Chapter 5- Better Luck Next Life

9 4 0
                                    

Chapter 5 - Better Luck Next Life

   Present time...Feb. 13, 2018
   Eli's POV

   I'm Elizabeth Domingo. 24 years old and a brave survivor in the zombie apocalypse...

    The moment na makilala mo ang isang tao at may kung anong tuwa o di maipaliwanag na feelings, it's called love. Parating hinahanap ng mga mata ang taong ito sa di maipaliwanag na dahilan. Iba ang pintig ng puso kapag nakikita mo siya. Kung magtagpo man ang mga mata niyo, naiilang ka at lilingon.
   
     Gustuhin mo mang kausapin siya, may kaba kang nararamdaman na magdadala sayo sa "embarrassing moments". Di ka makakapag-isip ng maayos at mauutal ka. Di ka makakilos ng maayos at mas mabilis kang pagpapawisan. Ganito ang mga common reactions ng isang tao.

      Madali kang magbibigay ng mga meaning (ibigsabihin, sasenyales o teorya) sa kaniyang pakikitungo sayo. Kunyari, tinabihan ka niya o nagtawanan kayo habang nag-uusap. May boses sa ulo mo na magsasabing, "Gusto ka din niya". Maniniwala ka naman. In other words, magigi kang "assuming".

     Darating ang panahon na sasabihin mo ang iyong nararamdaman. Maglalakas loob kang sabihin ito kahit may possibility na di ka niya gusto. But your self will try to tell that he/she loves you also. Magpapalabas ng mga memories ang iyong brain na parang gusto ka rin niya. It's like a defensive move of the body against the pain that might cause you. Sasaya ang puso mo at magtatapat ka na.

     Kaso lang ang katotohanan ay di ka niya gusto. Masasaktan ka at kikirot ang puso mo. Itatanong mo sa sarili mo kung bakit di ka niya nagustuhan. Pangit ba ako? May mali ba akong nagawa? At marami pang tanong. Hanggang sa maalala mo na ikaw lang talaga ang nagbigay ng meaning at nag-assume.

    Pagkatapos nito malalaman mo na puppy love lang ito. May magsasabi sayo na bata ka pa para seryusuhin ang pag-ibig. Kahit ganon, di ka pa rin matututo. Mahuhulog ka ulit at mauulit ang mga pangyayari. Ilang beses kang masasaktan hanggang sa ipagsawalang-bahala mo nalang ang nararamdaman mo para sa isang tao.

     But not in zombie apocalypse. Paubos na ang mga tao. Sa oras na may magustuhan ka, wag mo ng pakawalan. Ligawan mo na. Kayo nalang naman na ang tao sa mundo, kaya wala naman na kayong choice. Pero mahalin mo siya ng totoo at ganon din ang gagawin sayo.

    Nan dito ako sa malaking bahay ni Alex. Subra talagang laki nito. Ito na yata ang pinakamalaki at pinakamagandang bahay sa Winterland City. May mga mamahaling chandelier, may mala-five star na hagdan, at maraming rooms. May mga vases, paintings, at iba't ibang collections dito. Kahit kisame may painting.

    Marami din ditong gamit. Ilang buwan kaya niya ito inipon? Meron siyang iba't ibang klaseng sapatos, libro, at mga briefs? Bakit ang dami niya briefs?

     Anyway move on na tayo...
     Sabi ko nga kanina, nan dito ako sa bahay ni Alex. Sa katunayan, gusto ko ng umalis. Sinabi ko lang na gusto ko sa kaniyang sumama ay para makakuha ako ng mga kagamitan para sa aking travel. Oo, nagsinungalin ako sa kaniya. I tell you, don't easily trust anyone.

     Di ko lang siya maiwan, dahit malala ang sugat niya sa likod. Two days na siyang natutulog at mataas ang lagnat. Madami din siyang nawalang dugo. Mabuti nalang natahi ko ang sugat niya ng maayos. Naaawa lang kasi ako sa kaniya kaya ko 'to ginagawa.

     Habang hinihintay siyang magising naglibang muna ako sa bahay niya. Nagluto ako, nag-ligpit ng mga gamit niya, at pinunasan ang mga maalikabok niyang gamit. Nakakapagod ang aking paglilibang dahil sinabi ko na di ko sasayangin ang aking natitirang mga oras sa mundo. Gagawin ko nalang ang mga bagay na may halaga at sana maging masaya ito kahit papano.

     Ilang oras akong nagpunas at pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto ni Alex. Nakahiga pa rin siya at natutulog. Umupo ako sa tabi ng higaan niya at pinagmasdan ang kaniyang mukha.

Love Apocalypse - Bite OneWhere stories live. Discover now