Chapter 17: The Garden ( part 1)

84 25 2
                                    

Saktong pagdating namin sa room ay dumating din si Mam. Mae buti nga kasi naunahan namin sya kung hindi baka pinatakbi na naman kami nun sa boung campus.

Naalala ko nga dati ang ingay kasi namin ni Nica. Kaya pinatakbo samin yung boung Campus eh ang laki kaya nito pero no choice naman kami anh ginawa na lang namin ay nagshortcut na lang kami.

Ang boring nga ng lesson eh. Ano kaya ang pedeng gawin....

Ah alam ko na....

Kinuha ko yung notebook sa bag ko tapos nagdrawing ako.Iginuhit ko yung Secrect Garden. Siguro nagtataka kayo kung pano namin na laman na may ganon pala sa school namin. Ganito kasi yun.....

Flashback.....

Sabi daw nila sa may likod daw ng School namin may nagpapakita daw na multo. Sabi nga ni Smile noong isang araw daw naglalakad daw sya sa corridor ng school sa may bandang likod ng school sabi pa nya pakiramdam nya may mga nakatingin sakanya. Kaya daw tumakbo sya ng mabilis. Sa likod ng school ang wall doon ay nababalutan ng mga baging puro dahon lang.
Kaya noong dumating sya sa room aba ang babae pinagpapawisan ng malamig.

Maliban doon yun na nga marami pang nangyari na mga kababalaghan.
Pero nagago ang lahat kasi noong first year pa lang kami nagtataguan pa din kami alam nyo na bata pa isip namin eh. Naging taya ako noon naiinis nga ako eh ang laki ng school pero di ko sila mahanap.

Hanggan sa mapadpad ako sa likod ng school. Natakot nga ako eh ang tangkad ng pader tapos nababalutan ng mga baging na may dahon. May narinig akong kaloskos sa di kalayuan. Kaya tumakbo ako na pasandig ako sa pader tapos.....

"Ahhh!!!!" Sigaw ko pero napatigil din ako kasi natumba lang naman ako eh.

Nasan kaya ako. Parang garden na napabaayan na sa paglipas ng panahon.

Ano ba yan ano to parang Mary and the Secrect Garden ang dating ko. Napansin ko na sira pala yung lock ng pinto kaya nung sumandig ako abay yun na tulak ko tuloy.
Maganda sana ang Garden pero tuyo na ang mga dahon ng mga flowers. Tapos may fountain pa sana pero sira na ata yun eh tapos ang dami pang lumot.

Lumabas na kaya ako baka ako na lang ang hinahanap nila.

"Ella!!!"

Sandali may tumawag ba sakin.

"Uy Ella tulunga mo kami!!"

Napatingin ako doon sa may mga bato. OMG may magic ba ang garden nato yung bato nagsasalita na.

"May magic ka ba ginoong bato???" Tanong ko dun sa bato

"Baliw Ella si Nelle at Hazel to tanggaling mo nga tong bato..."

"Ano!! Pano kayo nakarating dayan."

"Try mong tanggaling itong bato Ella."

Tinanggal ko namn yung malaking bato ang hirap nga eh.

"Pano kayo nakarating dyan."

"Ahhh yun ba... actually nagtago kami ni Nelle sa mga bato dun malapit sa Canteen. Tapos di kasi kami magkasya kaya inisug namin yung bato and may parang butas doon sa ilalamin at ito pumasok kami tapos gumapang nang gumapang kami and then tada nakarating kami dito medyo mabigat yung nakapatong na bato kaya nahirapan kaming buksan tapos narinig ka naming nagsalita. Kaya tinawag ka namin."

"Buti na lang at nakita ko kayo...ako naman napasandig ako sa pader kanina para kasing may narinig akong paparating kaya yun napadpad ako dito."

Nilubot namin ang paningin sa paligid. Tapos may narinig kaming tunog na parang naglalakad nang gagaling ang tunog sa fountain.

"Hala sino yan...."

Tumalikod na kami kasi naisip ko na baka monster yun. Nagready na rin kami kung sakaling tatakbo kami.

"Hazel, Ella , Nelle anong ginagawa nyo dito."

"Hoy!! Jane dalian mo ano nakita mo.." rining namin na sabi ni Nics sa baba...

"Tumaas na kayo sina Ella, Hazel at Nelle andito din."

Naring namin na yapak ni Nics at kasama si Smile.
So may shortcut din pala sa may fountain.

"Pano kayo nakarating dito."

"Ganito kasi yun diba naghahanap kami ng taguan sabi ni Jane may alam daw sya. Tapos yung sinasabi nya pala ay doon sa loob ng GreenHouse. Diba bawal doon kaya sabi nya mahihirapan ka daw sa paghahanap samin. Then parang narinig namin yung pinto binubuksanan. nataranta kami baka mahuli kami sakakamadali namin naisug namin yun g istatuwa yung malaki dun nagulat nga kami eh magaan pala yun. Tapos nakita namin yung maliit na pintuan sa baba nun tapos binukasan namin tapos pumasok kami then sinara uli namin ying pinto. At eto kami nilakad nami hanggan sa makita namin yung ilaw galing sa labas nito at eto na kami."

"Grabe naman mas malala pala sainyo."

"Sina Kylie at Nica nasan "

"Oo nga no... lahat tayo napunta rito sila kaya dito din mapapadpad."

"Baka hindi."

Naglakad lakad na muna kami hanggan sa na padpad naman kami sa isang ilog. Nalinis yung ilog. May mga isad din.

"Wooooww!!!" Sabay sabay naming sabi.

"Ang ganda no! " saad ni Smile.

Ang ganda talaga sana andito sina Kylie at Nica para nakita nila to.

"Uy!!"

"Kylie!! Nica.... niyakap namin sila"

"Napadpad din pala kayo dito?" tanong ni Kylie.

"Oo kayo pano ka nakarating dito."

"Sa manhole ayun oh." Sabay turo doon sa puno.

"Sa manhole na pano ka at nakturo ka sa Manhole." Saad ni Nelle.

"Sa manhole kami ng school dumaan yung nagiisang manhole dun sa gilid ng pader. Naglakad lang kami nang naglakad tapos may nakita kaming liwanag then yan nakalabas kami sa dyan sa paanan ng puno."

"May sarili din pala kayong Version" natatawang sabi ko..

"Hahahaha!!" Tawa naming lahat.

"Pero kung titingnan nyo parang tadhana na talaga lahat kasi tayo napadpad dito."

"Oo nga noh"

Siguro nga nakatadhana na talaga na matagpuan namin ang garden nato.

"Anong magandang pangalan guys para dito"

"kung Hiden Garden."

"Ang pangit parang hiden object ang dating."

"Lonely Garden. "

"Ano ba yan 2ne1 lang ang peg. Wag na iba na lang."

Habang nagaaway away sila nang ipapangalang sa Garden naisipan kong lumapit sa ilog para tingnan yung fishes.

"Eh kung Friden na lang parang Friend's Eden Garden" biglang saad ni Kylie.

"Ay gusto ko yan..."

"Maganda sya cool nga eh"

"Okay so Nag pangalang ng Garden na to ay Friden Garden"



LEMS NOTE

PATALASTAS!!

Hi guys gusto ko sana sabihin na may bago akong book  MY BESTFRIEND STORY ang title sana mabasa nyo rin complete na din po ito. Sana suportahan nyo rin ang ongoing kong story FALSE HOPE ang title sana mabasa nyo

PART 1 PA LANG TO GUYS KAYA SEE YOU SA NEXT CHAP.

Thank you sa lahat ng nagbasa.

My Mission Before I Leave (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon