Chapter 27: We are Proud of you...

73 5 0
                                    

"Ma saan kayo pupunta."

"Ah anak pupunta kami ng tita mo sa isang bahay ampunan."

Bahay ampunan hindi pa ako na kakapunta doon ah.

"Ma, pede sumama."

"Kaya mo ba. Baka makulitan ka sa mga bata."

"Ma okay lang noh. Nakaya ko nga ang kakulitan ni Wacky eh."

"Hay....bahala ka."

Umakyat na ako sa taas para magbihis ng damit. Nagsuot lang ako ng simpleng shirt and jeans.

Pagkababa ko nakita ko si tita.

"Iha sasama ka samin."

"Ay oo sasama si Ella" saad naman ni mama kay tita Lea.

"Gusto ko po kasing tumulong sa mga bata sa Ampunan."

"Aww... napakabuti mong anak."

"Thank you po tita."
Lumabas na kami sa bahay bale ako ang ginawa nilang driver.

Mahigit isang oras din ang byahe namin ang tagal nga eh.

"Iha alam mo ba si Takumi sa isang linggo na ang alis pa puntang Japan."

Sinong Takumi ba ang sinasabi ni tita.
"Tita sino po yun?"

"Hindi mo na maalala? Yung anak namin ng tito mo...ito tagala makakalimutin ka na."

"Ah ganon po ba. Bakit po sya pumunta doon."

"Doon na kasi sya magaaral. Hindi na nga nya aabutan ang graduation nyo sa March."

"Ah anong course po ang kinuha nya."

"Medicine yun kinuha nya."

"A ganon po ba..." akala ko Engineering ang gusto ng anak nya.

Hay paki ko ba hindi ko naman buhay yun and hindi ko naman sya kakilala kaya wala talaga akong paki hindi naman aki apektado kaya okay lang.

Nakarating na kami sa bahay Ampunan na tinutulungan ni mama at ni tita ang daming bata doon.

May lumapit sakin isang batang lalaki

"Ate lika laro tayo..."

"Sige ba..."

Pinaupo ko naman sya sa swing.

"Ate kaibigan kaba ni Kuya Takumi..."

"Hindi kami magkakilala ng anak ni Tita. Pero na bangit na nya ang tungkol sa anak nya."

"Ahh ganon po ba...ano pala ate pangalan nyo?"

"Ako si Ate Ella. Ikaw?"

"Ako po si...Aris.."

"Ah..Aris...ilang taon kana?"

"3 po.."

"Ang bata mo pa pala akala ko 5 kana..."

Naglaro kami ni Aris kasama yung iba pang bata. Nakakawala pala talaga ng stress ang mga bata dahil sa kulit nila.

"Naenjoy mo ba dito iha.."

"Opo naman tita nakakatuwa nga po sila eh."

"Nagpapasalamat talaga kami sa parents ni Aris dahil sakanila nagkaroon ng tirahan ang mga batang yan."

My Mission Before I Leave (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon