Chapter 11: Paghingi ng tawad

4.9K 85 2
                                    

Tulad ng napag kasunduan nila na palitan sa pag babantay kay jenny.
isang linggo na si jenny sa ospital pero hindi parin dumarating ang daddy nya.naibalik narin ang cellphone nya kaya nag aabang siya ng tawag mula sa mommy at daddy nya.alam naman nila kung anong number nya pero walang tawag kahit isa mula sa kanila.
"jenny naikuwento na sakin ni patrick ang lahat ng sinabi mo sa kanya"si carmen na noo'y nag babalat ng orange para kay jenny.
"tungkol po saan tita!?"
"tungkol sa tita lucy mo at tunkol doon sa!!..pagiging ampon mo!!"
"ah yun po ba tita ok lang po yun"
"alam mo jenny ayaw kung makialam sa personal na buhay mo kasi kailan lang tayo nagka kilala pero napalapit kana saamin ng tito mo"
"salamat po tita at sorry po kung pati kayo nadamay sa mga nangyayari sakin"
"wala yun.ang mahalaga ligtas ka at wala nang pwedeng manakit sayo"
"buti pa po kayo nandyan palagi para sakin,pero sila mommy at daddy wala pa hangang ngayon"
"darating din yun at mahal ka ng mga yun"
"sana nga po tita"
habang nag kukuwentuhan ang dalawa may biglang pumasok na babae at kasunod noon ay si mario.
"hay mama"bungad nito kay carmen na humalik pa sa pisngi.
"ay jenny anak ko nga pala si Maricar"
"hi maricar"
"anak si ate jenny mo"
"hello ate jenny,pwede po ate jen nalang tawag ko po sayo??"
"oo ok lang,ganda po ng anak nyo tita!!"
"naku ate jen mas maganda po kayo"
"ay siya dyan muna kayung dalawa pupunta lang kami sa baba para bumili ng meryenda natin,halika mario"
naiwan si jenny at maricar.
"ate jen ilang taon kana?"
"23 mag 24 palang ako ngayong june 27"
"malapit na po pala one month nalang po!"
"ikaw maricar..ilang taon kana!?"
"ahhm..18 palang po ako"
"may boyfriend kana!?"
"naku ate wala po,bawal baka pahintuin ako ni mama sa pag aral"
"tama yun aral muna para pagdating ng araw makatulong kay mama at papa mo"
"oo nga po te yun po talaga gusto kung gawin!ikaw po ate jen may bf kana!?"
"naku wala pa,at ayaw ko pa!!"
"bakit naman po!?ibig sabihin mula ng nag dalaga ka po wala kang naging bf!?
"wala pa"
"wow te!!sabagay po bata pa kayo"
"nag papakasawa muna ako sa pagka dalaga"
"eh crush po!?"
"dati meron,pero now wala"
"aahhm..manliligaw!?"
"marami.."
"ah marami nga pong manliligaw po sa iyo kasi maganda po kayo!!"
"salamat..ikaw din naman maganda!!"
"salamat te jen,nakilala ko nanga pala yung friend nyo po si ate lovely at kuya patrick"
"ah ganun ba!?
"ate jen si kuya patrick po parang may gusto sayo!?"
"paano mo nasabi yun!?"
"kasi kanina po wala po siyang bukang bibig kundi pangalan mo"
"ganun lang suguro yun"
"nanliligaw po ba sayo yun!?"
"hindi...kaibigan ko lang yun.."
"ah ganun po ba!?"
"madaldal ka pala no!?"
"ay opo mana ako kay mama"
"ano yung narinig ko!?
biglang nag salita si carmen mula sa likod ni maricar kasunod si mario na may dalang meryanda.
"wala po mama"
"pasinsiya kana jen kay maricar madaldal talaga yan"
"ayos lang naman po yun tita"
"jenny meryenda na tayo mamaya nandito na yung nurse para painumin ka ng gamot"
"sige po tita"
ilang sandali pa ay nag ring ang cellphone ni jenny,nakita nya na tumatawag ang daddy nya.
"hello daddy!!"
"hello jenny nasaan ka ngayon!?" sa kabilang linya.
"nandito po ako sa tarlac hospital dad,kayo nasaan!?"
"nandito ako sa bahay natin,paano ba pumunta dyan!?at bakit ka nasa ospital ngayon!?"
"dito ko na po ipapaliwanag sa inyo"
"saan ba banda yan pupuntahan ka namin ng mommy at mga kapatid mo!!"
"kasama mo po si mommy!?"
"oo nauna siyang dumating sakin,sabi ko hintayin nalang nya ang pagdating namin para sabay ka naming hanapin"
"bakit hindi po siya tumawag sakin kung nauna po siya sa inyo!?"
nong isang araw pa tumatawag ang mommy mo sayo pero hindi ka nya ma contact"
"ang sabihin po nya ayaw nya talaga akung makausap at mahanap"
"wag kang mag salita ng ganyan mahal ka namin ng mommy mo"
umiiyak na si jenny ng mga sandaling yun.
"dad ipapasundo ko nalang po kayo kay patrick at mark sa bayan para po maka punta na kayo dito"
"sino yung mga yun!?"
"mga kaibigan ko po,sila yung tumulong sakin"
"ah ganun ba!?
"ngayon po ba kayo pupunta dito!?"
"oo paalis na kami dito"
"I sesend ko nalang po yung number ni patrick para po may contact po kayo sakanya"
"ok sige anak"
"ingat po kayo"
pagkatapos nilang mag usap tinawagan ni jenny si patrick para sabihing na sunduin ang daddy nito sa bayan binigay ni jenny ang number ng daddy nya kay patrick.naisend narin nya ang numeber ni patrick sa daddy nya para sila nalang mag usap kung saan mag kikita.
hindi makapaniwala si jenny na mag kikita na uli sila ng daddy nya at mga kapatid at ang mommy nya.halos apat na taon na rin silang hindi nag kikita.hanggang sa facebook o skype lang sila nakakapag usap hindi pa madalas.pero iniisip ni jenny ang tungkol sa pagkatao nya,nasasaktan siya sa tuwing naiisip nya yun.23 years nilang tinago ang pagkatao nya.
pagkatapos nyang kumain ng meryenda nakipag kuwentuhan muna siya kay maricar at sa ina nitong si carmen.
6:45 pm ng nakarating ng ospital ang daddy nito kasama ang dalawang kapatid at ang mommy nya.
Pag pasok sa silid ni jenny niyakap agad siya ng kanyang daddy at dalawang kapatid na si christian at jobet
"daddy...mga kapatid ko!!"
pero ang mommy nya nanatiling nakatayo sa likod ng daddy nito.
"anak kailangan nyong mag usap ng mommy mo"
"ok po dad"
umurong ng kaunti si jonathan para makapag usap ang dalawa.
"Jenny anak alam ko na marami akung pag kukulang sayo,ginagawa ko to para sa inyo ng mga kapatid mo!!"
"yun ba talaga ang dahilam mommy!!?simple lang naman ang gusto ko,yung kamustahin nyo manlang ako,alamin kung ano lagay ko dito!!hindi nyo nga po tinanong kung anong nangyari sakin!!pingalitan nyo pa ako.
guto ko lang pong maramdaman na nandyan kayo ni daddy para sakin kahit alam ko na lagi kayong busy"
"hindi totoo yan jenny mahal ka namin"
"oo mommy mahal nyo po ako pero sa salita lang,at kung talagang mahal nyo ako nong una palang na nakidnap ako umuwi na kayo dito.hindi ko maramdaman na mahal nyo ako mommy kahit malayo kayo sakin,minsan ko lang kayo nakakausap madalang pa sa patak ng ulan"
"babawi kami sayo anak,i lilipat kita ng ospital yung maalagaan ka ng husto at bibigay ko sayo kahit anong gusto mo!!"
yun ba yung ibig sabihin sayo ng pag mamahal mommy!!lahat ng kilos mo puro pera o mga bagay na mamahalin!!mommy ang gusto ko yung pag mamahal mo na hindi matutumbasan ng kahit ano!!yung pag aalaga at pag aasikaso mommy.masaya na ako na kung itatanong mo sakin kung ok lang ako,anong problema ko o may sakit ba ako,aalagaan pagmay sakit kahit nga sa pag haplos ng buhok ko hindi nyo nagawa ang sarap sa pakiramdam na inaasikaso ng magulang"
"jenny anak alam mo namang busy kami diba!?"
"busy!!pera!!mga gamit na mamahalin at kung ano ano pa!!!yun ba tagala mahalaga sa inyo!? alam nyo ba kung anong nangyari sakin ha..!!
mommy daddy muntik akung ma rape,dalawang ulit akung kinidnap at muntik ng mamatay at alam nyo ba kung sino ang may gawa ng lahat ng yun!?alam nyo ba!?ang kapatid mo mommy na si tita lucy....!!!kinidnap nya aki sa kagustuhan nyang gumati sa sayo....dahil wala siyang natanggap na pamana galing kay lolo...at ako ang sinisisi nya sa pagkamat ng asawa nya,sakin lahat ang sisi mommy...saakin nya lahat binuhos ang galit nya sayo"
"anak tama na"
"bakit mommy ayaw mo pong marinig ang katutuhan na sa kabila mg pagiging busy mo ito ang nangyari sakin"
"anak nasan na ngayon ang tita lucy mo!? si jonathan ang nag tanong
"nasa kulungan na po dad,hindi lang yung kasama ni tita lucy sa pagkidnap sakin ang dalawa nyang anak sa una nyang asawa"
"anong dalawang anak!?"si Christina.
"hindi nyo po alam yun!?diba dapat mommy alam mo yun dahil kapatid mo si tita lucy!!"
"hindi ko alam yun,oo kapatid ko siya sa ama pero hindi ko alam na may anak siya bago nag pakasal sa asawa nyang si Marco"
"yun ang totoo mommy,wala ka ngang alam dahil lagi kang busy tama nga sabi ni tita sakin,sakim at makasarili ka,walang inisip kundi ang pera nyo at mga ari arian nyo!!"
"wag mo akung pag sasabihan ng ganyan jenny sumusubra kana!!"
"masakit po yung katutuhanan,pero walang kasing sakit tung nararamdaman ko ngayon,yung hirap na dinanas ko na halos ikabaliw ko yun mommy"
"anong gusto mong gawin ko puntahan ang tita mo at ang mga anak nya at patayin o bitayin para sayo!!?"
"ganyan po pala kayo mag isip mommy!?kala ko matalino kayo at idokadang tao,wala karing pinag kaiba kay tita lucy!!"
Walang ano ano ay sinampal siya ng kanyang mommy na kinagulat ng lahat.
"masaya na po kayo!!?nasaktan nyo na ako!!"
"wag na wag mo akung pag sasalitaan ng ganyan jenny anak lang kita!!"
"anak mommy!!?anak nyo nga ba talaga ako!?"
"anong pinag sasabi mo jenny shempre anak ka namin"si jonathan
"kasinungalingan alam ko na ang totoo after 23 years nilihin nyo sakin ang buong pagkatao ko...!!!kaya hindi na ako nag tataka na hindi nyo ako mahal dahil hindi nyo ako anak"
"anak patawarin mo kami ng mommy mo kung hindi namin sinabi ang pagkatao mo!!"si jonathan na umiiyak na rin.
"daddy bakit nyo po nagawa sakin yun!!?kay tita ko pa nalaman hindi sa inyo mismo!!"
"anak jenny patawarin mo kami,natatakot kami ng daddy mo pag nalaman mong ampon ka baka iwan mo kami,minahal ka namin ng parang isang tunay na anak"si Christine na noo'y mahinahon na dahil sa sinabi ni jenny.
"ngayong alam ko na ang lahat pag galing ko.ako na mismo ang lalayo sa inyo,hahanapin ko ang totoo kung mga magulang"
"jenny hindi mo na sila makikita"
"anong ibig nyong sabin na hindi ko na sila makikita!!?"
"ayun sa madreng nakausap namin sa bahay ampunan ang mga magulang mo ay namatay sa isang car accident,pinutahan namin ang kamag anak ng mama mo kinausap namin at pumayag na ampunin ka namin.ayun din sa madre walang nag pupunta doon na kamag anak ng mama mo para kunin ka"ang ama mo naman ay taga ibang bansa at ang mama mo ay taga dito sa Pinas"
"Gusto ko pong lumayo"
"hindi jenny mananatili ka sa tabi namin,isasama kana namin sa ibang bansa pag gumaling kana"ang mommy ni jenny
"hindi mommy dito lang ako,hindi ko iiwan ang mga taong tumulong at nag buwis ng buhay para sakin"
"kung ganun ikaw ang masusunod,i uuwi ka na namin sa maynila,doon kana mag papagaling"ang mommy ulit nya.
"hindi mommy dito lang ako at dito rin ako mag papagaling"
"pero masmaganda sa maynila"
"kahit anong gawin nyo hindi ako sasama sa inyo"
hindi na napilit si jenn.niyakap siya ng daddy nya pati ng mommy nya.panay parin ang hingi ng tawad sakanya.samantala nanatiling tahimik ang mga tao sa paligid nila na tila nakikiramdam lang.

KIDNAPWhere stories live. Discover now