“Good evening po sir.”

“Magandang gabi po sir.”

Magkasabay na bati namin ni kary, tinanguan lamang kami ni sir Zachary bilang sagot. Maya maya pa pumasok na rin si Manang Koring at kasunod nito ay si ate Risa sa kusina.

“Oh, hijo na ri ‘yan kana pala, tamang tama at maghahanda na ako ng hapunan na’tin.” Si Manang Koring

Tumango naman si sir “I just change my clothes.” Yun lang ang sinabi niya at iniwan na kami roon para magtungo sa kanya kwarto at magpalit ng damit. Ilan pang sandali ay bumalik rin siya, umupo siya sa kaharap kung upuan nagtama pa ang aming mga mata at suplado niya naman itong iniwas sa akin. 

Pagkatapos ilagay ni Manang Koring ang huling ulam at umupo sa upuan ay tsaka kami nagsimulang kumain. Tahimik kaming kumakain dahil kasabay naming kumain ang anak ng amo talaga namin si Manang Koring lang ang nagsasalita at nakikipag usap kay sir minsan sumasabay rin sa usapan si Manang Lita.

“Sa sabado darating ang mga magulang mo hijo, tumawag sa ‘kin kaninang hapon ang mommy mo.” Sabi ni manang Koring.

Napatingin ako kay sir na patuloy lang sa pagkain at parang hindi inintindi ang sinabi ni Manang Koring. Nang mag angat siya ng tingin ay sakto itong tumama sa akin at ng makita niya akong nakatingin sa kanya ay pinagtaasan niya ako ng kilay, agad naman akong nag iwas ng tingin at pinagpatuloy na ang pagkain at hindi na tumingin pa sa kanya.

Nang matapos kaming kumain kusang loob akong tumulong kay ate Risa at karay sa paghuhugas ng mga kubyertos. Si ate Risa at Sonya kasi ang naka assign sa paghuhugas ng mga pinagkainan, pero itong si Kary ay mukhang hindi pa tapos sa pang aasar sa akin tungkol kay ‘beautiful dimple guy' dahil sinabi niya kay Sonya na siya na muna ang papalit sa kanya.

Napailing nalang ako dahil makikipag tsismisan lang naman ang dahilan nito, eh.

“Alam mo Ali, kung ako sayo tinanong ko ang pangalan ni beautiful dimple guy mo?” dismayadong sabi ni kary sa akin habang siya ay nagbabanlaw ng mga sinasabunan na mga kubyertos ni ate Risa habang ako naman ay ang nagpupunas ng tuyo at inilalagay sa lalagyan ng mga ito.

“Ano kaba Kary, kung ako rin ‘man makakakita ng ganoong kagandang lalaki ay mapapatitig - mapapatingin talaga ako at makakalimutan ko ng tanungin ang pangalan nito. Tsaka ko nalang maiisip yun pagwala na ang lalaking yun sa harap ko, noh!” paliwanag ni ate Risa

“May napanuod na akong ganyan eh, ano nga ‘yon? Na love at first sight yun girl don sa boy at sa huli sila ang nagkatuluyan. Ahiee!” ngumising aso si Kary sa akin nang aasar, binunggo niya pa ang pang upo niya sa akin.

“Kary, manahimik ka nga.” Tumawa silang dalawa. Habang ako naman ay tinatago ang siguradong na mumula ko nang mukha.

“Oh! Si Ali, na mumula ang mukha.” Inalis ni Kary ang nakatabing kong buhok sa mukha ko at hinawakan  niya ang mag kabilang pisngi ko, sinisipat kung totoo nga ang sinabi ni ate Risa at ng masiguro binitawan niya ito sabay sabing “Na love at first sight nga.” Humagikhik siya.

Nang pumasok ako sa silid ko nakita kung nag vi-vibrate ang cellphone ko, kinuha ko ito at agad na sinagot ang tawag ng makitang si Max ito.

“Hello, hija. Ali” nangunot ang noo ko ng ang sumagot ay si tita Rina at hindi si max

“Tita Rina! Anong nangyari? May problema po ba?”

Umupo ako sa gilid ng kama ko at kinagat kagat ko ang dulo ng kuko ko, inaantay ang sasabihin ni tita.

“Hija, nakitawag lang ako kay Max wala kasi ako load.”

“Tita. May sasabihin po ba kayo? May problema po ba d'yan? Si Mama po?” tanong ko ulit

My Personal YayaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora