EIGHT

7.1K 134 18
                                    

Clarrise's POV

Agad agad ko syang itinulak.

"Clarrise.." nahihirapan nyang tawag sakin..

Mas lalo akong naiinis sa kinikilos nya ngayon.

How dare him  to talk to me like nothing's happened?

Pinakalma ko ang sarili ko ang tiningnan sya ng seryoso.

"Me and my daughter need to go. I'm sorry but I quit!! Kung ano man ang nangyari kalimutan mo na. Masaya na ang mga buhay natin kaya wag na nating gawing komplikado pa.."

Hinawakan ko ang anak kong nakatingin lang sa ama nya at akmang lalabas na ng biglang humarang si Nathan sa daan..

"No... you can't leave me..." iiling iling nyang sabi at tumingin sa anak ko.

Lumuhod sya sa harapan ni Nathalie at hinawakan nya ito sa pisngi.

"Please baby... sabihin mo sa mama mong dito lang kayo... hindi ako galit sa pag iwan at pagsisinungaling mo saking wala na ang mama mo... just please.... convince her... not to leave me..."

Nakatingin lang ako kay Nathan habang  nagmamakaawa sa anak ko..

So nagkita nga talaga sila...

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin..

Gusto kong hilahin ang anak ko dahil sa takot na baka maniwala sya pero may tumutulak sakin na tingnan kung ano ang sasabihin ng anak ko...

"Please anak...." namumula na ang mukha ni Nathan.

Hihilain ko na sana ang anak ko ng kusa syang umatras.

Kita ko ang sakit na dumaan sa mata ni Nathan.

"NO!! HINDI IKAW ANG PAPA KU!!"

Kumapit sakin ang anak ko..

"Mama ku uwi na tayu, ayaw ko ditu!!"

Pinigilan kong wag maluha ng tingnan ko ang mukha ng anak ko.

Alam kong pati sya nasasaktan din...

Tumango ako at binuhat sya.

Iniwan namin dun si Nathan na nakaluhod pa din...

Gusto kong makonsensya pero...

"UMALIS KA NA DITO DAHIL KAHIT ANO PANG GAWIN MO YOU ARE NOTHING COMPARE TO HER!! FOR ME YOU ARE JUST A TRASH AND I WILL NEVER LOVE YOU!!!"

Napailing ako sa naalala ko.

Yeah bat ako makokonsensya..

Kami nga ng anak ko naghihingalo sa gitna ng kalsada pero hindi sya  nakonsensya...

Hindi pa nangangalahati ang sakit na nararamdaman nya sa mga pinagdaanan ko sa kamay niya.

Ni hindi ko nga alam kung bakit ganyan ang trato nya samin...

***

"Mama sorry po kasi wala ka  na pong work..."

Kakauwi lang namin matapos kumain sa labas..

"Ok lang yun baby maghahanap na lang bukas ng work si mama kaya matulog ka na.."

Niyakap nya ako at ipinikit na ang mata.

Nang masigurong malalim na ang tulog ng anak ko ay dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap nya sakin.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa maliit na kusina upang uminom.

Akala ko magiging maayos ang pagdating ko dito pero hindi pala.

Hindi sapat ang pera ko para sa  ilang buwan kaya kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho.

Nakadagdag pa ng problema ko ang anak kong hindi na masyadong nagsasalita  simula kanina. Hindi ko tuloy matanong kung pano sila nagkita ni Nathan.

Agad akong napatuwid ng upo ng biglang sumagi sa isip ko ang nag iisang taong  tumulong sakin simula ng gabing yon.

Agad agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan ang numerong ginagamit nya tuwing tumatawag sya..

Ilang ring muna bago nya sinagot ang tawag..

"Clarrise?" sabi sa kabilang linya .

Tumikhim muna ako bago magsalita..

"Uhh ako nga.. ano kasi eh.."

Ano bang sasabihin ko?

"Oh napatawag ka? May problema ba ha? Tell me anong maitutulong ko."

Napatawa ako sa sagot nya.

"Hindi naman.. uhh ano kasi eh... nasa maynila kami ngayon..."

Ilang sandali ang dumaan bago ako makarinig ng pagkabasag..

"Xander? Ano yung nabasag?"

"Ha? Wa-wala yun!! Andito ka ba talaga? Asan ka ha? Tell me pupuntaha ko kayo ni Nat nat!!"

Umiling iling ako kahit hindi nya nakikita..

"Hindi na Xander!! Ang totoo nyan kasi napatawag ako kasi naghahanap ako ng work baka--"

Hindi ko na  natuloy ang sasabihin ng pinutol nya ako..

"Meron!! Naghahanap ako ng bagong secretary!! Ikaw na lang kung ok sayo"

Agad akong napangiti..

"Talaga?"

"Oo nga!! Ikaw pa ba!! Pumasok ka na bukas ha isama mo yung pasaway na bata at miss ko na yun!! Alam mo naman kung san yung company ko diba?"

"Opo sir!!"

Napatawa sya sa sagot ko at nagpaalam...

Nakangiti akong bumalik sa kwarto..

Everything will be fine now...

Or not???

****

Sensya kung lame hihihi!! Thanks sa pagbabasa po!!

Vote. Comment. Share!!

Labyow pow!!

TOO LATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon