Chapter 11- Rescue Mission p1

20 3 0
                                    

Chapter 11- Rescue Mission p1

   Alexander Rodrigo's POV

   Tatanggapin ko kahit ano pa siya. Oo, nagsinungaling siya. Pero, lahat naman ay nagkakamali. Wala naman perfect. Bakit ko ba siya kinakampihan kahit mali siya? Kasi mahal ko siya. Para sa akin pwede pa niyang baguhin ang mga mali niya. May pagkakataon pa para magbago ang isang tao.
 
    Sa taong mahal mo, mahaba ang pasyensiya mo. Katulad ng isang magulang sa kaniyang anak. Hindi lang isang beses nagkamali ang anak pero pinapatawad pa rin ng magulang. Ganon kasi ang totoong pagmamahal.

   " Kailangan nating mabawi si Eli," saad ko.

   Di na ako katulad ng dati na hahayaan mawala ang aking mahal. Di ko na hahayaan mangyari ang nakaraan. Gagawin ko na ang lahat para kay Eli.

  Tumayo si Aether at pumunit ng isang tela sa kaniyang damit.

   " Ang sugat mo," saad niya. Mabuti nalang sa braso lang ang tama ko. Itinali ni Aether ang tela sa aking sugat para mapigilan ang pagdurugo.

   "Medyo masakit 'to," babala niya. Hinigpitan niya ang tali at kumirot ang aking braso. Ang sinabi niyang medyo ay subrang sakit sa katotohanan.

   "Ahh!" Daing ko.

    Ang sugat ko ay hindi naman ganon kalala. Kakayanin ko ito para kay Eli.

  Pero napapatanong ako. Bakit kaya niya ako kinampihan? Mabuti pang itanong ko sa kaniya.

   Tumayo ako at umupo muna sa couch. Ganon din naman ang ginawa niya.

    " Bakit mo ako tinutulungan?" Tanong ko. Di siya agad sumagot at huminga ng malalim. He slowly exhales then answer my question.

   " Tinutulungan ko ang lahat. Hindi lang ikaw. Gusto ko lang ng kapayapaan. Hindi pa ba sapat ang zombie apocalypse na 'to at gusto niyo pa ng kaguluhan?" Tanong niya.

   Para na siyang adult magsalita. Pero ang salita lang ay walang mahahantungan. Kailangan may gawin kami para mangyari ang gusto namin.

   " Ang sinasabi mong kapayapaan ay isa nalang panaginip. Hangga"t hindi naiibalik sa akin si Eli, patuloy pa rin ang kaguluhang ito," saad ko.

   " Kung makuha mo ulit si Eli, magkakaroon ba ng kapayapaan?" Tanong niya. Di ako sigurado kung magiging payapa dahil hindi ko naman alam ang kinabukasan.

   " Hindi ko alam," maiksi kong sagot.

    " Okay ganito. Tutulungan kita mabawi si ate Eli pero ipangako mo na tama ka at hindi masama si ate Eli," saad niya. Hindi naman talaga masama si Eli.

   From the beginning, I thought that Eli is just an ordinary woman but after I heard that she is the daughter of the Judas Family, I feel pity for her. Sigurado akong naging mahirap ang buhay niya sa kaniyang pamilya. Ngayon ko lang nalaman ang dahilan kung bakit gusto niyang makaalis agad. Ayaw niyang naipit ako sa gulo ng kaniyang pamilya.

  Kala ko talaga ayaw niya sa akin. Gusto niya lang pala akong protektahan. Ako naman ay pilit na ikinukulong siya sa apat na sulot ng bahay na 'to. Hindi ko siya pinakinggan o tinanong man lang. Bakit ang tanga ko?

   " Mangako ka kuya Alex na makikipagbati ka kina ate Cindy, Dainah, at kuya Astrid. Kakalimutan mo na sinaktan nila si ate Eli at binaril ka ni kuya Astrid." Saad niya.

   Aether di ganon kadali kalimutan ang mga bagay-bagay. Ang nasirang tiwala at parang katulad ng pinunit-punit na papel na imposible ng maibalik.

   " Mahirap ang sinasabi mo," saad ko.

Love Apocalypse - Bite OneTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang