Chapter 14 - Every Heart's Sanctuary

Magsimula sa umpisa
                                    

[ok. bangag na talaga ako. i owe it all to nescafe. pasensya dumadami ang exposure ng konsensya. pati ko. > ewan ko ba. kusa na lang nagttype ang mga daliri ko. tapos mapapatingin ako, ayun puro kalokohan na. hahaha!]


Tahimik lang kaming dalawa. Pinagmamasdan ko ang surroundings. Shet talaga. Ang ganda. Bakit di ko to alam? Bago sa aking mga paningin.


"Drew, asan tayo?"

"Nasa Every Heart's Sanctuary tayo. Private place namin 'to. Nung buhay pa si Papa, binili niya ito at pinaganda. Ito ang natatnging kayamanan talaga namin." 
 

"Ang ganda Drew ha. Sobra." Linapitan ko na siya at tiningnan ang painting niya.

"Anak ng p-- Ang ibig sabihin ko. Ang ganda naman Drew! Bakit ba nasa'yo na lahat? Di ka man lang nagtira sa iba.. Lalo na sa'kin. Para naman magustuhan mo na ako. Lagi na lang ikaw eh.."
"Bagong gising ka lang kaya ka ganyan. "
"Actually, mali ang nasabi ko kanina. Ganito pala ako kapag puyat tapos ginising. E nakatulog na naman ako so asa katinuan na ako. hndi naman sa matino ako pero katinuang adik talaga ako. naiintindihan mo ba ako Drew?"
"Oo. Wag ka nang maingay nagcoconcentrate ako.." Tinabihan ko na lang siya at pinanood ang bawat paglahid ng brush sa pinagpapaint-an niya.


Nang magsawa ako, siya naman ang tiningnan ko.. Hayy Drew. Ano bang meron sa'yo? Wait, alam ko naman na maraming meron sa'yo pero.. sapat ba iyon para magkaganito ako sa'yo? Gusto ko siyang yakapin. Nakakatempt naman kasi eh. Alam niyo un.. kapag katabi mo ang mah--gusto mo. Gusto mo siyang yakapin. Lalo pa kung may mukhang tulad ng kay Drew. Leche.


Drew! Lumayas ka jan!  kung ayaw mong yakapin kita. 
At dahil di naman niya ako naririnig.. Ako na lang ang tatayo.  Pero gusto ko talaga siyang yakapin. Takte ka Drew. Why so hot? Joke! hahahahha. Humiga na lang ako dun sa grass sa may lake. Malayo kay Drew. haha. Matagal din na andun lang ako at nagpapaint lang siya.


"Ayan! Natapos na!  Hayy salamat."
"Patingin.."
"Ayoko."
"Di wag. Nakita ko na naman kanina eh." Arte talaga nito.


Pagkatapos, gustuhin ko man o hindi, umuwi na rin kami agad.
Nasa tapat na kami ng bahay ko. Oo, sinabi na niya sa'king alam na din naman niya ang bahay ko so wag ko na itago.


"Stalker ka talaga, kahit kailan."

"Curious lang. Ge. Una na ako.."
"Drew sandali.."
 Di pa rin ako bumababa ng kotse.
"Pa-kiss nga." Namula naman agad ang tenga niya. hahahahahah!  
"Joke lang! Over ka naman.  Gusto ko lang sabihin ulit na salamat. Binuo mo ang araw ko. Mag-iingat ka pauwi ha? :]"
"Wala iyon. Kahit papaano naman.. Kaibigan na rin kita." </3
"Dun nagsisimula iyon Drew. sa pagkakaibigan. hahahahah!"
"Oo na lang. Ge na, alis na ako."
"Sige. Sure kang ayaw mo munang kumain?"
"Di na. Salamat.  Bye."


*Next day.*


Pumasok na si Riza ngayon. At kasama namin siya. 
Recess ngayon at malamang, bumibili kami ng malalamon sa Canteen. 

"Pabili nga po ng 2 donut. Ung strawberry at isang chocolate. 
Lumipat naman kami sa kabilang tindahan. 1 pong juice. grapes flavor. Dun naman sa isa. 1 piatos at isang butterscotch."

Lahat kami, puro ganyan ang order. Pare-pareho. Oo, malakas din kumain si Riza eh. haha. Ok na nga kaya lahat? Nagbago na nga kaya siya? Wala pa din akong tiwala eh.


"Hi Alex! Saan ang picnic? joke lang. "
"O, ikaw pala Pachu. "
"Naman, Alex. 4 na nga ang pangalan kong pagpipilian mo, Pachu pa. Pwede namang Jake, Patrick, Matthew."
"E gusto ko Pachu. "
"Sige na nga. Oh, Libre na kita.." Tapos napatingin siya sa mga kasama ko. "Sige, si Che at si friend mo na din..."
"Ayaw ko nga. Utang na loob ko pa un. Pero thank you.."
"Sige na. Peace offering." Tapos ngumiti na parang inaakit ako. Alam mo un, pacute? hahaha. Di naman tumatalab sa'kin eh.
"Tara na Pachu!"
"Sige na, Alex. Pati sa inyo, ladies. :]"
Lumapit na siya sa mga kaibigan niya..
"Kahit kelan talaga epal kayo eh!" 
"Hmmm. Jumajaporms ka lang."

I Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon