Chapter 10: Masakit na katutuhanan

5.5K 99 1
                                    

Inilabas na si jenny mula E.R at ang lahat ay naka abang sa pinto nito may inabot ang nurse kay carmen ang tita ni mark.
"madam ito yung mga gamit na nakuha sa katawan ng pasyente"
"salamat nurse"sagot ni Carmen
nakita nila ang cellphone,sing sing at nicklece pati ang hikaw nito.
"buti nalang nadala nya ang cellphone nya,kung hindi,hind natin siya makikita."
"nakita po namin yan naka sisik sa harapan sa my puson po nya"ang nurse.
"salamat ha"si patrick.
magkakasama silang inihinatid si jenny sa magiging kuwarto nito.
wala paring malay si jenny mula ng nilipat siya ng kuwarto mag dadalawang oras na ang lumipas.
lahat ay na hihintay sa pag gising ni jenny pero minabuti munang umuwi ni carmin at mario.
"mark patrick maiwan muna kayo dito uuwi muna kami ni tito mo para kumuha ng damit ni jenny at mag luluto narin ako ng pagkain nyo dito"
"sige po tita kami na po ang bahala dito"
"tumawag ka mark pag nagising na si jenny ha!!balitaan nyo kami"
"opo tita"
"o kayo ng bahala dyan ha"si mario.
"opo tito"si patrick ang sumagot.
samantalang si lovely naman ay naka sandal sa upuan at naka tulong na ito sa subrang pagod.
mag liliwanag na ng lumabas ng ospital ang mag asawa,napalapit narin sila kay jenny may anak din kasi silang babae kaya ganun nalang ang pag mamalasakit nila sa dalaga.39 years na silang mag asawa at biniyayaan sila ng isang anak na babae na kasalukuyang nag aaral sa isang private school sa maynila.hindi akalain ng mag sawang carmen at mario na magiging malapit sila kay jenny.
samantala sa ospital nanatiling nasa tabi ni jenny si patrick nasa gilid ito ng kama at nakatitig sa mukha ni jenny,noon lang nya napagmasdang mabuti si jenny.
"napaka ganda nya!!maamo ang mukha at may pulang mga labi,ang hugis ng mukaha nya ay bumagay sa ilong at mata,napaka ganda nyang tingnan habang natutulog"sambit ni patrick habang naka tingin sa mukha ni jenny.si mark naman ay umalis para bumili ng maiinom at pagkain.
Kalahating oras pa ang lumipas nanatiling tulog parin si jenny at si patrick ay nanatiling gising para bang hind ito nakakaramdam ng pagod o antok.
nakita ni patrick na gumalaw ang kamay ni jenny.
"jenny...jenny.. si patrck to.."
nanatiling naka pikit si jenny pero ang kamay nito gumagalaw.
"jenny...jenny!!"tawag uli ni patrick.
gumalaw na ang ulo at pinipilit ni jenny idilat ang mga mata.lumapit na si mark kay patrick at jenny.
"jenny..jenny.."nag mulat ng mata si jenny pero dahan dahan ito.hindi niya pa naaninagan ang mga tumatawag sakanyan.tinatawag parin siya ni patrick habang naka ngiti ito kay jenny.
"jenny...salamat at nagising kana!!"
dali daling ginising ni mark si lovely.
"love...love..gising,nagka malay na si jenny"
agad namang tumayo si lovely para kamustahin ang kaibigan.
"jenny..kamusta pakiramdam mo!?"si lovely na noo'y kagigising lang.pag mulat ng mata ni jenny tumingin muna ito sa paligid.
"nasaan ako!?"
"jenny nandito ka sa ospital"si patrick
"buti nagising kana!?"si lovely
"anong nangyari?"si jenny na hirap paring mag salita at halatang mahina pa ito.
"wag ka munang mag salita,nakakasama sayo sabi ng doctor"
si patrick.
"oo nga jenny,pahinga ka nalang muna,kukuwento namin sayo lahat pag malakas kana!"si mark
"oo nga te... pero pinag alala mo kami,lalo na si patrick"
Ngumiting bahagya si jenny dahil sa sinabi ni lovely.
tumawag si mark sa tito at tita nya para sabihing gising na si jenny.
8:34 am dumating si mario sa ospital nag hatid ng pagkain at damit ni jenny.
"kamusta si jenny!?tanong ni mario ang tito ni mark.
"ok lang tito medyo nang hihina pa siya,kaya siguro naka tulog uli siya"
"ito nga pala yung damit ni jenny at pagkain nyo"
"bakit hindi nyo po kasama si tita!?"
"pinag pahinga ko muna para mamayang hapon kami naman ang mag babantay dito at kayo naman ang mag pahinga"
"ganun po ba tito?"si mark
hindi na nag tagal si mario sa ospital umuwi ito kaagad para maka pag pahinga muna siya.ang tatlong naiwan ay kanya kanya ng puwesto,si mark sa pang isahang sofa Natulog at si lovely sa mahabang sofa naman samantalang si patrick ay nasa gilid ng kama kung saan nakahiga si jenny,naka yuko ito at hawak ang isang kamay ni jenny nag hihintay na muli itong magising.
Mahigit dalawang oras ding nakatulog ang tatlo at narinig ni patrick na umiiyak si jenny,nag taas ito ng ulo para tingnan.
"jenny...jenny gising nanaginip ka"
nag mulat ng mata si jenny at nakita nya ang mukha ni patrick.
"patrick nakita ko si gardo at glen..galit na galit sila saakin at may hawak silang baril"
"panaginip lang yun wala na sila,hindi kana nila guguluhin pa kahit kailan"
"anong ibig mong sabihin wala na sila!?"
"patay na sila jenny,pinag babaril sila ng pulis"
"si...si tita lucy!?"
"nasa kulungan na siya"
"sila tito mario at tita carmen nasaan!?"
"umuwi muna sila para mag pahinga"
"mabuti naman!!eh yung dalawa si mark at lovely!?"
"ayun sa sofa natutulog"
"ikaw bakit hindi ka natutulog!?"
"naka idlip na ako dito sa upuan"
"sorry kung nagising kita"
"wala yun!..ay gusto mo nang kumain?nag hatid ng damit mo at pagkain si tito mario kanina,may sopas,kanin at adobong pork"
"nakakahiya naman kay tito mario.sige yung sopas nalang"
"sige susubuan kita"
"nakahiya naman sayo!!"
"ok lang yun"
"ay salamat gising na uli ang princess namin"si lovely na noo'y kagigising at ka tatayo lang mula sa sofa"
"o gising kana pala!"si patrick
"love salamat ha"si jenny
"at para saan naman yang pasasalamat mo?"
"para sa pag tulong mo tsaka nandito ka"
"uy wag kang mag drama dyan best friend kita at mahal kita noh...ayan naiiyak naku!!kaw kasi.."
"hehehe...kaw talaga.."
"oh ito na kain kana"si patrick na may hawak na bowl na may lamang sopas.
"hala te...naka kuha ka ng prince na mag papakain sayo"si lovely na nag bibiro
"love tumigil ka dyan"si jenny
"ay te dyan nagka tuluyan yung kangaro at panda na alaga ng lolo ng lolo ng lolo ko,kaya yun ang lumabas na anak Pandaro!!"
"ikaw talaga love puro ka kalukuhan,wag kang mag patawa masakit pa yung sugat ko"
"ay oo nga pala sorry naman friend,ay papa patrick ako naman subuan mo!!"
"manahimik ka dyan subo ko sa tong buong kutsara"
"suplado,ay jenny yung mga gamit na nakuha sa katawan mo nandoon kay tita carmen"
"nandoon din ba yung cellphone ko!?"
"oo nakita nila sa may puson mo naka siksik"si patrick ang sumagot.
"nong hindi pa tinatali yung kamay ko unti unti kong nilagay sa puson ko at naka ipit sa pantalon,balak ko kasing tumawag sa inyo para ipaalam kung nasaan ako perobago pa nangyari yun itinali na yung kamay at paa ko"
"ganun din ngang gagawin ko pag kinidnap ako"
"asa kang may kikidnap sayo"si patrick.
"ang sama mo talaga!"
"paano nyo nga pala nalaman kung nasaan ako?"
"naka open yung location service mo tapos yun hinanap ko yung phone mo nag match naman kaya na kita ka namin"
"oo nga pala,mula noong doon na ako natutulog kila tita,pina open nya sakin yung location service ng cellphone ko para daw kung may mangyaring hindi maganda makikita nya ako agad"
"ah kaya pala nasundan tayo nong galing tayo kila patrick!!"si lovely
"kahit pala ganyan ka kakulit may tinatago ka rin palang amazing brain"si patrick na naka ngiting nang aasar.
"plano talaga ni tita ang lahat"si jenny na nag uumpisa nang mangilid ang mga luha.
"wag kanang malungkot jen nandito naman kami,para mo ng pamilya"si lovely.at tuluyang umiyak si jenny naalala nya yung mga sinabi ng tita nya nong gabing yun.
"jenny bakit!?"si patrick
"wala...may naalala lang ako.."
"pwedi mong sabihin saamin para gumaan ang pakiramdam mo"si patrick uli.
"kasi....huhuhu.."
"ano bang problema jen!?si lovely na noo'y hinihimas ang braso ni jenny.
"ang totoo hindi ko totoong tita si tita lucy!!"
"anong hindi!?diba sabi mo kaptid ng mommy mo sa ama!?"bungad ni lovely
"oo pero hindi ko talaga siya tita.kasi ampon lang ako nila mommy at daddy,tapos si gardo at glen anak ni tita sa unang asawa nito!!"
"ano!?"si lovely
"kaya pala mag kasabwat sila!?"si patrick na nagulat din sa narinig.
"tama si love si tita lucy nga ang mastermind sa pag kidnap sakin"
"kung ampon ka!?bakit ka pinakidnap ng lucy na yun!?si patrick
"ako yung sinisisi sa pagkamatay ng pangalawa nyan asawa at may galit din siya kay mommy dahil sa mga properties na naiwan ng lolo lahat yun nasa pangalan ng mommy ko,subrang galit na galit siya sakin at noon paman ay gusto na nya akung patayin"
"Naku jen subrang walang hiya naman pala ng tita lucy mo!!"
"love hindi ko siya tita,kaya pala ganun sila mommy sakin,ang layo ng loob nila sakin kahit mga kapatid ko"
patuloy sa pag iyak si jenny at ang dalawa namay tahimik lang at nalulukot sa mga sinabi ni jenny.hindi akalain ng dalawa na ganun ang kalagayan ni jenny hindi rin alam ng dalawa kung ano ang pwede nilang itulong sa kaibigan.

KIDNAPWhere stories live. Discover now