NINE

6.8K 147 31
                                    

Clarrise's POV

"Mama ku madami pa lang pera si pap Xander po?"

Nasa elevator kami paakyat sa office ni Xander.

"Oo anak hingi ka dun  ng pera ah!!" Utos ko sa anak ko.

Sa tagal ng panahon na tinutulungan nya kami ay naging matalik na kaming magkaibigan.

"Opo mama hingi po ako sa kanya ng elevator po!!"

Napapailing na lang ako sa kanya. Ewan naging obsess na sya sa elevator.

"Hello Miss Navarro!!  Kanina pa kayo hinihintay ni Sir!"

Nginitian ko ang babaeng nasa labas ng office ni Xander.

Pagkabukas  ko pa lang ng pinto ay agad na pumasok si Nathalie..

"Papa Xander!!"

Agad na napangiti at napatayo si Xander. Sinalo niya ang anak ko at binuhat..

"So kamusta ang pasaway kong anak huh? Naging pasaway ba kay mama?"

Umupo sila sofa. Ang sosyal naman ng office nya. Nagtatrabaho ba siya dito o nagrerelax lang?

"Mabait po ako kay mama ku po papa!!"

Umupo  ako sa tabi nila.

"Weh? Totoo ba yun ha mama?" tanong nya sakin.

"Oo naman sa sobrang bait nya araw araw akong binubungangaan ng kapit bahay namin" sarkastiko kong sagot.

Napatawa naman sya...

"Totoo ba yun ha Nat nat?"

Walang sagot yung anako ko... busy na sa swivel chair ni Xander.

Nawiwili akong nakatingin kay Nathalie.  Tuwang tuwa sya habang paikot ikot.

Nagulat ako ng bigla akong hinigit ni Xander at niyakap.

Dahil sa gulat ay para akong estatwa na hindi makagalaw.

Palagi nya akong niyayakap to confront me nung mga panahon na hindi ko pa din makalimutan si Nathan...

Pero ang yakap nya ngayon... it's different...

"I miss you..." bulong nya..

Natauhan ako at napangiti. Niyakap ko sya pabalik...

"Asus miss agad eh nung nakaraang buwan lang nung huling dalaw mo samin eh."

Kumalas sya sa pagkakayakap at sumimangot.

"Eh sa namiss ko kayo eh. Eh ako ba di nyo ko miss?"

"Hindi..." biro ko na lalong ikinasimangot nya.

Haay ang cute lang!!

"Baby totoo bang hindi nyo ako namiss?" baling nya sa anak ko.

Napatingin naman sa kanya ang anak ko..

"Opo papa!! Hindi ka po namin namimiss po!!"

Napahalakhak ako sa sinabi ng anak ko. Kahit kailan sinungaling talaga!!

"Pero joke lang po papa Xander!! Namiss po namin kayo po!!"

Bawi ng anak ko ng makitang nakasimangot ng todo si Xander.

Agad bumaba ang anak ko at kumandong kay Xander.

Good thing about kay Nathalie is that gagawa sya ng kalokohan pero later manlalambing na.

Hinila ako ni Xander at isinali sa yakapan nila.

Nakiyakap na din ako.

Ito ang isa sa mga bagay na hiniling kong maranasan ko sa taong mahal ko pero sa iba ko pala mararanasan...

*BLAAG*

Agad akong napakalas sa yakap at napatingin sa pintuang biglang bumukas.

"W-what the meaning of this?"

Hindi ko mabasa ang emosyong nakikita ko sa mata ni Nathan.

Galit sya pero mas nangingibabaw ang sakit...

Tumingin sya kay Xander..

"Xander? What the hell is this?"

"Nathan don't curse! May bata oh!"

Nakaupo lang ako habang yakap ang anak ko.

Kita ko ang pagtaas at baba ng dibdib ni Nathan..

"Let's talk!"

Madiin nyang sabi kay Xander at tiningnan kami bago lumabas.

"Uhh kausapin ko lang ha Clarrise.. dito lang kayo babalik ako!"

Hindi na ako nakasagot dahil lumabas na ito.

Napatingin ako sa anak ko ng bigla nyang hawakan ang mukha ko.

"Mama ko galit po ba yung totoo kong papa po"

Hindi ko alam ang isasagot sa anak ko. Pakiramdam ko ako dapat ang magtanong sa anak ko kasi feeling ko mas may alam sya kesa sakin..

"Tell me Nathalie kailan mo sy nakita huh? Nagkita na kayo?"

Tumango sya..

"Opo mama... dinala ko po sya dun sa sementeryo po!! Dun po sa kapangalan nyo po!"

Tintukoy nya ang puntod na kapangalan at kaapelyido ko. Iniyakan nya yun ng makita nya ng minsang dumalaw kami sa puntod ng lola ko.

"At bakit mo naman sya dinala dun?"

"Kasi po hinahanap nya po yung Clarrise po.. umiyak nga po sya nun mama eh!!" kwento nya..

Umiyak? Totoo ba yun? Bakit naman sya iiyak?

Pinilig ko ang ulo ko para alisin ang naiisip.

Syempre iiyak yun kasi baka guilty..

Tama yun yon!

"Mama ko ang gwapo po ng totoo kong papa... mas gwapo po dun sa cellphone  mo po! Pero hate ko pa din sya mama!"

Niyakap ko sya ng makita ang lungkot ng sabihin nyang hate nya si Nathan kasi alam kong matagal na nya itong gustong makita..

Napatingin ako sa pinto ng biglang pumasok si Nathan  na hingal na hingal..

"Anong-"

Hindi na ako nakapagsalita ng bigla nyang kinuha  at binuhat si Nathalie.

"Anong ginagawa mo?"

Inabot ko si Nathalie peri inilayo  nya sakin.

Kukunin nya ba ang anak ko?

NO! Hindi ako makakapayag!

Akmang kukunin ko sa kanya ang anak ko ng hinawakan nya ang kamay ko at hinila palabas.

Pinilit kong hilahin ang kamay ko pero ang higpit ng pagkakahawak nya.

"Ano ba!! Pakawalan mo kami!" sigaw ko..

"Never Clarrise... I will never let you two go again... never."

Nasa loob na kami ng elevetor at kumakawala pa din ako.

"Bitawan mo nga ko!! San mo ba kami dadalhin ha!"

"Uuwi na tayo... iuuwi ko na kayo..."

What?

***

Ayown panget ba? Haha comment naman jan!!

Thanks for reading po!!

Vote! Comment! Share!!

TOO LATEWhere stories live. Discover now