SEVEN

7.6K 155 81
                                    



Clarrise's POV

Ilang minuto akong nakatingin sa kanya habang ganun din sya...

He's still handsome, mas lalo pa nga syang gumwapo eh.

"Mama..."

Napalingon ako sa anak ko at napahinga ng napagtantong nagsleep talk lang pala sya..

Ayokong makita nya ang ama nyang tumaboy sa kanya at tinawag syang halimaw...

Napakuyom ang mga kamay ko at bumalik sakin lahat ng pinagdaanan ko dahil sa kaniya.... dahil sa kanila...

Umiwas ako ng tingin at nagpanggap na hindi ko sya nakikita...

Buong byahe akong nakatingin lang sa harap kahit ramdam kong sa akin ang buong atensyon nya.

***

"Mama bat po ba tayo nag mamadali?"

Hindi ko sinagot ang anak ko at ipinasok ang mga gamit namin sa taxi.

Agad agad kong sinabi ang pupuntahan namin sa driver.

Narelax na ako ng umandar na kami. Nakita ko pa si Nathan na lumilingon lingon sa paligid.

There's no way na ipapakita ko ang anak ko.

Nakarating na kami sa apartment na tutuluyan namin. Ito yung apartment na ginagamit ko 5 years ago and luckily walang nangungupahan ngayon dito...

"Mama dito na po tayo titira?" tanong ng anak ko habang nakatayo sa sofa.

"Oo malapit kasi dito yung work ni mama kaya pag break time pwede akong umuwi dito!"

Nag apply ako through online and ayun nung isang araw nakatanggap ako ng tawag na pwede na akong pumasok bukas...

"Eh iwan mo po ako dito mama? Sino kasama ku?"

Napaupo ako sa tabi nya.

Nakalimutan kong iconsider ang bagay na yun ah!!

Wala syang kasama at wala akong mapagiiwanan sa kanya.

"Oh sige tatry kong isama ka bukas baka mapakiusapan natin sila na pwede ka dun ha!"

"Opo mama!! Pramis behave ako dun!"

Wow!! Duda ako dun sa behave na yun!

Actually pwede ko namang iwan sya dito kaso idol nga kasi niya si dora kaya baka kung san san mag adventure toh!

***

"Nathalie please lang mag behave ka dun ha! Nakuu iiwan kita dun sa bahay pag nagpasaway ka!"

Todo paalala ako sa anak ko habang nasa elavator kami. Buti na lang pinapasok kami ng guard.

"Mama ku ito ba yung calculator?" tanong nya habang manghang mangha.

"Anong calculator?"

"Ito pong nisasakyan natin!"

Napakamot ako sa ulo dahil sa itsura nya...

"Elevator tawag dito!!"

Tumango tango naman sya..

"Ahh yung calculator pa pala yung hagdanan na tumataas at baba po noh?"

Napatawa ako sa kanya at ginulo ang buhok nya.

"Escalator yun!!"

Nakarating kami sa palapag kung san ang office ng boss ko.

I am his new secretary  and sana hindi sya masungit .

Kumatok ako sa pinto since sabi ng receptionist sa baba is katukin ko na lang kasi ineexpect na naman niya na dadating ako.

Ilang beses akong kumatok bago buksan ng---

Oh my!!!

Pinaglalaruan ba ako ng tadhana!

"Clarrise..."

It was Nathan... my boss!!

Panong nangyari yun!!

Nakatulala lang ako sa kanya not until may nagsalita sa likod nya...

"Babe tapos na akong magbi-- Clarrise??"

Napatingin ako sa babaeng nagsalita sa likod nya...

Si Nicole... my ex bestfriend...

Kasalukuyan nyang binubutones ang damit nya.

Hindi ako tanga para hindi malaman kung anong ginawa nila. Sa gulo pa lang ng buhok ni Nathan alam ko na ang mga kababalaghang ginawa nila bago kami dumating na anak ko.

Napalingon ako sa anak kong humawak sa kamay ko..

"Uhh sorry po sir... hindi ko alam--"

"No! It's ok... pumasok... kayo..."

Napahina ang boses nya ng mapatingin sa anak ko...

Nanlamig ako sa kinatatayuan ko...

Itinago ko ang anak ko. Natatakot akong makita nya ang pagkakahawig nila.. ayokong kunin nya sakin ang anak ko...

Halos tulamalon yung puso ko sa takot na sinabayan ng gulat ng biglang bumitaw sakin si Nathalie at itinulak si Nathan para makapasok sa loob.

Dire diretsong pumasok ang anak ko at umupo sa swivel chair ni Nathan...

Nasa point ako na gustong umalis para maiwasan si Nathan at ang sakit na nararamdaman ko pero biglang nagsalita ang anak ko..

"Mama ku ito ba yung wheel chair?"

Juskupoo!!

"And who the hell are you?" tanong ni Nicole...

I was abount to defend my daughter pero naunahan ako ni Nathan..

"Stop it Nicole!! Just get out!" naiiritang sabi ni Nathan...

"Bakit? Sino ba ang batang yan ha babe?"

Hindi na ako nakapagsalita ng pinalo ni Nathalie ang mesa.

"I am Nathalie Claire Navarro po. I am 4 years old. At naniniwala po akong sa hell po kayo  pupunta!"

Wala akong nagawa kundi mapatunganga sa anak ko at kay Nicole na pulang pula ang mukha.

"How da-"

"Sshhh!! Wag na po kayong magsalita... pakitimpla na lang po ako ng gatas manang!"

"MANA--"

Bago pa sumigaw ng tuluyan si Nicole ay hinila na sya ni Nathan palabas.

Agad agad  kong nilapitan si Nathalie...

"Anong ginawa mo ha?"

Sumimangot sya..

"Ayaw ko po sa kanya eh! Pangit sya!!"

Bumuntong hininga ako at binuhat sya para ibaba..

"Hindi mo dapat ginawa yun anak... girlfriend  sya ng boss ko... mawawalan ako ng trabaho nyan eh!!"

"Hindi ka mawawalan ng trabaho... I will never let you leave again..."

Napalingon ako sa taong nagsalita sa likod ko...

Tumayo agad ako ng tuwid at isinawalang bahala ang sinabi nya..

"Sorry po sir... pagsasabihan ko--"

Nabitin sa ere ang sasabihin ko ng bigla nya akong niyakap ng sobrang higpit..

"Sorry.... sorry Clarrise..."

***

Ayown sorry po hindi po talaga ako magaling sa mga ganito eh wala po akong idea kung pano pahirapan si Nathan kaya suggest naman jan hihi wala kasi akong maisip parang gusto ko pang saktan si Clarrise eh..

Baka naman pedeng makahingi ng VOTE AND COMMENT!! Para may panghugutan ako ng lakas charr...

TOO LATEWhere stories live. Discover now