Chapter 23: Before part two & Practice

63 10 0
                                    


Masaya talaga kapag maraming kaibigan. Pero nagbago ang lahat dahil sa isang pangyayari.

"Nelle may galit ka ba sakin? Bakit mo ako niloko?"

"Sorry Nica nag mahal lang naman ako eh. Hindi ko naman sinasadya."

"Ahas ka din pala pagnakatalikod ako. Kaibangan kita pero grabe di ko akalain na magagawa mo to sakin."

"Grabe ka naman Nica. Alam mo bat sya naghanap kasi wala kang time sakanya."

"Ang sabihin mo solutera ka lang noh."

Pagkatapos ng pangyayaring iyon wala hindi ko na muling nakita ang mga ngiting palagi kong nakikita sakanila.

Hindi na kami madalas magbonding. Nagkahiwalay hiwalay na kaming section. Yung iba minsan ko na lang makita. Wala para silang bula na nawala na lang.

May sarisarili na kaming mundong ginagalawan.

End of flashback.

Pero okay na ngayong. :) Kalimutan na natin ang nakaraan.

Natapos ko na ding yung kantang ginawa ko noong isang gabi. Sabi nga ni Nics ang ikli naman daw ng ginawa ko.

Pero sabi okay na yan. Magpapractice nga kami ngayon eh. Nauna na yung iba saming umuwi.

"Uy Nics nasan na ba yung dalawa yun ah."

"Hay nako nasa library lang naman yun eh."

"Napansin ko din yang dalawa madalas pumuntang library. Ano bang meron doon?"

"Hindi mo alam. Hay... si Jane may pinapadalahang loveletter"

"talaga kaya pala minsan busy sa pagsusulat yun. Nagpapatulong sya kay Smile kasi sya naman ang magaling gumawa ng letter lalo na kapag English"

"Sinabi mo pa..."

Nagsimula na kaming magpractice ni Nics. Kung hihintayin namin yung abay wala mamumuti lamang ang mata namin.

"Ella alam mo ba..."

"Hindi ko pa alam eh..."

"Hehehehe nakakatawa noh. Ito na nga kasi may chicka ako"

"Oh ano ba yun?"

"Sino nga yung nerd na katabi ni Josh. Kilala mo ba?"

Hindi kaya pinagiinteresan din ni Nics si Ceth o kaya naman nahalata na nya na si Ceth yung lalaki sa Mall.

"Bakit?"

"Ngayon ko lang talaga na pansin na kamukha nya yung lalaki sa Mall."

"Ah okay...tapos..."

"Pero kung sya yun bakit nerd ang peg nya. Diba gwapo naman sya."

Sasabihin ko ba sakanya na yung lalaking nakita namin sa mall at ang nerd na katabi ni Josh ngayon ay iisa lang?.

"Ano nga kilala mo. Baka sya talaga yun."

"Oo kilala ko sya si Matthew Ceth Park ang fullname nya. Pero hindi ko alam kung sya ba talaga yun."

Wag ko na lang sabihin. Hayaan ko na lang sya na, sya mismo ang makaalam. Hay ang labo ko naman, bahala na sila buhay naman nila yan eh.

"Oo pano mo nalaman. Atsaka sabi mo sakin sya yun nung nasa mall tayo tapos ngayon hindi mo na alam."

"Tinanong malamang... hehehe hula ko lang naman yun eh magkahawid kasi sila hehehehe"

My Mission Before I Leave (Completed)Where stories live. Discover now