CHAPTER TWENTY

Magsimula sa umpisa
                                    

And we were childhood sweethearts.

"It's been a long time, Micah. Look at you now." At bumungisngis ito. Ang layo-layo ko na raw sa uhuging batang nakilala niya noon. Hindi raw niya sukat-akalain na I will turn into somebody who could be a Hollywood matinee idol.

"Excuse me? Ako, uhugin? No way, Jose!"

Nagkatawanan kami. Ang totoo niyan, alam kong exaggeration niya lang iyon. Paano ako maging uhugin noon kung maya't maya'y nakaantabay si Mom para magpunas ng pawis ko? Ganoon siya ka doting sa akin especially when she found out na sa akin nakasalalay ang mamanahin ng buong pamilya namin since nagalit si Lolo kay Dad. Napag-alaman kasi ng abuelo ko na bading siya at ginamit lang si Mom to get his inheritance.

Janice is still Janice. Mukhang manika sa ganda. May mala-sutlang kutis. Fashionable. Matangkad. Hindi siya iyong tulad ng ibang bata na maganda lang noong childhood days nila pero pumanget nang naging binata't dalaga na. I used to have a crush on her. Lagi ko siyang sinusundan-sundan kahit saan siya pumunta. Kahit hindi ko gusto maglaro ng bahay-bahayan, tinitiis ko para lamang mapalapit sa kanya kung kaya there was a time back then na pinapagalitan ako ni Lolo. Siguro dahil na-trauma siya sa pagkakaroon ng tatlong lalaking anak na puro bading.

Bumalik sa kasalukuyan ang diwa ko nang bigla ko na lang naramdaman ang kamay niya sa kamay kong nakapatong sa mesa. She even lifted my hand and put it in between hers, then she looked into my eyes. Hers were flirty. Siguro kung ginawa niya ito noong mga bata pa kami baka nagtatatalon na ako sa tuwa. But I have moved on. Ngayo'y nagtataka na lang ako kung para saan ang mga malalagkit na titig na iyon.

"I know you used to have a crush on me," nakangiti niyang sabi. "Would it matter to you now if I tell you that the feeling is mutual? Noon ---- hanggang ngayon?"

Pinangunutan ako ng noo. That's when I looked sideways at nakita ko from the glass walls na parang may pamilyar na bultong naglalakad sa kabilang kalye. Tumayo ako bigla. Nagulat si Janice. I asked to be excused. Dali-dali akong lumabas ng store to see if indeed it was Shane. Bigla na lang silang naglaho ng kasama niya sa paningin ko.

"What happened? What was it? Or who was it?" Si Janice. Sinundan pala ako.

Umiling ako. "Wala. I thought I saw somebody I know."

Pagbalik ko sa store, sinisenyas ng isa kong crew na may tawag daw ako at mukhang importante. Though I don't normally take calls kung nagtatrabaho ako sa milktea shop ko, napatakbo ako sa office to take the call para umiwas kay Janice. Iniwasan ko ang isang uncomfortable situation para pumunta sa isa namang mas hindi komportableng sitwasyon. It was my mom hurrying me to go to Shane's house. Nandoon daw sila ni Lolo.

"What?!"

Hindi sa nagulat ako na pumunta sila roon. Ang ikina-shocked ko ay ang pagdala niya roon sa aking abuelo. Alam kong hindi pa ito okay. Noong isang araw lang ay nasa ICU ito.

"Alam mo namang best actor ang abuelo mo. Siyempre, nag-inarte lang para mapabilis ang kasal n'yo ni Shane. Pero now, he's as strong as a horse," natatawa nitong sagot sa magkahalong English at Russian. Napaigting ang bagang ko. I felt I was deceived.

"Hello? Micah Rufus? Don't tell me binabaan mo ako ng phone. Hurry! Hinihintay ka namin dito ng lolo mo. Ngayon na gagawin ang pormal na pamamanhikan!"

And she hang up the phone.

**********

Shane Andrea Juarez

Sa front door pa lang dinig na dinig ko na ang tinig ng mommy ko. Humahalakhak siya. Ang boses ng iba'y nalulunod sa lakas ng tawa niya. I have a gut feeling she was able to strike a deal with the Contreras at my expense. Napakagat ako ng labi.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon