Chapter 1- Terrific Beginning

70 5 3
                                    

Chapter 1 - Terrific Beginning

Rinig na rinig ang mga yabag ng pagtakbo ng isang estudyante. Nakakagawa ng malakas na ingay ang kaniyang school shoes. Tumatakbo ang estudyante para iligtas ang sarili sa mga flesh eater psychos. Lumilingon pa siya sa mga humahabol sa kaniya.

Tatlong estudyanteng psycho-zombies ang humahabol sa kaniya. Pulang-pula ang mga mata nila, puno ng magang ugat ang kanilang leeg, at gumagalaw sila na parang sinapian ng libu-libung ispiritu. Nakakatakot sila at hahabulin ka nila hanggang mapagod ka. Pagnahabol ka nila, ngangatngatin nila ang leeg mo hanggang sa umagos ang malapot na dugo mo, wawakwakin nila ang tyan mo hanggang sa lumabas ang mga bituka mo, kung dina man uukitin nila ang mga mata at bubunutin ang dila mo gamit ng mga kuko nila. Nakakasukang pangyayari ang mangyayari sayo.

  "Ahhhhhhh!" Takot na takot ang estudyante at umiiyak na siya habang tumatakbo. Dahil sa dugong nasa sahig, nadulas ang estudyante at tumumba. Nagsitalunan ang mga zombies sa estudyante at inilubog agad ang mga ngipin sa leeg ng estudyante.
"Ahhhhhhh! Ang sakit!"
Sumirit ang dugo niya sa leeg.

"Ahhh!! Mama!" Gustung-gusto ko ng lumabas sa locker para sagipin ang aking estudyante na pinagpipyestahan ng mga h*yon na zombies. Isa-isa nilang ginugutay ang balat at mga buto ng aking estudyante. Umaagos pa sa sahig ang malapot niyang dugo. Hinukay din nila ang tyan niya gamit ng kanilang matatalas na kuko. Lumabas ang mahahabang pulang bituka ng estudyante at sinubo ito ng mga zombies. Hinihigop nila ang bituka.

  "Mama!" Kung may kaya lang sana akong gawin, ililigtas kita. Kaso wala na akong magagawa. Parehas tayong mamamatay.

  Nakita kong inaabot pa ng aking estudyante ang locker kung saan ako nagtatago. Gusto pa niyang mabuhay. Kita ko din sa mga mata niya ang pagmamakaawa na tulungan siya. Pero huli na.

   Patawarin mo ako! Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at sinisisi ang sarili sa pagkamatay ng estudyante.

  "Hoy!" Agad kong iminulat ang aking mga mata at mas inilapit ito sa mga maliliit na butas ng locker. Nakita ko ang isang estudyante na may dalang kutsilyo. Puno ang estudyante ng dugo mula sa mukha hanggang pantalon. Ganon din ang kutsilyong hawak niya.

  "Yan! Tama yan! " Sabi ng estudyante habang papunta sa kaniya ang mga zombies. Iniwan na nila ang kaninang pinaghahabol nila na para bang nagsawa na agad.

  Nang makalapit ang isang zombie, itinarak niya ang kutsilyo. Subrang lakas ng pagtarak niya sa bunbunan ng zombie, kaya lumubog ito pababa.
Pumulsit ang dugo sa mukha ng estudyante. Yaks! Kadiri !

" Sh*t! Na-stuck!" Pilit na binubunot ng estudyante ang kutsilyo pero di niya ito matanggal. Palapit na ng palapit ang iba pang zombies sa kaniya kaya iniwan nalang niya ang kaniyang kutsilyo at mabilis na tumakbo.

  "Habol mga h*yop!" Sumunod naman ang mga zombies at naiwan na nila ako.

  Now what? Ano ng gagawin ko? Lalabas na ba ako? Baka may zombies pa.

Nakikipagtalo na ako sa aking sarili dala ng takot at pagkatruma.

Bakit ba ang duwag ko? Ako yong adult pero daig pa ako ng mga estudyante.

  Bago pa ako magkapag-isip ng gagawin, di ko sinasadyang  nabuksan ang pinto ng locker. F*CK! Ang masama pa don ay nakagawa ito ng malakas na ingay.

Kinabahan ako ng subra. Kung kanina mabilis na ang tibok ng puso ko, ngayon mas bumilis pa 'to. Maiihi pa ako sa subrang kaba at takot.Ang malas ko naman!

  Di ko pa maabot ang pintuan dahil isiniksik ko lang ang buong katawan ko sa makipot na locker. Ang sakit na din pati ng puwit at likod ko kaka-upo at tago ko sa locker na 'to.

Love Apocalypse - Bite OneWhere stories live. Discover now