"Look who's talking!" Humalakhak siya habang napatingin naman ako sa beach. Payapa ito, nakakarelax. Pakiramdam ko ang gaan-gaan lang ng mundo, ng paligid. This sight makes me feel like I'm not thinking anything, or anyone. Para bang I'm just living the moment. Making the most out of it. Wala sa sariling napangiti ako. Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na makakasama ko si Van sa simpleng pag-tingin sa dagat.


"What are you thinking?" He quietly asked. Tinignan ko siya. He's looking at me and I realized - at this very moment, infront of him looking at me, I realized that from the very start of this game that I had started, talo na ako. Dehado na ako. I already embraced his soul without me knowing. "Kailangan ko na bang mag beautiful eyes? Matutunaw na ako niyan, Zara." Natatawang sabi niya. Napailing na lang ako at muling sumandal sa balikat niya.


"May aaminin ako sayo." I said. Hindi ko kayang itago ang nararamdaman ko. Yes, I know. Simula pa lang sinabi na niya sa akin na no strings attached. But fuck? Hindi ako nageexpect ng kahit anong sagot sa kanya. Gusto ko lang malaman niya kahit walang kapalit. Hindi na ako makikipaglaro dahil wala na sa kamay ko ang control. Hindi ko na hawak ang nararamdaman ko simula nang makilala ko siya at mahulog ako sa isang tulad niya.


"Gwapo ako?" He laughed. "Alam ko na yun, wala bang iba?"


"Mahal kita. Ayan, iba yan ha!" Mabilis pa sa alas kuatro niya akong itinulak ng bahagya at tinitigan ng mabuti. Tignan mo itong taong 'to, wala talagang respeto sa babae! Nakakagigil!


"Don't worry, I'm not expecting anything. Tanda ko ang mga sinabi mo sa akin noon." Parag baliwala kong sabi. But deep inside me, of course, medyo masakit. Pero gaya nga ng sabi ko, I'm not expecting anything from him at kung hanggang dun na lang ang nararamdaman niya, edi okay. Susubukan kong gumawa ng paraan pero hindi ko ipagpipilitan. Atleast minsan sa buhay niya ay nakasama niya ang magandang tulad ko.


Hinila ko siya at sumandal ako muli sa balikat niya. "Kapag nagustuhan mo ako, pag lang ha, tapos niloko mo ako, feeling ko masasapak ko yung babae tsaka ikaw na din. Tapos kakalbuhin ko siya habang yung sayo naman, puputulan kita ng junior." Napangiwi siya sa sinabi ko. Tumawa na lang ako. That's true. Baka makasakit ako. But who knows diba?


"Ang brutal mo naman! Baka walang lumapit sa akin na mga babae kung sasabihin mo yan sa kanila." Napangisi ako. Talaga lang! Kaya dapat matakot na siya.


"Eh pano kung ako naman maghanap ng lalaki? Okay lang ba sayo? Tapos siya din pagagamitin ko ng katawan ko maliban sayo. Paano lang ha. Baka mamaya magtalas nanaman yang dila mo at tawagin mo akong pokpok. Talaga namang maghahanap na ako ng martilyo niyan para maipukpok sa ulo mo."


"I'm sure that you won't and if you will, I'll make sure that the guy's life would be miserable." Kinuha ko ang kamay niya at ipinatong sa dibdib ko para ipadama ang bilis ng tibok ni heart.


"I know that I won't, but we still don't know what will happen in the future, hindi ba? But what if Van, what if he makes me happy and I really do love him? Will you be selfish enough just to get me or would you let me go?" Hindi siya sumagot. I felt him tensed so I relesead his hand na nakalagay sa dibdib ko but he intertwined it with my hand.


He looked at me directly in the eyes. "I don't know. Like what you've said, things will still change because nothing is constant as well as our decisions in life. Pero kung makikita kong masaya ka sakanya, who am I to block you from your happiness? Zara, I may be the someone who loves manipulating shits but if I love the person, I'll give up everything. I'll surrender everything even my whole human being. That's how I love, Zara Ysabel." Pakiramdam ko nagsitayuan ata ang mga balahibo ko ulit at may kakaibang dumaan sa may tiyan ko. Napakagat ako ng labi.


"How about you, Zara? Paano ka mag-mahal?" Napaiwas ako ng tingin. Masyadong mainit at nakakapaso ang mga tingin niya but that's one of the things I love about him. Deep at hard iyong mata niya, parang anytime mananakit at kayang magpatumba. Iyon nga lang, hindi mababasa ng kalaban ang nasa utak niya.


"Hindi ka lang kikiligin kapag naiihi, pati pag tumatae. That's how I love, Van Austin. Tipong sagad sa buto at buong-buo." Napangiti ako sa sinabi ko kahit medyo nakakadiri ang interpretation ko. I just want to be unique pero mukhang nasobrahan ata. We stared at each other for like 10 seconds and before I knew it, lumapat na ang labi niya sa labi ko.


Pakiramdam ko may fireworks na biglang nagsiputukan. Medyo gasgas ang linya, pero shit! Parang magkakaheart attack ako sa sobrang bilis ng tibok ni heart. This is different! Shit, this is different! Yes, it is! Dahan-dahan akong lumayo nang maramdaman kong sapat na ang paghahalikan namin. He smiled at me.


"Show me how you love, Zara. Pakiligin mo ako ng sagad sa buto at buong-buo." He kissed my cheek at tumayo na. Nagsimula siyang maglakad palayo habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa. "Get inside the car. Hindi papayag ang Dad na mag-stay tayo dito dahil mababaliwala ang plano niya." Nalaglag ang panga ko at pakiramdam ko naisali ako sa isang race sa sobrang bilis ni heart sa pag tibok!


Oh. My. Freak.

Pure SeductionWhere stories live. Discover now