SIX (PART 2)

8.3K 140 72
                                    

Sabi nila pahabain daw kaya try natin...

Clarrise's POV

Nasan na ba ang batang yun?

Kaninang umaga ko pa hinahanap yun kasi naman malelate na kami sa flight namin.

Ewan ko kung san na naman nag susuot yun? Di ko naman pinaglihi yun kay Dora tas ang galing lang mag explore!!

"Aling miling nakita nyo ho ba yung anak ko?" tanong ko sa may ari ng sari sari store na kapit bahay namin..

"Ay oo iha nadaan dito kanina may dalang mga rosas!!"

Napatampal sabay hilot ako sa noo ko!!

Napapikit ako ng nagsisisigaw si aling mema na katapat lang ng bahay namin.

"HOY CLARRISE! PAGSABIHAN MO YANG ANAK MO AT NINAKAW NA NAMAN ANG MGA ROSAS KO!!"

"Opo hayaan nyo po at papagalitan ko!!"

Agad agad akong umalis dun dahil dadakdak na naman dun hanggang hapon.

Pumunta ako sa park dahil kadalasang tumatakas ang anak ko sa bahay at makipaglaro doon.

"Mona kasama mo ba si Nathalie??"
tanong ko sa kaibigan nya.

"Ahh opo nandun po kanina may kausap pong lalaki!"

Itinuro nya ang bench... napakunot ang noo ko.

"Lalaki?"

"Opo gwapo po tita... kamukha po ni Nat nat!!"

Biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabi nya.

Umupo ako sa bench na itinuro ng bata sakin...

Umiling iling ako..

Imposible...

Hindi sya yun...

Bat naman nya kami hahanapin?

Ngayon pa na hindi na namin sya kailangan?

Iwinaksi ko ang mga naiisip at dumiretso dun sa naiisip kong pinuntahan ng anak ko.

Bago pa ako makapagsimulang maglakad ay natanaw ko ang anak kong tumatakbo habang nakangisi.

"MAMAAA!!"

Ibinuka nya ang dalawang kamay nya kaya agad ko itong binuhat.

"San ka na naman ba galing ha? Di ba sabi ko wag na wag kang lalabas ng bahay ha! Tsaka pinitas mo na naman ang mga rosas ni aling mema? At sino yung lalaking kasama mo daw?"

Nagsimula na kaming maglakad habang buhat ko pa din sya. Ewan ko ba sa batang toh sutil pero napakalambing sakin.

"Gusto ko lang naman po kasing bisitahin ang mga mamimiss ko po mama. Tsaka nagpaalam kaya po ako kay mema!!"

Dahil buhat ko sya ay mahina kong kinurot yung bewang nya.

"Anong mema? Di ba sabi ko wag maging bastos?"

"Eh sabi nya wag ko daw po syang tawaging aling mema kasi nakakatanda daw po.. edi mema na lang po kasi bawal din daw tita at lola!!"

Napailing ako sa sinabi nya.

"Eh sino naman yung lalaking kasama mo?"

tanong ko ng nasa bahay na kami..

"Di ku po kilala mama!! Nagbebenta po ng flowers yun!"

Sinipat ko ang pagmumukha ng anak ko dahil may mali akong nararamdaman.

Tsaka duda ako sa mga ngisi nya eh..

"May ginawa ka na naman bang kalokohan ha Nathalie!!"

Umiling iling sya..

"Malelate na kayo nyan kung di pa kayo mag aayos!!"

Napalingon ako sa likod...

"Lolaaa!!"

Sinalo sya mama..

"Mamimiss kita apo kong pasaway!!"

Hinayaan ko na lang silang maglola dun at pumasok sa kwarto para maligo.

Habang naliligo ay napaisip ako..

Akala ko talaga si Nathan na ang kasama ng anak ko.

Buti na lang mali ako ng hinala..

Pero at the same time..... disappointed na naman!

Ewan! Bat pa kasi ako umaasang hahanapin kami nun eh pinalayas nga kami eh!!

***

"Mag iinggat kayo dun ha!!"

"Opo ma!! Kayo din po at tawag po kayo kung may kailangan kayo!!"

Niyakap kami ni mama habang ang kapatid kong si Clara ay umiiyak. OA para naman kaming mamamatay...

"Oh sige na ma tinatawag na kami eh Clara ha alagaan mo si mama at papa!!"

Tumango sya at niyakap ang anak kong umiiyak sa balikat ko..

Tinalikuran ko na sila...

Napabuntong hininga ako..

Babalik na naman ako sa lugar na yon!!

Sana lang hindi na kami mag kita dun!!..

Nasa tabi ng bintana si Nathalie...

Aliw na aliw syang pinagmamasdan ang mga ulap...

Maya maya ay tiningnan nya ako..

"Mama ku ang gwapo pala ng papa ku noh?"

Agad na napakunot yung noo ko sa sinabi nya..

"Ha? Ano bang sinasabi mo jan bata ka?"

"Ehh pogi po papa ku mama!!"

"At pano mo naman nasabi huh? Nakita mo?"

Sa loob loob ko ay kinakabahan na ako...

"Hihihi opo!!"

Napatulala ako sa kanya habang nakangisi sya sakin...

"Sa-saan?" nauutal utal kong tanong ng mahimasmasan na ako..

"Sa picture!!"

Mabilis nyang sagot at tumingin na naman sa labas ng bintana..

Bumuntong hininga ako ng ilang beses para pakalmahin ang sarili..

Kung hindi ko lang toh anak itinapon ko na!!

Kebata bata ang daming alam sa buhay!!

Pero buti na lang at mali ang akala ko kanina kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko...

O anong magagawa ko sa walangyang yun!!

Maya maya ay naramdaman ko na lang ang ulo ng anak ko sa braso ko..

Napangiti ako ng makitang tulog na ito...

Iniisip ko palang ang posibleng mangyari nung gabing yun para na akong pinapatay..

Itong bata na lang na ito ang dahilan bat ginugusto ko pang gumising...

Napatingin ako sa stewardess na dumaan.

Dati gusto kong maging katulad nila... gusto kong makapuntan sa ibat ibang bansa at the same time kumikita...

Hindi sinasadyang napatingin ako sa katapat ng inuupuan ko...

Nanlaki ang mga mata ko...

Kinakabahang nakatingin ako ngayon sa lalaking nakatingin din sakin habang namumula ang mata...

Kung panaginip lang toh gusto ko ng magising...

How come na andito si Nathan?

***

Tragic talaga yung ending kaya lang ayun sabi bitin at dagdagan ko daw so ito na!!



TOO LATEWhere stories live. Discover now