Chapter 16- Elizabeth, My Brothers

16 2 0
                                    

Chapter 16- Elizabeth, My Brothers

   Present time

   Ang mga malamig at mahigpit na kadena ay nakakapit sa aking mga kamay at paa. Ang kadiliman sa kwartong ito ay ang bumabalot sa akin. Lasa ko pa rin ang dugo sa aking labi na nagmula sa mga sampal ng aking ina. Kumikirot din ang aking kalamnan dahil sa mga pasa na natamo ko sa aking kapatid at ama.

   Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Mga demonyo sila at kapangyarihan lang ang nasa isipan. Handa nilang gawin ang lahat, makamit lang ang hinahangad nila. Kahit patayin nila ko, kahit pumatay sila ng libu-libung tao, kahit ano ay gagawin nila.

  Puro pahirap lang ang ginagawa nila sa akin. Maya't maya nila ako binabalikan at kinukuhanan ng dugo. Bakit kasi hindi nalang nila gilitan ang leeg ko at kuhanin nila ang dugo ko hanggang sa magsawa sila. Gusto lang kasi nila akong pahirapan.

    Nahihilu-hilo na ako dahil sa pagkuha nila ng mga dugo ko. Di rin nila ako pinapakain. Sa tingin ko, papatayin nila ako pero pahihirapan muna. Gusto nila akong mamatay sa paghihirap.

  Pabalik na kami sa Springlitown. Tinatahak na ito ng tangke. Ang pagyanid ay tumigil. Hudyat ito na tumigil sa pagtakbo ang tangke na sinasakyan namin. Sunod naman nito ay ang pagtunog ng bakal na pintuan ng kwarto.

   Pagbukas ng pintuan ay sunod din ng pagpasok ng nakakasilaw na liwanag Isang lalaki ang pumasok. May dala pa siyang latigo.

   "Ate, pinahirapan mo kaming mahanap ka," nagsalita siya. "Alam mo ba, kumakati ang kamay ko sa bawat oras na naiisip kita? Gustung-gusto na kitang hampasin nitong latigo."

    Lumapit sa akin ang lalaki at nakita ko na ang kaniyang mukha. Ang lalaki ay si Eume. Ako ang nag-alaga sa kaniya. Mali palang magpalaki ng isang ahas na balang araw ay siya ding papatay sayo.

   "Bakit ba kasi tumakas ka pa? Ha!" tanong niya. Ngayon ay winasiwas niya ang latigo dahilan para maunat ito. Sunod ay ipinalo niya ito sa akin.

   "Wapak!"

   Tumama sa aking braso ang latigo. Napapikit ako sa hapdi. Ang sakit ay gumuguhit sa aking balat. Anong klaseng latigo ang ginamit niya? Napakasakit nito!

    "Wakap!"

    Isa nanamang palo ang tumama sa aking binti at subrang sakit. Aaaaahhhh! Kinakagat ko na ang aking mga ngipin dahil sa sakit. Gusto kong himasin ang aking binti pero di ko magawa. Di ko mabawasan ang sakit.

    "Wag mo kaming pahirapan!"

    Ang aking daing ay pinipigil ko lang. Di ko ipinapakita na natatalo nila ako. Di ako magpapatalo sa kanila.

    "Bakit hindi ka dumadaing? Hindi ba masakit?" tanong niya.

   Siya ang aking kapatid. Ang kumpletong pangalan niya ay Eumenor Judas Rodrigo. Ngayon ay 22yrs old na siya. Bunso siya. Ang bagay na kinakainisan niya ay ang hindi pinapansin. Kumukulo ang dugo niya kapag ganon.

    After ng mga tinamo kong latigo ay nakuha ko pang tumawa.

    "Hahaha!" tawa ko.

    "Nakakainis ka na!" Sigaw ni Eume. Winasiwas niya ulit ang latigo at kung saan-saan ito tumama.

    "Wotik! Wotik! Wotik! Wotik! Wotik!"

    Tumata ang latigo sa aking pisngi, ulo, tyan, tagiliran, at leeg. Habang nasusugat ang aking katawan ay naalala ko ang isang tao. Hindi niya ito hahayaan. Hindi niya matitiis na ginagawa nila ito sa akin.
Kuya, tulungan mo ako!



    One Year Ago

    Nakatali ako sa higaan at sa harapan ko ay ang tatlong tao. Habang nakahiga ay nakita ko sila. Dalawang doktor at si Kuya Eageson. Nakikipagtalo talo siya sa mga doktor.

Love Apocalypse - Bite Oneحيث تعيش القصص. اكتشف الآن