Chapter 25

13 3 2
                                    

Treacherous Heart

Chapter 25

Malabo

Trigger warning suicide, read at your own risk.

Tulala lamang ako sa karagatang napakaganda, akala ko magiging maayos ako dito, akala ko mababawasan iyong sakit na dala dala ko sa araw-araw. Pero hindi, dahil sobrang sakit pa rin na para bang binabato saakin ng langit na kasalanan ko ang lahat.

I stayed away from social media sa lahat ng bagay na may konektado sa labas, in this time ayoko munang may makausap, I felt sorry for Kali for doing this to him. Halos araw-araw ang pagtawag niya, ni isa ay wala akong sinagot. Araw-araw ay naging isa isang buwan, tatlo sa isang taon hanggang sa wala na akong natatanggap.

Siguro ay napagod din. Dalawang taon na akong andito kila lola, dalawang taon na akong nagdudusa ni hindi ko man lang magawang makaahon.

Siguro oras naman para magpahinga na ako?

I wore my favorite red dress and red heels partner with a red lipstick. Hinayaan ko lamang ang tangayin ng hangin ang mahabang buhok .

Onti onti kong tinahak ang dagat at dinama ang maalat na tubig habang nakangiti sa maliwanag na sikat ng araw, what a wonderful day to die.

Ipinikit ko ang mata habang patuloy pa rin sa ginagawang paglakad patungo kung saan hindi ko na maaabot pa. Kung saan hindi na kakayanin ng katawan.

"Aice!"

Isa..

"Diosko ang apo ko!Aice!"

Dalawa..

"Aice!"

Tatlo...

Agad kong iminulat ang mga mata saka bahagyang tumawa habang sa langit ay nakatanaw. Great! Da tuwing gusto ko nalang mawala, magbibigay ka nanaman ng pag-asa! Sa tuwing gusto ko ng tapusin ang lahat saka ka magpaparamdam!

May kung sinong humila saakin at hinayaan ko nalang ito dahil wala na akong lakas pa para magprotesta. Niyakap ako ni lola at humagulgol ng iyak sa balikat ko. Walang salita ang namutawi sa sariling labi, naging ganito na ako mula nang mawala si Aria at naiwan akong mag-isa sa kadiliman.

Marahang hinaplos ni lola ang pisngi ko at pinatakan ng mga halik na para bang sinasabi saakin na maaayos din ang lahat.

"Addie please do call her psychiatrist. A-ayokong may mangyari pa sakanyang di maganda."

Binalutan naman ako ng makapal na twalya ni Pamela ang nurse ng lola, saka naman dumating sila tito na humahangos patungo sa lugar ko saka niyakap ako ng napakahigpit.

"No Aice. You're not going anywhere dito ka lang saamin. Naiintindihan mo? Hindi ka iisa sa laban na ito." Hearing those words made my hesrt flutter.

"Aice. May pag-asa pa we will guide you. Mangako kang hindi mo na iyon uulitin pa. Tatlong beses mo na tong ginawa but please this will be the last."

I look at Marc saka hinila ako at pinatakan ng halik sa noo. Ngumiti lamang ako saka tumango. Kahit gusto kong magpasalamat ay wala akong magawa.

Pinagpatuloy ko na rin ang session ko at bawat araw na nagdaan ay mas naging maayos pa ako. Addie was there sila ni Marc ang naging tagabantay ko. Kasama sa lahat ng lakad kahit sa pag-inom ng gamot ay bantay sarado ako.

It was my parents anniversary at balak ko sanang dumalaw, pinayagan naman ako ni lola at kasama ko naman ang pinsan.

"Are you ready?" Tumango lamang ako saka pinahurorot ang sasakyan. This will be the first time na makakaluwas ako mula nung pumunta ako sa probinsya.

Treacherous Heart (Girls Series #1)Where stories live. Discover now