Chapter 14 - Every Heart's Sanctuary

Magsimula sa umpisa
                                    


Ano ba un. May lalaking pumapasok sa buhay ko. Di pa ba nila halata na si Drew lang naman ang gusto ko? Tsk.


"Tingnan mo nga naman... Feelingera na nga, malandi pa. May kinakalantari na, naghahanap pa ng iba.. Hmp. As if magugustuhan siya.. hahaha!" Sabay daan ni Therese at ng mga kampon niyang kamukha niya. Tanda niyo pa ba kung sino iyang waste of space na iyan? Alalahanin niyo.


Quote


“Gusto mong imudmod ko sa’yo yang lahat ng pagkain mo ha! Dali na!”
“Sorry boss.  Ito na.. Ganito kasi. Naglalakad kami ni boyfriend JB. May narinig akong mga babaeng nagchichismisan.. pinagchichismisan nila ung narinig na chismis na gagawin ni Therese!”
“Ano ba yan! Ang chismosa mo Che! =)) Tunay pa ba yang narinig mo HA? HA? HA? Lugi lang ata ang limampu sa’yo eh! ”
“Makinig ka kasi! Edi aun nga. Sabi daw nung nagsabi sa kanila.  ay itong si Therese ay susugurin ka raw!”
“O.. tapos?” Bored kong pagsasabi..
“E bespren.. di lang siya mag-isang susugod. Sa takot niya lang sa’yo.. ”
“And so?”
“TARAY! GUSTO KO LANG NAMAN IPAALAM SA’YO. HMP. ”

Si Therese dela Cruz ung babaeng gustong manugod sa'kin dahil die-hard fan na obsessed na obsessed kay Drew. Akalain niyo ay mas obsessed pa sa'kin? At least ako, GUSTO ko si Drew. May something. Hindi obsession. Stalker din iyan ni Drew. Di lang niya napapansin dahil wala naman siyang pake sa iba. hahaha. 

So ito na ba ung confrontation nya?


"May naririnig ba kayong kumokokak?"
"Oo eh. Ang baho pa!"
"Malandi na nga at feelingera, mapanlait pa. As if magugustuhan ni Drew ang tulad niya.. Feeling maganda, e ang pangit pangit naman! Sunud-ng sunod kay Drew. Tingin niya? Makukuha niya si Drew sa ganun? Ni hindi na nahiya sa sarili. Panget!"
 Aba, ang hinayupak na'to! 


"Hoy ikaw mukhang pala kang umiimik diyan. Palaka na ngang mukha pang clown na kamukha ang mga alepores mo. Alam mo kung ano ka? INSECURE. Kasi mas pinaghihirapan mong mapansin ka ni Drew kahit ganyan na ang mukha mong para ng espasol sa kakapalan ng foundation.. E ako, konting pagsisikap lang.. wala! Mas lamang naman ako sa'yo. Hindi kasi ako obsessed. At kung may lumalapit man sa akin na isang gwapong lalaking mabait at gentleman na hindi ka nga kilala.. Mas nainis ka. HINDI KASI KITA KASING GANDA! "
"Alex! Tama bang sabihin mong HINDI KASING GANDA? Ni hindi nga maganda! Mukha ngang clown na palaka remember?"
"Ayy. Sorry naman, bespren. Nawala sa isip ko. Nagdilim kasi paningin ko kaya akala ko gumanda siya. Hindi pala.."


Ni walang umiimik sa mga alepores niya. Mukhang takot na di maintindihan. Siya lang at isang alepores ang hindi. Yung mukhang balot.


"Ang lakas din naman ng blib mo sa sarili mo.."
"Nasa nagdadala iyan. Pangit ka lang magdala.."
"Ang kapal mo. Kaya ka lang naman nakakasama ni Drew kasi co-officers kayo! At kung gusto mo talaga si Drew, di ka na kekerengkeng sa iba.."

"Eh ano bang pakielam mo?! Get a life, !@#$! At sino ba ang lumapit? Si Pachu naman ang lumapit sa'kin. At magkaibigan lang kami. Ikaw 'tong malisyosa na nagpapadala sa sarli mong inggit! Tara n nga. sayang lang ang oras ko dito. edi sana kanina pa tayong nakakain."
"Di pa tayo tapos!" Hinigit niya ang buhok ko tapos hinawakan ako sa braso nung alepores na di takot na mukha namang balot. Bale, ALEPORE lang pala. Iisa eh. hahahahahah! Ung ibang alepores, hinawakan naman sina Che. At ung mga tao sa Canteen? Wala. Parang tanga lang na nanunuod ng palabas.


At dahil malakas nga ako tulad ng sinabi ko sa inyo noon, natanggal ko ng walang kahirap hirap ang kamay ni Alepore. Hinawakan ko ng sobrang diin ang kamay ni Therese na tipong babaliin ko na para bitawan ang buhok kong di tulad ng pangit na sa kanya! Bumitaw naman siya at ung mukha niya, parang namimilipit sa sakit... Dinuro ko lang ung mga Alepores, tinantanan din sina Che.

"Hoy, kayong mga walangiyang hinayupak kayo! Sa inaasta mong iyan Therese dela Cruz, sa tingin mo magugustuhan ka ni Drew?! E mas masahol ka sa'king gaga ka!" Sasampalin niya sana ako ng pinigilan ni Che ang kamay niya. Oo na, linabag ko na ang sinabi ni Drew na wag mamura. Pero nasa lugar naman eh. Nasa lugar ako ng mga salot sa mundo. At sinasabi ko sa inyo, GALIT NA GALIT AKO. 

"Aba. Ang bespren, ipinagtatanggol ang haliparot na un. E iniwan ka nga niya dati Che diba. Sa tingin mo di ka na niya iiwan ngayon?! Lalo pa't anjan na si Riza." Si Riza, nakatayo lang dun. Wala din naman siyang alam sa mga nangyayari, kahit pa kilala niya siguro si Therese. Ano rin naman ang sasabihin niya, e totoo naman ang sinabi ni Therese. But she didn't have to bring it up.

 Sa sobrang galit ko. Hinanggit ko ung malaking container nung pinagtitndang juice nung ale at ibinuhos sa kanya at itinulak ng malakas na napahiga na siya sa sahig. Nagiwan na lang ako ng 500 doon sa kinuhanan ko ng juice. 

"Sinasayang niyo ang oras kong mga lintik kayo! Go to hell, !@#$! Sa susunod kasi, pipili kayo ng kakalabanin niyo. Unang-una, huwag ung Judo Master, padalawa wag ang di niyo kaya, patatlo, huwag ang may pangalang Alexandra Villaroel. Tatandaan niyo iyan! Punyeta!"


I Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon