Chapter 19: Lihim

2.8K 53 2
                                    

Nag pahatid si jenny sa driver ng taxi sa office nila,kailangan nyang makausap yung guard ng buildings.pag dating nya sa lugar kung saan nya iniwan ang kotse pero maraming mga pulis at nandoon na ang kanyang mommy na umiiyak pati ang manager nila na nakikipag usap sa mga pulis,nandoon narin si lovely na pilit pinapatahan ang kanyang mommy sa pag iyak,hinahagilap ng mga mata nya kung nandoon si patrick pero hindi nya ito nakita.lumapit siya sa momny niya at lahat ng nandoon ay nagulat sa pag dating nya.
"jenny anak nasaktan kaba,anong nangyari sayo!?sino ang gumawa sayo nito!?"bungad agad ng kanyang ina.
"mommy ok na po ako"
lumapit ang isang pulis at guard na nakakita sakanya habang kinakaladkad siya ng dalawang kidnappers,pati ang inspector ay kaharap na ngayon pati na ang manager nya ay lumapit narin sa kanila,tinanong siya ng pulis.
"miss Zalasar nakilala mo ba yung mga kumidnap sayo!?"
"hindi po sir,mga naka maskara po sila"
"paano ka nakatakas sa mga kamay ng kidnappers!?"
"dinala po nila ako sa isang madilim na lugar at may piring ang mga mata ko,nakatakas po ako dahil iniwan nila ako pang samantala,nakalas ko po yung tali ko at piring.wala po akung makita,madilim at napaka sukal na lugar.hindi ko na po inisip yun dahil ang mahalags sakin ay ang makatakas at makalayo sa lugar na yun,tumatakbo nalang ako ng tumakbo hangang sa makasakay ako"
"bakit hindi ka dumiretso sa pulis bakit dito ka pumunta!?"
"babalikan ko po yung kotse ko at pagkatapos pupunta ako sa mga pulis"
"baka naman kasabwat mo ang mga kidnappers!?"
"mamang pulis!!bakit ko naman gagawin yun??,ipapahamak ko sarili ko??ipakikidnsp ko sarili ko!?"
"hindi malabong mangyari yun"
"bahala po kayo kung ayaw nyong maniwala sa mga sinasabi ko sa inyo"
"kasi imbis mag punta ka kaagad sa malapit na presento eh dito ka nag tuloy kung saan mo naiwan o iniwan ang kotse mo!!"ang inspector ang nag salita.
"kung wala na po kayong sasabihin aalis na po kami at yun lang ang maibibigay ko sa inyong statement"
Nag manadali si jenny na yayain ang mommy nya na umuwi nalang sila,hinanap nya ang bag at ang susi ng kotse,hinarap nya ang guard na kasama ng pulis.
"mamang guard may nakita po ba kayong bag at susi ng kotse!?"
"ito ba hinahanap mo!?"
"tinaas ng pulis ang isang plastic na may lamang bag at susi na hinahanap nya kasama doon ang isang paris ng sapatos nya.naalala nya ang isang Paris ng nasa plastic ay naiwan kung saan siya dinala ni marlon.naka paa nalang siyang sumakay ng taxi kanina.
"Inspector santos kukunin ko ang mga gamit ko"
"makukuha mo lang to kung makikipag tulungan kang mahuli ang mga kumidnap sayo!!?"
"ano to sir lukuhan!?sino ang itururo kung kidnappers!?sa palagay nyo kilala ko sila??sabi ko naman po sa inyo na hindi ko nakita ang mga mukha nila bago ako piniringan nakita ko na naka maskara ang mga kumidnap sakin!"hindi na kumibo ang pulis binigay nalang kay jenny ang mga gamit na naiwan nya nong kinidnap siya.maliban sa sapatos.
"Miss Zalasar hindi parin kami titigil sa pag imbestiga sa mga nangyaring ito"
"kayo ang bahala"
Niyaya na ni jenny ang mommy niya na sumakay ng kotse pero may tumawag sakanya.
"jenny..."
si patrick na noo'y kadarating lang.
"patrick anong ginagawa mo dito!?"
"tumawag si lovely sakin may nangyari daw sayo!?"
niyakap ni patrick si jenny.
"ok lang ako bhe"si jenny
"subrang nag aalala ako sayo!!ano bang nang yari!?"
"sa bahay ko na ikukuwento sayo"
"tika parang may naamoy akung pabango?"
"anong pabango!?"
"yung naamoy ko!!
hinagilap ni patrick ang amoy na yun kung saan nanggaling,naamoy nya yun sa t-shirt na suot ni jenny.
"yan!!dyan sa t-shirt na suot mo,parang naamoy ko na yan dati pero hindi ko lang matandaan kung saan o kanino!!?"
"ha!?dito!?"
"oo dyan nga"inamoy ulit ni patrick ang suot ni jenny.
"nakuha ko to sa isang sampayan kanina habang tumatakbo ako"
"anong tumatakbo!?"
"mamaya ko na ipapaliwanag sayo pag uwi natin"
"sige alis na tayo dito"
sumakay na ng kotse si jenny at si patrick naman ay sumakay narin sa mottor na gamit nya.magkasunod lang sila habang binabagtas ang highway,samantala si jenny ay nag iisip kung ano ang pwedi nyang idahilan at sabihin kay patrick.maraming tanong na gumugulo sa isip nya.
"sasabihin ko ba kay patrick ang totoo!?paano yung sasakyan na ginamit ni marlon!?ayon sa pulis na kausap ko nakuha nila ang plate number!!at yung sapatos ko na naiwan sa pinagdalhan sakin ni marlon!?ayaw kung mag sinungaling kay patrick!at tungkol sa pabango baka malaman nya na kay marlon galing itong t-shirt na suot ko baka kung anong isipin nya!?at isa pa sa ikinatatakot ko na baka malaman nya na si marlon ang kumidnap sakin,diyos ko tulungan mo po ako!!paano ko ba malulusutan ang kasinungalingang ito"
Gulong gulo ang isip ni jenny sa mga sandaling yun habang nag dadrive,hindi nya sinasadyang nakabig nya ang manubela pakanan at nakita niyang may makakasalubong siyang track ikinaliwa niya ito para maka iwas at bigla siyang nag break,sumisigaw ang mommy nya at umiiyak sa subrang takot,napunta sila sa may pinaka gilid ng kalsada at muntikang mahulog ang mga gulong ng kotse sa kanal na daanan ng tubig.panay ang dasal ng mommy ni jenny at napayakap siya sa anak na noo'y naka yuko sa manubela at humahagolgol sa pag iyak.sa pag mamadali ni patrick pahiga nyang nabitawan ang mottor at tumakbo sa kotse kung saan nadoon ang mag ina,dali dali nyang hinila ang pinto ng kotse na noo'y bukas na,niyakap ni patrick si jenny.
"jenny....ok ka lang!?kayo po tita ok lang po kayo!?dadalhin ko po kayo sa ospital!!"
"ok lang ako iho"sagot ng mommy ni jenny.
"bhe ikaw!?may sugat kaba ano ang masakit sayo!?"
umiling iling lang si jenny habang umiiyak at naka subsub parin ang mukha sa balikat ni patrick.ilang minuto narin ang inilagi nila sa lugar na yun marami ng tao sa paligid ng sasakyan at nakatingin sakanila,may lumapit na lalaki sa kanila.
"sir dalhin na po natin sila sa ospital"
"ok lang po sila kuya wala naman po sila sugat o injured eh..Salamat po sa concern"
"ah ganun ba!?"
tumango si Patrick at ang lalaking kausap nya ay umalis na ng malamang ok na sila.nag angat ng ulo si jenny at pinahid ang mga luha,tumingin ito kay patrick.
"bhe...ok ka lang"si patrick
tumago tango lang si jenny pero nanginginig ang buong katawan gayundin ang kanyang mommy.
"sigurado kang kaya mo na!?"
"oo bhe kaya ko na!!ikaw mommy ok lang po ba!?may masakit po sa inyo!!?sorry po mom!!"baling nya sa kanyang ina.
"ok lang ako anak!ikaw!?"
"ayos lang po"
"sigurado ka!?"si patrick.
tumango uli si jenny.
iniisip ni patrick na kung siya ang mag dadrive ng kotse maiiwan ang mottor nya,natatakot narin siyang pag driven si jenny baka maulit yung nangyari sakanila,ang mommy naman nito ay nanginginig pa sa takot.minabuti nalang ni patrick na mag palipas sila ng oras sa lugar na yun para makapag pahinga ang isip ni jenny.ilang sandali pa ay dumating ang mga pulis patrols.
"sir ano pong nangyari!?"
"nawalan lang ng controll at mai iniwasang truck"sagot ni parick.
"may nasaktan ba o nasugatan!?"
"wala naman po,pinag papahinga ko lang sir kasi natakot sa nangyari"
"naka inom ba yung babae!?"
"ay hindi po sir,girlfriend ko po yung driver at mommy ng girlfriend ko yung kasama sa kotse,magkasunuran po kami kanina habang tumatakobo,mottor po yung gamit ko at pa uwi na po kami"
"tapos anong nangyari!?"
"hindi ko rin po alam,hindi ko po makausap ang girlfriend ko sir nakita ko nalang na nandito na yung kotse"
"hindi ba puyat yung girl friend mo!?"
"hindi naman po sir"
"kailangan nyo ba ng tulong!?"
"yes sir kung pwedi po sana na mag papahatid po kami sa inyo sa bahay ng girlfriend,wala po kasing mag dadrive ng kotse hindi po kaya ng girlfriend ko na mag drive pati nong mommy nya"
"ok sige i dadrive ko nalsng sng mottor mo,malapit lang yata dito ang bahay nyo"
"yes sir..salamat po"
pinalipat ni patrick si jenny sa likod na upuan at siya na ang mag dadrive ng kotse,kasunod ang mga pulis patrol.pag dating sa bahay nila jenny kinausap uli ni patrick ang mga pulis patrol.
"sir maraming salamat po sa pag hatid"
"walang anoman po yun mr.!?"
"Patrick Morales po sir"
"Mr.morales tungkulin po namin yun,ako nga pala si officer Santiago at ang dalawa kung kasama si reyes at rubio,sige po tutuloy na kami"
"sige po mga sir salamat po uli"
"walang ano man po yun"
agad na umalis ang mga tumulong sakanila at inasikaso na ni patrick ang mag ina na noo'y natatakot parin sa nangyari.naka pasok na si jenny at ang mommy nito da sala nandoon narin ang dalawang kapatid ni jenny na nag aalala sakanila.
"jenny anong nangyari sayo!?"
hindi makapag salita si jenny,Hindi nya alam kung saan ito mag uumpisa at kung sasabihin ba nya ang totoong nangyari!!?paano si marlon at ang mag ina nito.daming gumugulo sa isip nya ng mga sandaling yun.

KIDNAPWhere stories live. Discover now