TWO

7.1K 147 14
                                    

Clarrise POV

"Ahh f*ster babe... Im... near!!"

Nakatakip ang dalawang kamay ko sa mga tenga ko at pikit matang umiiyak.

"I love... you... babe!!"

Tinakpan ko ng unan ang mukha  ko upang mapigilan ang pag iyak ng marinig ang mga salitang yun galing sa asawa ko.

Ang mga salitang kahit kailan ay hindi ko maririnig galing sa kanya.

"I.. love you too babe!!" rinig kong sagot ng dati kong kaibigan.

Kami nga yung naikasal pero ikaw pa din ang mahal nya.

Mapait akong napangiti at ipinikit ang mga mata ko.

Sana bukas hindi na ganito ka sakit...

Nagising ako sa malalakas na katok sa pintuan.

Agad agad akong tumayo at binuksan ito. Napaatras ako ng makita ang matalim na tingin sa akin ni Nathan.

Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko at hinila ako pababa.

"Aray!! Nathan bitawan mo ko!!"

Sobrang sakit ng pagkakahawak nya sakin.

Ng makarating kami sa kusina ay agad nya akong itinulak. Buti na lang at napahawak agad ako sa upuan kundi baka natumba na ako.

Baka may mangyari sa baby ko.

"Kahit kailan talaga wala kang kwenta!"

Ano bang nagawa ko?

"What? Yuyuko ka na lang jan ha!! Prepare some food for us!!"

Agad agad akong tumalikod at nagsimulang magluto.

"Make sure na masasarapan ang mahal ko.."

Napakagat ako ng labi at pinigilan ang luha ko...

Kailan naman kaya sya magiging ganyan sakin?

Hindi na siguro...

Don't worry baby... kakain din tayo pagkaalis nila..

***

"You shouldn't stress your self mrs. Sarmiento.. masyadong maselan ang pagbubuntis mo... nasan ba ang asawa mo at hindi mo kasama?" sabi ng OB ko.

"Ah busy po kasi sya doc eh..."

Busy sa mahal nya..

Tumango tango sya at maya maya ay niresetahan ako ng mga vitamins na kailangang bilhin..

"Salamat po doc.."

Nagpaalam na ako at umalis pero binili ko muna ang mga vitamins na dapat bilhin gamit ang perang kinuha ko ng patago sa wallet ni Nathan..

"Where did you go you sl*t?"

Yan ang bungad sakin ni Nathan..

"Galing--"

"Galing ka sa lalaki mo ha?? At talagang nakuha mo pang nakawin ang pera ko ha!!"

Umiling iling ako pero hindi nya ako pinakinggan at hinila..

"A-aray Nathan nasasaktan ako!!"

"Talagang masasaktan kang malandi ka!!"

Umiiyak ako at nagmamakaawa sa kanya.

Alam ko na ang kasunod nito...

*PAK*

Namanhid ang pisngi ko sa lakas ng sampal nya.

Hindi ako makapalag ng hinila nya ang buhok ko at pinaharap sa kanya.

"Ilang beses ko bang sabihin na wag na wag kang lumabas ng bahay ha!! Maghahanap ka na naman ba ng lalaking pagsasamantalahan mo ha!! Maninira ka na naman ba ng relasyon  ha!??"

Umiling iling ako habang tumutulo ang luha...

Hindi ko na magawang makapagsalita dahil sa sakit ng pagkakasabunot at pagsampal nya sa akin.

"Bat pa kasi pinakasalan kita? Kung di lang dahil jan sa halimaw sa tyan mo hindi magulo ang buhay ko!! Tangna!!!"

Pabalibag nya akong pinakawalan at lumabas ng kwarto..

Iyak ako ng iyak... bat ganito sakin ang tadhana?

Kailan ba ko magiging masaya? 

Buong buhay ko puro paghihirap ang naranasan ko...

Kailan kaya??

***

VOTE.VOTE.VOTE

TOO LATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon