Chapter 10- Sharper than Sword

12 4 0
                                    

Chapter 10- Sharper than Sword

   Aether's POV

   May mga bagay tayong ating gustong balikan. May mga tao din tayong ating namimiss. Naaalala nalang natin ang mga masasayang moments na kasama sila. Inisip natin na sana mas nilubos pa natin ang oras na kasama natin sila. Ganon kasi pagmahal, di agad kayang e-let go. Kaso ang oras ay di na maiibalik. Kahit anong gawin natin, ang nakalipas ay di na babalik. Kaya, wag na nating sayangin ang oras na kasama ang ating mahal. 

    Minsan may pagpagkakataon na bumabalik ang mga nawala sa atin pero di na katulad ng dati. Mabuti sana kung bagay, pero kung tao ang bumalik baka nag-iba na sila. Wala na ang dating kilala mo at ibang iba na siya. Wala na din ang pagmamahal niya na katulad ng dati.  Maiisip mo nalang na "sana pala naging ganito na ako o ginawa ko na 'to."

   Ang mga tao talaga ay nagbabago.

     Kaming anim ay nakatayo sa harapan ng aming kaibigan. Wala ng buhay si kuya Jerry. Iba ang pakiramdam na makita ang isang taong mamatay. Isa itong horror na kahit kelan ay ayaw mong makita. Mula talampakan hanggang sintido ang takot. Tunay na matibay lang ang hindi matitinag kapag namatayan.

   "Jerry?" Saad ni kuya Alex. Mabilis na nagsiluhuran sina ate Cindy at Dainah. Pinisil ni Dainah ang pulso ni kuya Jerry. Si ate Cindy naman ay agad nag-CPR.

   " Kumapit ka lang," saad ni ate Cindy habang nagsi-CPR. Sana mali akong patay na siya.

    Masakit man aminin pero wala na si kuya Jerry. Bilang kaibigan dapat maging mas matibay kami para kay kuya Jerry.

    Lumuhod din ako at dahan-dahang hinimas ang mulat na mata ni kuya Jerry. Nang tuluyan ng makapikit si kuya Jerry, tumigil na si ate Cindy sa pagsi-CPR.

    " Wala na siya," saad ko. Malumbay lang ang aking boses at ganon din sila. Ang mga mata ni ate Cindy ay namamasa at mapula. Yumuko nalang siya.

     " Jerry, di namin makakalimutan ang iyong katapangan at kabutihan. " Saad ni Dainah. " Salamat sayo."

     "Arrh!" Nagsalita si kuya Jerry pero gasgas na boses. Nagbabago na si kuya Jerry. Ibig sabihin infected ang ahas na tumuklaw sa kaniya.

     Nagsilayuan na kami habang nangingisay si kuya Jerry. Para di na mahirapan pa si kuya Jerry, itinutok na ni kuya Astrid ang baril niya at pinaputok.

    " Bang!"

     Pumikit ako bago binaril si kuya Jerry. Nakita ko nalang na pinatungan ni kuya Alex ng blanket ang bangkay ni kuya Jerry.

    "Sorry sa pagkawala ng kaibigan niyo," sambit ni kuya Alex.

     Ang paligid ay magulo pa dahil sa ginawa ng black zombie at malungkot dahil sa pagkawala ni kuya Jerry. Lahat ay nakaupo lang sa gilid at di nagsasalita. Ito ang aming pagluluksa sa pagkawala ni kuya Jerry.

      Para sa akin naging mabuting kuya siya. Walang reklamo niyang dinadala ang aming mga bags at binantayan kami. Salamat kuya Jerry.

      Ang bilis lang ng buhay niya. Kung di sana siya sumama di sana siya mawawalan ng buhay. Kaso nangyari na at hulina. Sana umalis na kami dito para makabalik na.

      " Kailangan niyo ng umalis sa Winterland City." Biglang nasalita si ate Eli kaya nabasag ang katahimikan. Sumaya ang aking tenga ng marinig ko ang sinabi ni ate Eli. Gusto ko ng umalis. Gusto ko ng makauwi.

     " Nan dito na sila at malapit na," pagpapatuloy niya. Ayaw kong mamatay. Marami pa akong pangarap.

       Tumayo siya  at pumunta sa pintuan. Tumayo naman si kuya Alex para pigilan siya.

Love Apocalypse - Bite OneWhere stories live. Discover now