“I said. What are you doing here?” iritado niya ng tanong sa ‘kin.

Huminga ako ng malalim at unti unti akong humarap sa kanya pero ang paningin ko ay nasa baba. “ A-Ah sir i-inutusan po ako ni M-Manang Lita  na kuhanin ko ang mga nagamit mo ng damit para labhan po.” Sagot ko ng hindi parin tumitingin sa kanya.

“Next time, wait for me to opened the door. Not anyone allowed to enter my room except for my mom, until I said so. did you understand?”

“Y-Yes, Sir. I... I’m s-sorry.”

“Go…” pagpapalabas niya sa ‘kin.

Tumango ako sa kanya tsaka nagmamadaling lumabas doon pagkarating ko sa baba agad kung tinungo ang laundry area nila doon at naabutan ko si Manang Lita na nagsasampay na ng mga damit habang si Sonya at ate Risa na katulong niya ay nagbabanlaw.

“Ali, pakilagay na lang 'yan doon sa washing machine.” Sabi ni Manang Lita.

Agad naman akong tumalima at sinunod ang sinabi niya.

“Sonya nakita niyo ba si Ali?” narinig kong tanong ni Kary

“Ayun oh…” narinig kung sagot ni Sonya.

“Hoy,Ali! Hinahanap ka ni Sir Zachary.” Sabi ni Kary sa‘kin ng makalapit siya.

“Huh? Bakit?”

“Aish, basta! Puntahan mo na lang siya at ikaw na ang magtanong.”

“Sige, sandali lang.” nagmamadaling kong pinaghiwalay ang damit sa de kolor at puti tsaka ko inilagay ang puting damit sa washing machine at agad na pinagana ‘yon. Pagkatapos ay sabay na kami ni Kary na naglakad papasok sa kabahayan.

“Ano kaya ang nakain ni sir Zachary at hinahanap ka?” habang naglalakad kami wala sa sariling tanong ni kary sa sarili niya at tila kinikilig pa.

“Ang sabihin mo gutom na ang bata at naghahanap na ng pagkain.” Napahagikgik kaming dalawa sa sinabi ko.

Nang makarating kami sa kusina nakita namin si sir nakaupo sa high stool at may tinatype na kung ano sa cellphone nya.

“Sige, na Ali pakainin mo na ang bata.” Sabi niya bago umalis at iniwan akong mag isa.

Natawa ako ng mahina at pumunta sa side ni sir para sana kunin ang plato at ipaghanda siya ng agahan niya ng magsalita siya.

“I don’t have appetite to eat breakfast right now. I’m fine with coffee.”

Tumango ako at agad na pumunta sa coffee maker, pagkaraan ng ilang minuto tapos na ako at nilapag ko na ito sa harap ni sir.

“Ito na po ang kape niyo sir.” Sabi ko ng mailapag ang kape sa harap niya. Kinuha niya naman 'yon at sumimsim.

“Taste good.” Sabi niya matapos sumimsim at maibaba ang tasa ng kape.

Naalala kong sabi ni kary na hinahanap ako si Sir “ ahm… Sir sabi ni kary hinahanap niyo daw po ako.” Tanong ko sa kanya.

Tumikhim siya at tumingin sa ‘kin “Sumama ka sa ‘kin aalis tayo.”

“H-huh? Saan po tayo pupunta?”

“Mall.”

‘Yon lang ang sinabi niya tapos ay umalis na siya ako naman na naiwan doon ay hindi pa nag sink in ang sinabi niya. Pagkaraan ng ilang minuto natagpuan ko ang sarili ko na hinahalungkay ang damitan ko naghahanap ng maayos na damit. Pagkaraan pa ng ilang minuto hinihintay ko na si sir Zachary sa living room ng makita ko ng pababa ng hagdan si sir Zachary ay tumayo na ako mula sa pag kakaupo sa kanilang sofa.

My Personal YayaWhere stories live. Discover now