaeng yan!?si Carmen ang nag tanong
"jenny po ang pangalan nya tito"
"subra naman ginawa ng magkapatid na yun!?bakit nya gagawin yung bagay na yun"si mario
"tito hindi po talaga namin tropa yung magkapatid na yun,nakilala namin sila dahil sa pinsan nila ang girlfriend ni mark si melody,pero sabi ni melody malayo na nilang kamag anak si glen at gardo"
"paano kung malaman nila na nandito kayo!?at sabi nyo nga may baril siyang dala"si carmen ang nag salita.
"yun nga po tita wala na po kaming ibang mapuntahan"
"mag sumbong tayo sa mga pulis"
"tito siguradong madadamay po kami at ayaw ko pong makulong"si mark
"sasabihin naman ninyo na hindi kayo kasama sa pag kidnap"
Hindi na kumibo ang apat na tila nag iisip pa mg paraan kung anong dapat gawin,hindi nila namalayang maliwanag na sa labas at pasikat narin ang araw.
"hala maliwanag na pala"si carmen na dali daling nag luto ng makakain.
narinig nila na umuungol si jenny,agad nila itong pinuntahan.
"jenny...jenny" ginigising ni patrick
"hmmm..nasan ako!?"
"nandito ka sa bahay ng tito ni mark"
biglang tumayo si jenny at parang nagkaroon ng pobya sa nangyari.
" anong nangyari...may humahabol sakin.."
"ligtas kana jenny nandito ka sa bahay namin"si mario ang sumagot
"gusto ko na pong umuwi saamin"
"mahina kapa,nilalagnat ka pa nga eh"
humiga uli si jenny,nararamdaman nya pa ang pagkahilo at sakit ng paa.
habang naka upo ang tatlo at nag iisip kung anong gagawin,biglang may nag tao po sa labas.sinilip ni mark.
"rick si glen at gardo"
"ha..anong ginagawa nila dito"
"wag kayong matakot ako haharap"
"pero tito may dala siyang baril"
"wag lang kayong maingay"
lumabas ang tito ni mark na si mario.
"anong kailangan nyo!?"
"alam po naming nandyan yung tatlo,palabasin nyo sila dito"
"nakakasiguro kana na nandito nga yung sinasabi mo!?"
"hoy tanda kahit pa tiyohin ka ng tropa ko kaya kung pasabugin ang ulo mo"
sabay totok ng baril sa mukha ni mario.
"wala nga dito yung hinahabap mo....."
"sinungaling"
walang ano ano ay tinulak nya si mario at nag tuloy tuloy sa loob ng bahay ang dalawa.pag pasok nila sa loob wala silang nakita.nahagip ng tingin ni glen ang sandals na nasa gilid ng sofa na puro putik at sa palagay nya ay kay jenny yun.
"kuya tingnan mo to!?"
"nandito nga sila"
kasunod nila si mario na pumasok.
"trespassing ang ginawa nyo,ipapahuli ko kayo sa pulis"
"subukan mong mag sumbong sa pulis!"
biglang lumabas si carmen mula sa kusina,subrang takot nya ng sakanya naka totok ang baril ni gardo.walang ano ano hinila ni gardo si carmen at hinawakan ang leeg.
"pag hindi lumabas ang tatlong yan sabog ang ulo ng matandang to,bibilang ako ng tatalo"
"parang awa mo na wag mong gawin samin to"
"isa......."
"gardo bitawan mo asawa ko"
samantalang si glen may hawak na patalim at naka totok din yun kay mario.
"dalawa......"
hindi naka tiis lumabas ang dalawa mula sa kuwarto.
"sinasabi ko nanga ba eh!!?"
"ano pa ba kailangan mo!?nandito na kami!! bitawan mo sila tito at tita!!"
"nasaan yung babae!?"
"wala kaming kasamang babae!!"si mark ang sumagot.
"wag mo kung pinag luluko patrick!!alam kung kasama nyo yung babae dito !!ilabas mo siya!!"
"wala nga"si patrick
"ayaw mo ilabas!!papasabugin ko talaga ulo nito"
"tika wag maawa ka,ilalabas ko na!?"
"good.... good.."
"bago ko ilabas ang kailangan mo!!bakit gustong gusto mo siyang makuha!?"
"simple lang gusto ko yang babaeng yan at matagal ko na siya sinusubay bayan!!matagal ko na siyang gusto"at hindi ako titigil hanggat hindi siya napapasakin"
nakakatakot ang mkuha ni gardo na tila demonyo na sa subrang pagka humaling kay jenny.
"sira ulo mo!!tinuring kapa naming tropa tapos ganto gagawin mo,dinamay mo pa kami sa kalukuhan mo..!!"
"wala ng maraming satsat ilabas mo na yung kailangan ko,para hindi kayo madamay i bigay nyo sakin yung babae"
"mag hintay ka!!"
pumasok uli si patrick at pag labas kasama na si jenny na mahina pa at nahihilo.
"ilapit mo siya dito"
unti unting nilapit ni patrick si jenny.habang naka alalay si patrick kay jenny may sinasabi si jenny na halos hind maintindihan ni patrick.
"pa..rang awa mo na....wag mo.. kung.. bigay sakanya..."
"bakit ganyan siya parang may sakit!? tanong ni gardo.
"may lagnat siya at natusok ang paa nya dahil sa pag takbo"si patrick.
napatingin si patrick sa tito ni mark kumindat ito.nang makalapit na,binitawan ni gardo si carmen at tumakbo naman si carmen palayo,kukunin na ni gardo si jenny biglang hinwakan ni patrick ang baril ni gardo at pilit inaagaw yun hinila ni mark si jenny palayo at bumalik sa kinaruruonan ng dalawang nag aagawan sa baril,tinulungan nya si patrick samatalang si glen tutulong sana sa kuya nya pero sinapak ni mario bumagsak sa sahig at naka tulog ito.
pilit paring inaagaw ni mark at patrick ang baril kay gardo,napa ka taas na ito at naka totok sa bandang balikat ni patrick ng biglang pumutok.nagulat ang lahat,sa pagka gulat na yun nakakuha ng pag kakataon si mark sinuntok suntok nya sa mukha si gardo
nang bumagsak ito sa sahig nawalan ng malay.
"rick....rick... may tama ka!?"
"wala to daplis lang to"
nag dudugo ang balikat ni patrick ng tumayo.samantalang tumawag na ng pulis ang tita ni mark na si carmen.
nakasandal parin si jenny sa dinding kung saan doon siya nilagay ni mark.
kumuha ng tali si mario at tinalian ang magkapatid.
"mabubulok na kayo sa bilanguan"
"tito paano kung madamay kami"
"sa dami ng ginawa nilang kasalanan siguradong hindi kayo damay "
nag pahinga na ang tatlo.si Carmen naman hindi makapaniwala sa mga nangyari ng umagang yun nanginginig pa ito sa takot kinuha nalang niya ang face towel para punasan si jenny na noo'y inaapoy pa ng lagnat.kinuha naman ni mark ang first aid ket para gamotin ang sugat sa balikat ni patrick.

KIDNAPWhere stories live. Discover now