Chapter 22: The Stalker!

78 11 2
                                    

Pagkatapos nang class nagpaalam na kami sa isa't isa may iba-iba kaming pupuntahan. Sina Smile at Hazel may cooking lesson. Sina Jane,Kylie at Nica sasamahan si Nelle may lakad din sila hindi ko alam kung saan ang punta. Kami naman ni Nicole ang magkasama.

Sumakay kami sa kotse ko sabi ko kay Wacky sumabay na lang sya sa barkada nya okay lang naman daw sakanya. Sinabihan ko din wag na syang magbulakbol baka kasi kung saan saan pa magpunta yun.

Pagdating namin ng mall dumaan na muna kami ni Nics sa book store nagtingin-tingin kami doon ng books baka kasi may bago.

"Uy Ell napansin ko lang yang lalaking yan kanina pang sunod ng sunod satin kilala mo ba yan" tiningnan ko naman yung lalaking sinasabi na pamilyar yung mukha nya nakita ko na sya eh.

"Pamilyar ang mukha nya..." saan ko nga ba sya nakita

"Talaga..."

Ay oo naalala ko na sya yung katabi ni Josh kanina sa upuan yung nerd. Pero bat ngayon wala syang eye glass. Gwapo pala sya kung walang eye glass. Kaklase namin sya pero never ko pa syang nakausap.

"uy Ella matutunaw na yung lalaki. Tutulo na din ang laway mo."

Yung lalaki naman ay nagtago doon sa mga phone case. Siguro baka sinusundan talaga nya kami. At anong tutulo ang kapal naman nito sya nga kanina pa pasulyap sulyap doon sa lalaki.

"Hindi ah! Pinagmasdan ko sya kasi parang kilala ko sya sa mukha. Diba kaklase natin yan."

"Huh??. Wala naman tayong ganyan na Classmate na gwapo edi sana kilala ko." May pagkamaladi din talaga to minsan

"Sya kaya yung Nerd na katabi ni Josh ngayon."

"What sigurado ka dyan girl imposible naman yan ang gwapo kaya nun. Eh yung katabi ni Josh nerd na palaging nagbabasa ng book"

"Oo nga eh sure ako titigan mo yung mukha."

"Eh nasan na ba yun."

"Nasa may phone case puntahan mo."

"Sige samahan mo ako.."

Hinila ako ni Nics papunta doon sa may mga phone case.

"HULI KA!!" Biglang sigaw ni Nics dun sa lalaki tapos tiningnan nya to ng maigi.

"Huh???" Medyo gulat nyang saad. Halata naman sa mukha nya eh.

"Wag ka nang magkaila dyan dong. Huli ka na sa akto eh. Kanina ko pa napapansin na sinusundan mo kami eh. Ikaw yung classmate naming nerd diba." Tuloy-tuloy kong saad sakanya. First time to hindi naman ako tuloy tuloy sa pagsasalita.

"Miss nagkakamali ka ata eh." Pagrarason naman ni ewan hindi ko alam ang pangalan.

"Hindi noh sure kami." Aba si Nics makasabi sure talaga parang sure talaga sya noh.

"Ah oo ikaw yun tinanggal mo lang yung eye glass mo" saad ko naman.

"Alam nyo mga miss hindi ko kayo sinusundan sadyang parehas lang ng store ang pinuntahan natin. Ang mga babae talaga ngayon." Saad nya samin sabay walk out.

"Hoy!! Lalaki bumalik ka dito. Grabe ang apog mo!" Sigaw ni Nics pero di na sya pinansin nung lalaki.

"Nics hayaan mo na tara na..."

"Tsk... pagnakita ko ulit yun hmp humanda sya"

Hinila ko na si Nics doon sa bilihan ang gitara. Maraming tao ngayon.

My Mission Before I Leave (Completed)Where stories live. Discover now