Chapter 14- Cindy, The Unending Love

5 1 0
                                    

Chapter 14- Cindy , The Unending Love.

   Dumating na nga ang mga pamilyang Judas at kinuha ang kanilang prinsesa. Sunod nito ay ang isang napakalakas na ulan. Naapula ng ula ang apoy sa Dryvillage. Naging nakakapagod ang gabing iyon dahil sa mga zombies na nagkalat at isa-isa naming pinatay.

   Nang sumikat na ang haring araw, nakita naming ang bakod ng Dryvillage ay sirang-sira na. Mahirap na itong ayusin at mas mabuti pang umalis nalang dito. Kung wala na ang bakod, magiging target na kami ng mga zombies at di na kami tatagal. Kailangan na naming umalis.

   Kala ko talaga dito nalang kami hanggang sa tumanda na kami pero di pala. Minsan ganon talaga sa buhay, yong akala mong di na mababago ay mapapalitan pa pala. Ang mahirap sa parteng ito ay ang pagtanggap ng katotohanan. Wala na ang dati at kailangan mo ng magbukas para sa bago.

   Sa pagtanggap ng katotohanan na wala na ang dati ay maganda rin. Kasi ang pumapalit naman ay mas kailangan mo. Oo, di ganon kadali ang paglimot ng mga nakaraan pero mahihirapan ka lalo kapag  di ka umalis sa nakaraan.

6:32 am...

  Pumunta na muna ako sa bahay na pinagamit sa akin ng mga taganayon. Sunog na ito pero may mga bagay na di inabot ng apoy. Ang isa sa mga ito ay ang litrato. Litrato ng dalawang tao. Isang babae at isang lalaki. Masaya silang dalawa sa litrato.

  " Miss na kita, Daron!" ang mga katagang aking binitawan.

One Year Ago...

  "Nak! Nan dito na si Daron, "Sigaw ni mama. Nagmadali na akong bumaba at isinuot ang aking chocolate brown sandals.

   "Ma, kayo na po magsundo kay Carl," saad ko.
   "Oo, bilisan mo na. Wag mong pahintayin si Daron," sagot ni mama. Mula sa bintana ay sinisilip ni mama si Daron. "Ang gwapo niya 'nak! Bagay na bagay kayo." Saad ni mama habang inaabot ang aking bag.

    Before going, I look on the mirror. I'm wearing my yellow green 3/4th. Ito ay strife at fit lang sa aking katawan. Suot ko din ang itim na skirt. May earrings din ako pero walang necklace. With light make-up, I'm ready to go.

   "Ma,doon na po ako. Bye," pagpapaalam ko.

   Pagbukas ko ng pituan, nakita ko si Daron at ang kaniyang pulang kotse. Nakasuot siya ng formal attire. Black pants, coat, long sleeves, at necktie. Malayo palang nakita ko na ang gwapo niyang mukha. Nakangiti siya at may hawak pang bouquet.

   "Bakit di ka pumasok?" Tanong ko. Inabot siya sa akin ang mga bulaklak. Napangiti nalang ako dahil sa loob pala ng bouquet ang isang chocolate bar.

  "Pasenya na, excited na kasi ako." Saad niya at binuksan ang pintuan katabi sa driver's seat. Pumasok naman ako.

    Ang nakaipit sa bouquet ay kinuha ko at inilagay sa aking bag. Dito ko na muna ito. Mamaya ko nalang ito kakainin.

   Pumasok na din si ......
   "Salamat dito," pagpapasalamat ko.
   "Gusto everyday bigyan kita niya?" tanong niya.
   "Sige," sagot ko. "Saan pala tayo ngayon?"
   "Dadalhin kita sa isang magandang lugar, "saad niya. "Magiging masaya ang ating date."

    Pinatakbo na niya ang kotse at umalis na kami.

   Si Daron ay anak ng mga sikat na doctor ng Winterland City at mayroon din silang hospital. Si Daron ay isa ding doctor at ang aking fiance. Nagkakilala lang kami noong nagkaroon ng isang aksidente sa daan at nagrurunda ako noon. Bago pa dumating ang ambulance, nagpaunang lunas na siya at bilib na bilib ako noon.

   Sunod noon ay may tumawag sa aking phone at si Daron na pala 'yon. Kinuha niya ang number ko sa aking mama mismo. Naging magkaibigan kami hanggang sa nagustuhan namin ang isa't isa.

Love Apocalypse - Bite OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon