SPECIAL CHAPTER

6.5K 131 28
                                    

Nathan's POV

"Oh anong problema ng misis ko?"

Umiling iling sya sakin at nanatiling nakatingin sa  pinapanood nya.

Napangiti ako dahil alam ko na naman ang dahilan kung bakit araw araw ganito ang eksena namin tuwing papasok akon ng opisina.

"Ngingiti sapakin kita jan eh"

Bubulong bulong sya na rinig ko naman.

Simula ng magising sya sa hospital limang buwan na ang nakakaraan ay iniwasan kong masaktan sya...

Like I've said babawi ako sa mga oras na nasaktan ko sya. I want her to forget that memories.

Sa araw araw na gigising ako nararamdaman ko pa din yung takot na baka wala sya sa tabi... na baka iniwan nya ko..

Hindi ko kaya yun....

Agad akong tumabi sa kanya at sumubsob sa leeg nya..

"Gusto mo ba na hindi muna ako papasok?" tanong ko habang hinahaplos ang malaki nyang tiyan .

Itinulak nya ako ng mahina at sinamaan ako ng tingin...

"At sino namang nagsabi sayong ayaw kitang papasukin sa trabaho ha? Bahala ka sa buhay mo!! Dun ka nga!!"

Ibinalik nya sa tv ang paningin...

"Misis ko.." tawag ko sa kanya pero dedma ako...

Tumayo ako at umakyat ulit sa kwarto para magpalit ng damit... di na ako papasok!! Ako naman may ari eh...

Maya maya ay biglang bumukas ang kwarto at iniluwa nun ang asawa ko...

Nagulat sya ng makitang iba na ang suot ko...

Nginitian ko sya at hinila...

"Hindi na ako aalis kaya wag ka ng magalit..." hinalikan ko sya ng mabilis..

Kumunot ang noo nya "hindi naman kita pini-"

Hinalikan ko ulit sya...

"Hindi mo naman talaga ako pinipilit eh... I will always choose you wife..."

Niyakap nya ako at maya maya ay naramdaman ko na hikbi nya...

Akala ko ba pag nalalapit  na ang kabuwanan nawawala na yung paglilihi at pagiging emotional?

Tiningala nya ako "punta tayong mall?"

Pinunasan ko ang luha nya sa pisngi "di ba pwedeng dito na lang muna tayo sa bahay?"

Agad na nagsalubong ang kilay nya..

Uh oh!

"KINAKAHIYA  MO BA AKO HA?"

"No!! Of course not wife..."

Ginamit nya ang isang kamay nys para sabihing wag akong lumapit...

"I hate you!! Umalis ka dito!! Kaya siguro gustong gusto mong pumasok kasi may ibang babae ka dun noh?"

I was about to answer her nang makitang may lumalabas na tubig sa kanya...

"F*ck wife manganganak ka na!"

Tinangka ko syang lapitan pero umiwas sya..

"NO!! Pumunta ka na dun sa work mong gago ka! Maglandian kayo dun ni Nicole!!"

"What? Pano nasali si NIcole dito eh pinakulong ko na nga diba? Haystt!!"

Agad ko syang binuhat nang marealize na manganganak na pala sya!!

Pagdating namin sa hospital nagmukha akong binugbog ng sampung tao!

Sinabunutan kinagat at pinagsasapak nya ako habang nasa daan kami pero gaya nga nang ipinangako ko... babawi ako kaya magtitiis ako...

Kahit ilang mura pa ang matanggap ko sa kanya...

"Wal*ngya! G*go!! Tar*ntado!! PALABASIN NYO YAN DITO!!!"

Hinawakan ko ang kamay nya habang tinitiisin ang sakit ng pagkakasabunot nya sakin...

"Push misis!" sabi ng doctor...

Pero hindi nya ginawa kasi piningot nya ako...

***

"Hey why are you crying? May masakit ba ha?"

Umiling iling sya at niyakap ako babang umiiyak...

"I'm sorry..."

Kumalas ako at pinunasan ang luha nya..

"Why?"

"Im sorry for what I've said..."

Ngumiti ako at hinalikan sya...

"Stop saying sorry ok? It's not your fault..."

Niyakap ko sya "thank you for giving me happy life...."

Napakalas kaming dalawa ng biglang bumukas ang pinto...

Agad akong napangiti ng makita sila mama at mama ni Clarrise na kasama ang mga nurses na may hawak sa dalawang prinsesa namin...

Kinuha ko ang isa at ang isa ay na kay Clarrise...

They are so beautiful....

"Magkamukhang magkamukha talaga sila noh?" sabi ng kapatid ni Clarrise

"Malamang kambal eh" sagot ng mama ni Clarrise...

"no they actually have difference.. may nunal sa pisngi yung na kay Nathan eh yung isa wala..." sabi naman ni mama habang pinagmamasdan ang dalawa...

"Ano pong ipapangalan nyo po?"

Nagkatinginan kaming mag asawa sa tanong ng isang nurse...

"Nathalia..." sabi ni Clarrise habang nakatingin sa anak naming hawak nya ..

Napatingin naman ako sa hawak ko at nagulat akong nakatingin din sya sakin although alam kong hindi pa sila nakakakita...

Ngumiti ako "Nathalie..."

"Nathalia and Nathalie... ang ganda!!"
manghang sabi ni mama!!

"Ang kyut kyut naman ng mga apo ko!!"

Nakatingin lang kami kila  mama habang buhat buhat ang mga anak namin...

"Thank you Nathan..."

Napatingin ako sa tabi ko...

I kiss her "I love you..." I answered..

"I love you too.."

"Talaga? Mahal mo ko?" tanong ko..

"Oo nga... mahal kita!!"

"Edi pakasalan mo ko ulit!!"

Napatigil sya sa sinabi ko "diba kasal na tayo?"

I kissed her hands "oo nga but it's different wife, g*go ako nung panahong yun.... this time I'll give you the best wedding and the best groom!!"

Agad kong pinunasan ang luha nya...

"Bat ka umiiyak?"

Tumawa sya habang umiiling "ewan ko!! Wala namang nakakaiyak sa sinabi mo eh pero naiiyak ako!!  Mahal kasi kita!!"

I gave her kiss again..

"And I love you too wife... I promise that this time I won't be too late to make you feel how much I love you..."

****

TOO LATEWhere stories live. Discover now