Dumating ang isang lalaking ayos ang porma, maputi, makikita ang confidence. In fairness, ang gwapo ni Arjay.  :D

“Arjay, mga kaibigan ko nga pala, sina Alex at Che.”
“Ayos ha. Mga estudyante pala ang kasundo mo. :D ”
“Siyempre. Si Alex, pamangkin siya ni Elle. Si Che, best friend is Alex.”
“Hello sa inyo. Talaga? Si Elle? Di mo kamukha ah.”
“Pamangkin lang naman, di kailangang kamukha.”
“Sinabi ko bang dapat magkamukha? Sinabi ko lang naman na di sila magkamukha.”
“Oo na lang.”
“Kilala niyo po si MamTiya? Este si Tita
 Elle?” tanong ko kay Arjay. 
“Ah, oo. Kababata ko un
 eh.” Yun lang naman ang sinabi niya, pero di ko maintindihan kung bakit parang naalangan siya. 


Nagkayayaan na magSB. Ilinibre pa kami. Grabe, di ko maintindihan kung ano ang ayaw niya kay Arjay. Mabait naman siya, nakakatawa, hindi sobrang bolero na iispin mo wala ng katotohanang sinasabi. Binabara pa niya nga si Tita Shane. Tapos si Tita Shane, tawa lang siya ng tawa buong gabi. Hmm. May pag-asa kaya sa kanya si Arjay?

Mejo lumalalim na ang gabi kaya ihahatid na daw niya kami.

“San ba kayong tatlo?”
“Sa bahay ko, Arjay.”
 Aba. Kala ko ba ipapahatid kami? Haha. Naguilty siguro. “Hmm. Che, mahilig ba sa sweets yang si JB?” Biglang pagswitch niya ng topic.
“SOBRA!” 
sagot ni Che na parang biglang kinilig.
“Kaya nga niya nagustuhan si Che. ” 
dagdag ko.
“Teka, SWEETS? Alam niyo ba ung joke tungkol kay Pacquiao at ang
 sweets?” biglang singit ni Arjay sa usapan.  
“Syempre! Luma na kaya yan.”
Pambabara naman ni Tita Shane.
“Ganun? Ikekwento ko pa din!”
“Wag na!”
“Gusto ko!”
“Sabing wag na.”
“Gusto ko, ano ba. Walang pakielamanan.”
“AH GANUN.”
“Joke, lang ito talaga. haha. Pero ganito kasi..” a
un, di pa rin nagpaawat at kinwento pa din. May di nakakaalam ng joke na iyon? GOOGLE ang sagot jan. Haha! Pero ewan ko, kinikilig ako sa kanila. Hahahahaha. Kakainisss.

Dumating na kami sa bahay ni Tita Shane. 
2 storeys, malinis, maganda. Kasama daw niya dun ang kanyang Parents at dalawang kuya. Pero wala sila dun ngayon.

“Arjay, Salamat ha. Ingat ka pag-uwi.” Di na niya pinaimik si Kuya Arjay at tumalikod na siya. Abaaaaaaaa! Umalis naman nga si Kuya Arjay kahit mejo nagtataka.

“Alex, anong oras kayo kailangan asa bahay na?”
“9.” 
sagot ko.
“Sige, sige. Bibilisan ko ang pagkuha ng mga damit. Carry na ang byahe.” 
“Shane! Saan ang lakad? Hatid ko na kayo. Eto talaga.. Paparinig pa ng ganun pwede namang magsabi sa'kin. haha!”
“Wag ka nga. Di ako nagpaparinig. :|”
“Sus. San ba ang lakad?” 
bumaba na siya ng kotse at pumasok na rin sa bahay.
“Kina Alex. Dun kasi ako matutulog.”
“Alex, pwede ako din? :D ”
“Lul.”
“Sige na. Dalian mo na. Dito muna ako.”
 Sabay upo sa sofa at bukas ng tv. Ayos talaga si Kuya Arjay! Tawa lang ako ng tawa ngayon. Kung nagtataka kayo kung bakit Kuya at hindi tito ang tawag ko.. kasi sabi ko sa kanya.. Tatawagin ko lang siyang Tito kapag napasagot na niya si Tita Shane. 
“Feeling mo naman bahay mo 'to. Lika na nga kayo.” At umakyat na kami sa kwarto niya. Ang kuyuuut. At ang linis. Nainggit naman daw ako sa kalinisan. hahaha.

Habang naga-ayos siya ng mga gamit, nagtingin na lang kami ni Che ng kung anu-ano. Ako sa mga pictures na nakadisplay. Si Che sa figurines.

Napansin ko na bawat frame ay may year na nakalagay. At isang picture each year lang. So para siyang: THE EVOLUTION OF SHANE PLATINO. Haha.

Pero ang nakatawag ng pansin ko talaga ay ang 2008 picture. Ang natatanging picture niya na hindi solo, o hindi family picture. May kasama siyang lalaki. Gwapo din. Pero magkaiba sila ng type ng kagwapuhan ni Kuya Arjay kaya di ko masabi kung sino mas gwapo.

I Courted HimWhere stories live. Discover now