Chapter 17- The Finale

22 2 2
                                    

Chapter 17- The Finale

  Alexander's POV.

  Buhat-buhat ko si Eli dahil nawalan na siya ng malay. Ito na ang pangatlong ulit na iniligtas ko siya. Di ko ito magagawa kung wala ang tulong ni Aether.

   Sa di inaasahan, ang pamilyang Graylord ay dumating. Sila ang mga kamag-anak ni Aether. Nakiusap ako sa kanila na tulungan ako.

  Sa tulong ni Aether, ang buong pwersa ng mga Graylord ay tumulong.

   Ngayon, patapos na ang misyon nang dumating ang mga zombies.

   "Arrrhhh!" ungol ng mga ito.

    Napalibutan na nila ako at mahihirapan akong kumilos dahil buhat ko sa likod si Eli.
 
   Walang makakatulong sa amin ngayon dahil abala din sila sa pagsugpo sa iba pang Judas.

   Paa lang ang magagamit ko dahil ang aking kamay ay sumasalo sa puwit ni Eli.
Kailangan kong gawin ang best self defense — run!

  Info: Dating member si Alexander ng isang gang. Mahilig din siyang makipaglaban.

   Tumakbo ako palayo sa mga zombies pero mabilis silang nakakahabol. Nahihirapn din akong iwasan ang mga kalmot nila dahil magibat si Eli.

   Mas dumami pa ang mga zombies sa paligid at dumadami pa sila dahil sa mga nakakagat na mga sundalo.

    Isang M-16 ang nakita kong nabaon sa damuhan. Mabuti nalang ay lumalabas na si haring araw at nagbibigay na ito ng liwanag.

   Ibinaba ko muna si Eli sa damuhan at dinampot ang baril. Puno pa ang magazine nito. Pero kahit ganon, di ito sasapat para sa ganito kadaming zombies.

  Sa likod ko si Eli at sa paligid namin ang mga zombies. Maliban dito ay ang mga sundalo ng mga Judas. Ang paligid ay bulot ng ingay. Putok ng mga baril, ungol ng mga zombies at sigaw ng mga tao.

   Inipit ko na sa kili-kili ang likod ng baril at mahigpit na hinawakan ang baril. Nang maitutok ko ito sa mga zombies ay pinisil ko ang gatilyo.

  "Ratatat!"

   Nanginginig ang aking buong katawan habang pumuputok ang baril. Ang mga zombies na tinatamaan ay nagugutay at bumabagsak sa lupa.

   "Mamatay kayo!" Sigaw ko habang bumabaril.

   Wala akong pinapalapit na zombie. Lahat ko sila pinapatay.

   Kung saan saan sila nagsisilabasan. Sa likod, kaliwa, kanan, at harapan. Palipat-lipat naman ako ng tutok.

   "Arrh!"

   Isang zombie ang lumabas mula sa ilalim ng lupa at hinawakan ang aking paa.

   "Ahhh!" Sigaw ko.

   Tinutok ko sa baba ang baril. Isinubo ko pa sa bibig niya dulo ng baril at pinaputok.

   "Bang!"

   Nawasak ang ulo nito at namatay.

   Pagtungo ko ng aking ulo ay mas marami na ang mga zombies. Parang di sila na bawasan. Bakit ganon? Kailangan pa naging ganito kadami ang mga zombies?

   Pwede bang sa sunod nalang ulit kayo? Gusto ko ng unuwi at makasama si Eli. Please, just this day! Can you leave us alone?

   "Ratatat!"

   Pinaulanan ko ng bala ang mga zombies habang umiikot. Nagsisitalsikan ang kanilang mga dugo at balat habang tinatamaan ng bala. Ang mga basilyo naman ng bala ay nasisilaglagan sa aking paa.

Love Apocalypse - Bite OneWhere stories live. Discover now