CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS

Start from the beginning
                                    

Hoy, don't tell Ashari na ang sekretarya nito at ang right hand man ay magkakontyaba sa isang matinding backstabban?

Teka, e hindi ba babae ni Easton si Shera?

Ah! Hindi kaya naman may affair si Shera kay Leonard? Ito kaya ang betrayal na sinasabi ng dalawa?

HA! Talagang matetegi kayo ni Easton. Ayaw pa naman non sa lahat e traydor. (Insert Cannabeth)

Ahhh. Bakit ba palaging na-i-ipit si Ashari sa mga ganitong issue? Bakit pa palagi siya ang nakakakita sa mga ito? At bakit dumadalas yata ang pagtatago niya sa likod ng mga bagay bagay para maging chismosa? Iba ang impluwensiya sa kaniya ng pagiging kapitbahay ni Aling Marites, nagiging certified chismosa siya ng taon e. Kasalanan talaga 'to ni Aling Marites at ng kaniyang mala Jurassic na cellphone.

Nakita ni Ashari na sumilay ang ngiti sa labi ni Ms. Shera. Hayss, ang ganda talaga niya. Beauty queen na beauty queen ang dating.

"I would rather be killed than stay with Easton. I wanted to be with you Leonard."

Kinilabutan ang buong katawan ni Ashari ng makita niya na ngumiti ang mala wall of China na si Leonard. "I wanted to be with you too, Shera."

Lechugas na leche plan na masarap. Sabi na e! May affair talaga ang dalawa!

Ang sama ng tingin ni Ashari sa dalawang nilalang na pinapanood niya. Para siyang nanonood ng the world of the married couple at sobra siyang na-c-cringe ngayon.

Imagine, 'yang si Boy Wonder Around na akala mo bato na hindi matinag tinag e mang-aagaw pala sa kabet ng iba? Odiba, ang liit ng mundo. Sila sila din ang nag-aagawan. Mano manlang sanang kumabet sa medyo malayo diba?

Taimtim na nakikinig si Ashari sa hot issue ng may bumulong sa tenga niya.

"What are they talking about?"

Masyadong busy si Ashari sa pag-iintay sa mga susunod na mangyayari kaya wala sa sarili na sumagot siya sa nagsalita. "Shhhh, huwag kang maingay, sumasagap ako ng mainit na balita na pwedeng ipang headline sa balita sa radyo." pinalis pa niya ng very light ang mukha ng kung sino mang nilalang na'yon dahil nararamdaman niya ang paghinga nito malapit sa tenga niya.

"Care to tell me first?" parang nang-iinis naman ito kasi lalo pang inilapit ang bibig sa tenga niya.

"Mamaya!" inis na pabulong na singhal ni Ashari dito. "Magtago ka nga dito sa tabi ko Easton, kapag nakita ka nila diyan baka mapatay mo pa sila." hinila ni Ashari ang loose na polo nito para igaya sa lugar sa tabi niya kung saan hindi ito makikita ng dalawang traydor.

Medyo, as in very light na napatulala si Easton kay Ashari ng maka-upo ito sa tabi. 

She called him by his name...

She called him Easton again...

Not with a Sir, not with a hilarious pet name, not with a kuya...

Hindi pa din siya sanay na unti-unti ay nararamdaman niya na nagiging komportable na si Ashari na tawagin siya sa pangalan. What's even funny is that he doesn't feel disrespected kahit na anim na taon ang tanda niya kay Ashari.

"I really hope he won't kill us when he found out." akala mo naiipitan ng mani si Shera.

Napangiwi nalang si Ashari sa kilabot. "Ha! Buti nga kay Easton, 'yung kabet niya kumakabet sa iba." bulong ni Ashari habang tutok na tutok sa pinapanood. Ito ata epekto sa kaniya ng less kdrama e. Masyado siyang nagiging interesado sa mga drama sa buhay ng mga taong nakapaligid sa kaniya. "Hayss, Sir Leonard, Ms. Shera, huwag niyo lang din sana intayin na si Easton pa mismo ang maka-alam ng affair niyo. Kundi parehas kayong gg." dagdag na bulong ni Ashari sa sarili with matching plastik na buntong hininga.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now