Chapter 20: Ikaw pala...-_-

80 11 2
                                    

Pagkatapos naming kumain sa parang park ng Mall. Pumunta kami sa bilihan ng Gitara.

"Ella bibili ka ng bagong gitara?" Tanong ni Jane

"Hindi para kay Wacky to eh. Anong maganda?"

Gusto ko yung talagang magugustuhan ni Wacky.

"Gayahin mo na lang yung design nung gitara mo. Pero ibahin mo na lang yung kulay." Suggestion ni Nica

"Oo nga Ella magandang idea yun." Pagsasangayon din ni Jane.

"Uy punta muna kaming lima doon sa isang bagong bukas na store." Pagpapaalam ni Nelle

"O sige, punta na lang kami doon."

Umalis na sina Nelle, Kylie, Nicole, Smile ,Hazel papunta doon sa kabilang store na madaming damit.

"Hi po kuya magkano po ba ulit kapag nagpagawa ng gitara "

"Ang pinaka mababa 5k yung pinaka mataas umaabot ng 20k to 35k depende sa design."
Pambihira mabubutas ata ang Orig-Orig ko neto!.
Tipid-tipid na muna ako para magkasya yung pera ko.

"A ganon po ba sige po bukas dadalhin ko yung gitara para makita nyo po."

"Sige."

Lumabas na kami ng store na yun.

"Grabe Ella ang mahal naman magpagawa ng gitara."

"Bakit Jane saan ka makakabili ng girata na piso lang ang halaga."

"Okay oo na. Mahal talaga ang gitara. Tara na nga sundan na natin sila."

Pinuntahan namin yung lima. Malaki yung store hahati ito sa Woman's , Men's, Kid's Wear. Nakita naming busy sa pagpili ng damit yun lima.

"Uy mga babae bibili ba kayo at sukat kayo ng sukat."
Suway ni Nica sakanila.

"Oo noh. Bibili kami atsaka bagong bukas sila kaya mura pa yung mga damit."

Tiningnan ko naman yung mga price ng mga damit oo nga mura lang sya. Nagtingin tingin na din ako may nakita akong magandang blue dress kukunin ko na sana kaso naunahan ako.

"Sorry ka na lang Miss naunahan kita" saad ng nitong babaeng pinagulong gulong sa arina ang mukha. Ang kapal kasi ng make up. Kung makapagsalita naman kung sinong maganda. Eh chaka naman sya.

"Ah ganon ba. Hindi naman kasi ako nakikipagunahan eh."sagot ko naman sakanya.

"Hmmp!" mataray syang umiling tapos tumalikod sya sakin. Sa mukha nyang yung sya pa ang galit. Ang kapal talaga ng mukha sana matisod sya.

"Ay!! A aaray" hahaha ang bilis ata ng karma.Hahaha nagkatotoo ang sinabi ko. Hehehehehe

"Ang bilis ng karma miss noh." Tapos tumalikod na ako sakanya.
"Bwisit!!" Rinig kong sabi nya sa may likuran. Pero di ko na lang sya pinatulan. Hay, yung dress gusto ko pa naman yung kulay tapos simple lang yung pagtiningnan mo.

"Ella nakita mo ba yung babae kanina. Pambihira nakakatawa yung mukha may uminis ata dun eh." Tawang tawang sabi sakin ni Smile.

"Oo meron talaga."

"Talaga sino??"

"AKO."

"Hay nako di na ako magtatanong kung bakit alam ko na eh. Ano sinugitan ka tapos ikaw pinatulan mo."

"Hindi ko naman sya pinatulan talaga kaunti lang."

"Tsk. Punta na muna ako doon."

My Mission Before I Leave (Completed)Where stories live. Discover now