Chapter 8: Paghihiganti

5.7K 96 5
                                    

3 days na silang nasa bahay ni patrick pero hind parin tumatawag ang mommy o ang daddy ni jenny.
"jenny sabi ni tita carmen mag hihintay nalang sila sa bahay sa tarlac"si mark
"kailan sinabi!?"
"kanina lang,kanina ko lang sila nakausap.diba nga nong nakaraang araw ko pa sila tinatawagan pero patay ang cellphone"
"tapos anong sabi"
"doon nalang tayo magkita kita at may mga pulis na silang bantay doon"
pag umalis tayo dito ngayon gabi na tayung makakarating doon"
"sigurado yan"si patrick ang sumagot
"si lovely nasan!?" si mark
"nasa banyo naliligo" si jenny
"kailangan nating pumunta ng tarlac ngayon"si patrick
"hindi ba dilikado!?"si mark
"sige pupunta tayo ngayon"
agad na kumilos ang tatlo,nag ayos na sila ng gamit sinabihan narin nila si lovely.ilang oras pa ay pa alis na sila,pero bago umalis nag paalam sila sa papa ni patrick.
"tito alis na po kami"si jenny
"saan ang punta nyo!?"
"sa tarlac po pa,kila mark"
"ganun ba!?sige tawagan mo ako patrick pag nagka problema,mag iingat kayo!!"
"opo tito"
"opo pa"
Gamit ang kotse ni patrick umalis ang apat papuntang tarlac.3:45 pm sila nakaalis sa bahay nila patrick at may dalawang oras na silang nasa biyahi madilim na sa daan.napansin ni jenny na may sumusunod sa kanila.
"mark,patrick may sumusunod yata saatin"
lumingon si patrick.
"mark hanap ka ng pweding likuan"
"sige"
niluko nga ni mark sa unang kantong nakita nya at sabay binilisan ang pag papatakbo.
"ano nakasunod parin ba!?"
"oo sinusundan talaga tayo"si patrick
"bilisan mo pa mark"si jenny
at halos paliparin ni mark ang kotse,iniliko nya uli sa isang eskinitang nakita nya at binilisan uli ng takbo.
"ano sumusunod pa ba!?"
"wala na,mukhang nailigaw na natin" si lovely
"bakit nila tayo sinusundan!?at sino yung mga yun!?"si patrick
"baka naman yung mga kumidnap kay jenny"si lovely.
lalong nanginig si jenny sa narinig nyang sinabi ng kaibigan.sa akala nilang wala na patuloy sila sa pag biyahi.
ilang saglit pa ay may biglang humarang na sasakyan sa kotseng sinasakyan nila at lumabas ang apat na lalaki na naka maskara mula sa van na sinasakyan ng mga ito,may hawak silang baril at tinutok sa kanila,lumapit ito sa sasakyan nila jenny at binuksan.walang magawa ang apat kundi ang manahimik.
"wag kayung kikilos ng masama"
isang lalaking ang nag salita.pag bukas ng pinto ng kotse nakita nya si jenny at hinila ito palabas ng sasakyan.
"ano ba bitawan mo ko!!patrick tulungan mo ko..sigaw ni jenny
"hoy bitawan mo kaibigan ko"sigaw"ni lovely.
"tumahimik ka dyan!!walang susunod sa inyo kundi sasabog uli nitong babaeng to!!sabay totok ng baril kay lovely.sa kasamaang palad nakuha nila si jenny.pag alis ng mga kidnappers sinundan nila ito kahit saan mag punta.pero sa isang iglap bigla nalang itong nawala at hindi na nila makita kung saan sumuot.
huminto sila mark at si lovely naman panay ang iyak.lumabas si patrick,puno ng galit at pang hihinayang na hindi nila nasundan ang mga kumuha kay jenny.
"aaaaaaaaaahh...jeeeeeeennnnyyy.."
sumigaw si patrick ng mga sandaling yun na kinagulat ng dalawa.
bumaba si mark para awatin si patrick na noo'y naka upo na sa gitna ng highway.
"rick halikana,makikita rin natin yun"
"saan!?kailan!?hindi natin alam kung saan sila hahanapin o kailan natin mahahanap!!"
"gagawa tay ng paraan,hihinge tayo ng tulong sa mga pulis"
dahil sa sinabi ni mark dali daling tumayo si patrick at sumakay sa kotse.
pagkatapos ng pang yayaring yun tumawag si patrick sa papa nya binalita nya ang mga nangyari sa kanila.dumiretso sila sa tarlac.pakiramdam ni patrick para siyang sasabog ng mga oras na yun,hindi man halata sa mukha nya pero sa puso nya napaka sakit.hindi na nya naintindihan kung bakit siya nag kakaganun pinipilit nyang maging mabuting kaibigan kay jenny pero iba ang nararamdaman nya dito.simula ng iniligtas nya si jenny at hinawakan nya ang kanay nito parang may kuryenting dumaloy papunta sa puso nya.masaya siya sa tuwing naka nigiti si jenny,pakiramdam nya nasa langit siya at may angel siyang kaharap.
Samantala si jenny na halos hindi maka galaw sa pag kakatali sa paa at kamay,may piring ang mga mata.hindi nya tuloy makilala kung sino ang mga kumuha sakanya.sa isip nya ito nanaman siya at nasa panganib nanaman,wala nabang kataposan to!?
isang lalaki ang nag salita.
"pre anong sabi ni boss tungkol sa babae na yan!?"
"ako nang bahala doon basta mag drive ka lang"
"kuya saan nga natin dadalhin tong babaeng to"
"sa kubo kung saan nandon si mama"
"nauna na pala si mama doon"
"oo kahapon pa"
pinapakinggan ni jenny ang boses ng dalawa,kilala na nya iyun pero yung tinutukoy nilang mama ang hindi nya kilala.
"hmmmmm!!?"si jenny na gustong mag salita pero may takip ang bibig tanging ungol lng ang kanyang nagagawa.
"may sinasabi ka jenny!?"
tinangal ng lalaki ang takip sa bibig nya.
"pakawalan nyo ako...parang awa mo na!?"
"maawa...doon ka mag makaawa kay mama"
"sinong mama!?"
"si mama namin....hahahaha...."
"sino ngang mama....."pasigaw na sabi ni jenny.
"malalaman mo rin"hindi na nakapag salita ulit si jenny binalik na kasi ang takip sa bibig nito.
"hmmmm.....hmmmm.."
"tumahimik ka dyan"
naging pala isipan ang mga sinabing yun ni gardo.habang nag iisip si jenny kung sinong mama ang tinutukoy ng magkapatid umiiyak ito at naginginig sa takot.pag lipas ng mahigit isang oras big lang tumigil ang van na sinasakyan nila jenny at may nag bukas ng pinto ng sasakyan,bigla siyang hinhila palabas at binuhat ng lalakeng hindi nya alam kung sino.patuloy sa pag pupumiglas si jenny.pag dating sa loob ipinasok siya sa kuwarto,tinangal ang takip sa mata pero nabatili parin siyang nakatali at naka takip ang bibig.
nakita nya kung sino ang nag buhat sakanya si gardo na noo'y naka ngiti pa ito sakanya.
"sayang ang ganda mo jenny kung hindi ka rin lang mapapasakin"
taging sama lang ng tingin ang pweding iganti ni jenny sakanya,lumabas na si gardo na tumatawa.may narinig siyang bosis ng babae na tumatawa at kausap ni gardo,naririnig nya ang yabag papunta sa kinaruruonan nya,hinihintay nya itong pumasok,gusto nya itong makita.
pag pasok ng babae kasunod ang magkapatid nagulat si jenny.
"kamusta ka jenny!?"
tinangal ni gardo ang takip sa bibig ni jenny.
"tita!!?"
"sabi ko naman sayo diba!?hahanapin kita kahit saan!!
"tita bakit nyo ginwa sakin to!?"
"bakit hind mo itanong sa sarili mo yan jenny!?"
"wala po akung ginagawang mali sa inyo!!"
"gagawin ko ba to sayo kung wala!?"
ano po bang nagawa ko sa inyo!?"
"ma,ang daming tanong!!"si glen
"mama!?tita anak mo sila!?"
"oo anak ko sila!!"
"pero paano!? paanong nangyari yun!?"
"simple lang jenny,anak ko sila sa una kung asawa na namatay.26 years kung tinago sa inyo ang lahat ng ito pero sa ginawa ng mommy mo sakin,pinag damot nya yung para sakin,yung karapatan ko sa bahay.sa mga property's na iniwan ng papa namin nasakanya lahat binigay ni papa.at isa pa ikaw!!ikaw ang sumira ng buhay ko,sa tuwing nakikita kita kumukulo ang dugo ko!!akala mo mabait ako sayo!!?nag kakamali ka,gusto kitang lasunin sa tuwing umuuwi ka sa bahay ko,gusto kitang takpan ng unan habang natutulog ka!!"
"ano po ba naging kasalanan ko tita!?bakit ganun nalang galit mo sakin!?"
"tinatanong mo..!?gusto mong malaman..!?"
"opo tita..opo..gusto kung malaman para mawala ang galit nyo sakin..!!"
"kahit kailan hindi mawawala ang galit ko sayo,kahit manatay kapa sa harap ko jenny!!"
"tita sabihin nyo po!bakit nga ba kayo nagagalit sakin!!?ano po ba nagawa ko!?
"hindi mo ba talaga matandaan ang ginawa mo!?"
"wala po akong matandaan tita..."habang umiiyak si jenny.
"sabagay hindi mo nga matandaan yun dahil bata kapa noon!!gusto mo talagang malaman ha...ha...!!"habang hawak ang baba ni jenny at pinipisil ito.tumatango lang si jenny habang umiiyak.
"ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang asawa ko,ang pangalawang asawa ko na tumanggap ng buong pagkatao ko!!?namatay siya dahil sa pag kakaligtas nya sayo,nong muntik kanang masagasaan ng rumaragasang sasakyan,tatlong taon ka palang noon at kaarawan ng asawa ko nakita nalang namin na umiiyak ka sa tabi ng kalsada at ang asawa ko na nag hihingalo,duguan at umiiyak.may nakakita sa mga nangyaring yun,halos gumuho ang mundo ko ng sa mga hita ko namatay ang asawa ko!!?"
"tita aksidente po ang nangyari!!"
"kahit aksidente pa yun..ikaw ang dahilan ng pagka matay nya..kung hindi ka niligtas ng asawa ko sana buhay pa siya hangang ngayon..!!sana ikaw nalang ang namatay..!!"
sa subrang sakit ng mga sinabi ng tita nya humagolgol ito ng iyak.
"tita wag nyo pong gawin sakin to kapatid mo parin si mommy at pamangkin nyo ko...!!"
"pamangkin!?dalawa lang ang pamangkin ko jenny"
"anong ibig nyo pong sabihin tita!?"
"hindi kita pamangkin..!!""
"anong hindi pamangkin tita!?"
"ampon ka lang ng mommy at daddy mo!!"
"hindi po totoo yan!?sinungaling ka!!ang sama sama mo...sinasabi mo lang yan para siraan sila mommy at daddy"
"hindi ako nag sisinungaling,totoo lahat ng mga sinabi ko jenny...inapon ka nila dahil akala nila na hindi sila magkaka anak ng daddy mo,nong kinuha ka nila sa ampunan,kinabukasan ay kasal namin ng aking asawa.tuwang tuwa sila sayo at pati ang asawa ko ay natutuwa sayo.dalawang taon ang lumipas,nag patingin ako sa doctor sa kasamaang palad hindi na ako magkaka anak kahit kailan.nalungkot si marco ang asawa ko,sa tuwing dadalaw ka saamin alagang alaga ka nya at halos ituring ka nyang anak"pero ngayon wala na siya at ikaw ang may kasalanan ng lahat!!"
"hindi totoo yan tita,puro kasinungalingan ang mga sinasabi mo"
"ako sinungaling!?"bakit hindi mo itanong yan sa magaling mong ina,na walang ibang inisip kundi ang sarili at mga gusto nya sa buhay!!makasarili ang mommy mo!!"
"tita parang awa nyo na!!kung ano man po ang nagawa ko patawarin nyo ko"
"tulad ng sinabi ko..jenny walang kapatawaran ang mga ginawa mo,sige lagyan ng takip sa bibig yan!?"
"wala kang puso!!masahol kapa sa demonyo....hhhhmmm..."
"wala na talaga akung puso jenny,kasama ng pagkamatay ng asawa ko na pinatay mo!!"
Inilagay ni glen ang takip sa bibig ni jenny,hindi makapaniwala si jenny sa nalaman nyang yun.hindi nya alam kung gusto pa nyang mabuhay ng mga sandaling yun.nag halo ang sama ng loob nya sa mga magulang nya at sa tita nya lalo na sa mga kasama nito na unang kumidnap sakanya.wala siyang ginawa kundi umiyak ng umiyak.

KIDNAPWhere stories live. Discover now