***

NAPATAKIP ako ng bibig nang marating namin ang bahay ng suspek. Doon ay natagpuan namin ang kaniyang anak na lalaki. Namukhaan kong isa siya sa mga batang nakita naming naglalaro noong unang punta namin sa Valle Vista. Pero ang nagpataas sa'king mga balahibo ay kung gaano lang ito kabata.

He's only seven years old.

Unang lumapit sa kaniya si Officer Flick na dahan-dahang pinosasan ang bata. "Yowan, alam mo ba kung ano'ng ginagawa mo? Alam mo bang masama ito?"

Ngumiti si Yowan at umiling. "Nangongolekta lang naman po ako ng holen. Mas kakaiba, mas maganda. At kapag marami kang magandang holen, mas sikat ka! At mas lalong marami ang gustong makipaglaro sa'yo."

Bigla akong kinilabutan nang makitang walang bakas ng pagsisisi ang mukha ng bata. Tila ba hindi man lamang ito nakokonsensya. Nagkamali ako nang tingnan ko ang paligid ng kaniyang kuwarto.

Puro garapon na puno ng iba't ibang mga dinukot na mata—may mga mata ng hayop at mga mata ng tao. Magkakaiba ang mga kulay at laki.

Napaluhod ako at hindi ko mapigilang masuka. Inalalayan ako ni Xalvien at binigyan ako ng supot na masusukahan. Hinihimas niya ang aking likuran para pakalmahin ako.

"Fift, let Officer Flick handle the rest. Halika't ihahatid na kita pabalik sa mansyon," yaya ng mabait na doktor.

***

HABANG nakasakay sa sasakyan ni Xalvien ay nakadungaw lang ako sa bintana. Nahihilo ako dahil sa sobrang hindi pagkapaniwala sa'king nasaksihan.

"Nakakabaliw talaga ang trabahong ito," bungad ko sa doktor.

Ngumiti si Xalvien at saglit na lumingon muna sa'kin bago ibinalik ang tingin sa daan. "Suko ka na ba?"

Umiling ako at nagsabing, "Hindi. Hindi ako susuko. Mahirap man ang trabahong ito, nangingibabaw pa rin ang kagustuhan kong makatulong sa mga tao."

"Good. 'Wag kang mag-alala, hindi ka naman nag-iisa. Narito kami nina Xanti at XV para samahan ka."

I bit my lower lip and gathered the courage to ask him, "Xalvien, narinig ko ang usapan niyo noong isang araw ni Professor XV. You were talking about a certain 'him' during the phone call. S-Siya ba ang tinutukoy niyong Morning Reaper?"

Nagbago ang hugis ng mga mata ni Xalvien. Nawala ang kaniyang ngiti at napalitan ito ng mapait na ekspresyon.

"The Morning Reaper is a serial killer who blinds his victims before killing them. Kaya nang mabalitaan ko ang tungkol sa kasong ito kung saan binulag din ang mga biktima, inakala kong siya na nga ito...ngunit hindi pala."

"Bakit siya hinahanap ng propesor?" Kinakabahan ako dahil hindi ko sigurado kung magugustuhan ko ba ang maririnig kong sagot.

"The Morning Reaper... brutally murdered XV's parents in front of him," Xalvien painfully answered. "And it all happened in broad daylight. He's a fucking psychopath—it excites him when he murders people during the light of day without being caught."

"K-Kaya ba may matinding takot sa araw ang propesor?"

Humigpit ang kapit ni Xalvien sa manibela habang ibinabahagi ang kaniyang nalalaman. "Yes, Fift... Every time the professor sees the sunlight, he's reminded of his parents' bodies being brutally murdered."

Nanlumo ang puso ko sa'king narinig. Hindi ko alam na may ganoong kabigat na pinagdadaanan pala ang propesor.

***

PAGKARATING sa Villa Vouganville ay agad kong hinanap si XV.

Kakalabas niya lang ng kuwarto at may pag-aalala sa kaniyang mukha nang makita ako. "Fifteen, are you okay? Are you alright? Sabi ni Flick sa'kin ay nakita mo raw ang mga—"

Hindi na natuloy ang kaniyang sinasabi dahil bigla ko siyang niyakap nang mahigpit. I buried my face on his chest and wrapped my arms tightly around his waist.

"F-Fift? What are you—"

"Professor, I will keep my promise." My fists gripped his suit tightly as I recalled the first time I encountered his phobia.

When the curtains were accidentally opened during that time, he was scared and trembling like a little kid... like the little XV who witnessed his parents being murdered.

"Pinangako ko noon na narito lang ako para sa'yo. Hinding-hindi ko iyon babawiin, Xildius." Ibinaon kong maigi ang aking mukha sa kaniyang dibdib. "Kahit na pabago-bago ka ng pakikitungo sa'kin, kahit na madalas ay hindi kita naiintindihan."

"Salustiana..."

"Professor!" I yelled as I hugged him tighter.

"Show me your face, Salustiana." Hinawakan ng kaniyang kamay ang nanginginig kong panga. "I want to see it."

Dahan-dahan akong tumingala at napasinghap ako nang bigla kong maramdaman ang malalambot niyang mga labi. Napapikit na lamang ako at buong pusong tinanggap ang kaniyang halik.

"Mmm!" Napadaing ako nang bigla niyang pinisil ang aking puwitan.

"W-Why did you do that?!"

Ngumisi ang guwapong propesor at nagpaliwanag. "Sorry, nanggigil lang ako. Ang cute mo kasi."

"X-Xild—"

Pinigilan niya ang aking paghiyaw sa pamamagitan ng pagsiil ng malalalim na mga halik. Hinayaan ko lang siya. Pilit akong tumitingkayad para lamang maabot ang kaniyang matatamis na mga labi. Sinandal niya 'ko sa pader upang lalo akong mahalikan nang mabuti.

Naguguluhan na ang aking puso dahil hindi nito malaman kung alin ba ang tama—ang pigilan ang aking damdamin, o hayaan na lamang ang sariling mahulog sa propesor.

Who the hell am I kidding? I scoffed at my own thoughts. As if I have a fucking choice.

Knock, Knock, ProfessorWhere stories live. Discover now