Chapter 12- Rescue Mission p2

6 4 0
                                    

Chapter 12- Rescue Mission p2

   Alexander Rodrigo's POV

   Hanggang saan ang kaya mong gawin para taong mahal mo? Kaya mo bang ibigay ang buhay mo para sa kaniya? Kaya mo bang ibaba ang sarili mo at matapak-tapakan para sa kaniya? Namasura ka na ba, naging tagalinis ka na ba ng banyo, o nakapagnakaw ka na ba? Makakangiti ka pa ba habang ginagawa ito?

   Pano kong sa lahat ng mga pagsasakripisyo mo hindi ka pa rin niya mahal? Mamahalin mo pa rin ba siya? Papatawarin mo pa rin ba siya? Kaya ang tanong, hanggang saan ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo?

   [Totoong mahal tayo ng Maykapal... ]

   Mga 6-7 pm ng gabi.

  "Ito pala ang Dryvillage," saad ni Fatso. "Ang taas ng bakod."

   Nakarating na kami sa Dryvillage gamit ng Mitsubishi lancer at dalawa pang kotse.

   Nan dito kami sa isang burol at sa paanan nito ang Dryvillage. Mula sa taas ng burol nakikita ko ang Dryvillage. Madilim na pero sa tulong ng mga torch, na nakapalibot sa bakod, nakikita namin ang Dryvillage.

    Pabilog ang bakod ng Dryvillage. Ang bakod ay halong mga kahoy at yero. Sa taas ng bakod ay ang may mga bantay. Sa gitna ng bakod, nakasarado na ang higanteng gate na pinapasukan.

    Di ko gaanong makita ang loob ng Dryvillage pero may mga naaaninag ako. May isang malaking gusali sa gitna at may mga maliliit na bahay sa gilid nito. Sabi ni Aether sa third floor daw ikinukulong ang mga nahuhuli kaya doon kami pupunta.

   Ayon sa impormasyon ni Aether, ang mga bantay ay tatlo lang. Nagpapalit sila kada isang oras. Ang gate naman ay bumubukas lang tuwing umaga para sa pangangalakal. Tutunog ang alarm kapag may pag-atake ng zombies o sunog. Total lockdown naman kapag may nakapasok na infected. Isang linggong di bubuksan ang gate o ang mga pintuan ng mga bahay at ni isa ay walang lalabas.

   Naantala na ang pag-alala ko sa mga impormasyon dahil nagsalita na si Aether.

   "Dito na kayo!" Saad niya.

    Nagpabilog kami at nanahimik. Si Aether lang ang aming pinapasalita. He'll just remind us about the plan.

    "Handa na ba ang team 1?" Tanong niya. "Ang team 1 ay ako, kuya Alex, Kaye, Merry, at Fatso. Tayo ang papasok sa ilalim ng bakod at babawiin si Ate Eli."

Nagsitanguan lang kami na para bang tamad ng gamitim ang mga bibig.

   "Handa na din ba ang team 2?" Tanong niya. "Ang team 2 ay sina Nic, Jacob, Bam,Jero, at Kiez. Kayo ang kukuha ng atensyon ng mga bantay. Pinag-usapan na natin ito kaya alam niyo na ang gagawin."

   " Kung magkaaberya, gagawin natin ang plan B." Saad niya.

    Bago magpatuloy, kumuha na ng mga baril ang grupo ni Fatso. Malalaki at mahahaba ng mga baril nila. Sina Kaye at Merry ay may mga hawak na M-14 at ako ay desert eagle lang. Medyo nakakahiya dahil maliit.

Naghiwalay na ang team 1 at team 2.

   Bahagya kaming nakayuko at dahan-dahang naglalakad palapit sa bakod. Nadamo ang paligid at subrang dilim. Sinusunda ko nalang ang mga yabag ng mga nasaunahan ko. Ako kasi ang nasa hulihan.

   Limitado lang ang nakikita ng mga bantay at ito ang isang malaking kalamangan para sa amin. Madilim at mahina ang ilaw ng mga torch. All is according to the plan.

   Naglakad kami mula burol hanggang bakod. Kala di na matatapos dahil parang habang buhay na ang aming paglalakad. It's takes forever.

   Dinala kami ni Aether sa subrang dilim na lugar. Malapit lang ito sa bakod. Sa mga damuhan ay nagpapadyak siya na parang nagdadabog. Kailangan kasi naming mahanap ang kanal na tinatawag na secret passage.

Love Apocalypse - Bite OneOnde histórias criam vida. Descubra agora