Chapter 16

16 14 1
                                    

Treacherous Heart

Chapter 16

Voiceless

Nagising ako isang araw na mahapdi ang mga mata, malungkot ang ngiti at walang kabuhay-buhay. I keep asking myself, why I'm still breathing. Pero sa tuwing nakikita ko ang taong gusto kong mahalin, nawawala na ang lahat. Sa tuwing nariyan na sya, napapakalma nito ang alon saaking isipan.

“Good morning, Aice. Anong gusto mong breakfast?"

Sa tuwing tinatanong nya ako sa mga simpleng bagay na ayaw ko o gusto ko, sa pagtawag niya sa pangalan, all I can feel was a home that's calling me.

“Ahm, gusto ko ng fried egg na may cheese"

Sagot ko sakanya isang araw pagkatapos ako nitong tanungin. I love how gentle he is, how he comforts me even though hindi niya alam anong nangyayari sa isip ko.

He's that kind of man that will listen kahit pakiramdam ko'y walang kwenta naman ang mga sinasabi ko. How he caresses my hair at kung paano niya hinahaplos ang mga natamo kong peklat sa pulso. Kung paano ako humingi ng tawad sakanya, but what the best is that when told me, some days were rough and tough but I know he will always be there.

“Favorite mo?"

“Oo, yun ang palaging pinapaluto ko kay mama. "

“Sige, ipagluluto kita" Pagkasabi niya iyon ay kumindat pa ito at nagbungingis pa nga.
Nagpaalam ako rito upang bumili ng pandesal.

“Pandesal naman ah, tingin ka lang sakain habang kumakain" I burst out laughing at what he just said.

“Smile suits on you and when you were laughing, damn it's like a sweet melody"

“Siraulo, kelan pa naging sweet si Melody? Marinig ka nun sige ka, mapapatawag ng santo ng wala sa oras"

“Minsan na nga lang bumanat palpak pa"

Hindi ko mapigilang tumawa sakanya saka umalis ng bahay. I was all smiles when I got out . Pakiramdam ko'y onti-onti ng nababawi ang ilang linggo kong paghihirap mula sa sariling isip. It's like capturing light in the midst of darkness.

Nung palapit na ako sa maliit na bakery parang kusang naglaho ang mga ngiti. Na kaninang may kislap saakin ay nawala na lamang.

“Hoy mars, sino yung babaeng kinakasama ni Kali?"

“Mag-aasawa na ba yung batang yun?" Ay napakabata pa ah! Pano yung kapatid?"

“Dapat nag-isip naman yung babae, bago nakisama kay Kali"

“Mga kabataan nga naman ngayon"

“Hindi naman kagandahan yung babae noh? Maputi lang"

“Hindi raw maganda ang ugali?"

I tried not to show any sign of disappointment, I keep my head up. Keaga aga naman tong mga Marites na to, mga wala pa namang ligo.

I breathed out before clearing my throat.

“Pabili po ng pandesal, bente po" Pagkakuha ko'y pinasadahan ko ang mga taong may kung ano-anong pinagsasabi. Saka umalis, how funny kanina lang masaya ako tapos isang iglap ganon na lamang ang mangayyari.

Pagkauwi ay pinilit kong ngumiti sa harap niya, and he just shrug my tears off.

“What happened?" There's a hint of anger in his voice, Agad akong umiling at ngumiti.

“Kumusta yung niluto? Masarap ba ?"

Ako na mismo ang umiwas sakanya at dinala ang binili sa mesa at tinikman ang niluto nito.

“Wow! Kahit kelan talaga napakasarap mong magluto! You're going to be a great husband" Muli itong lumapit saakin, ngayong magkatabi kaming dalawa ay bigla nalang akong lumiit, ganon naman lagi sa tuwing nasa tabi ko na sya.

“Pano kita matulungan umahon, kung hindi ko malaman ang takbo ng isip mo. Aice, can you let me in? Gustong gusto kitang alisin at iahon pero pano gagawin yun? You're not voicing out what you feel, what's going on inside your head. Hmm, tell me?"

Para akong sinaksak sa mga sinabi nito, the time I look at his eyes, puno ito ng pagsamo at pagmamakaawa.

“I respect your space and decision, pero ang makitang ganyan kalungkot, hindi ko na alam ang gagawin Aice. Nung panahon na makita ang mga sugat mo, hindi ko alam pano mo nagawa yun. You don't know how much I treasure you and cared for you"

Walang salitang namutawi sa bibig ko, I just let him say the words he wants me to hear. Wala akong magawa kundi ang lumuha sa harap niya, I hope he knows that its hard for me too, to reach out, and tell him what I felt. Kasi sa tuwing nanaisin ko, bumabalik saakin na, hindi lang ako ang may problema, hindi lang ako ang dapat niyang intindihin.

All I can do was to reach for his face and smile, pull him close to me give hime a peck of kiss. Saka nahiyang bumitaw .

“Ano ka ba naman Aice, wala namang ganyanan. Pinapagalitan kita tapos bigla ka manghahalik" Tumalikod na ako sakanya gawa ng kahihiyan. I was about to walk out when he pulled me closer to him. My heart starts to get wild that any minute now, parang lalabas na sa cage nito.

“Aice, bitin isa pa" Walang ano anong hinampas ko to at nakipagtawanan sakanya, na para bang walang nangayri.

Balik sa dati, dating kulitan, dating asaran at landian.

How I hope he would understand that, when it comes to destructive thought, I got voiceless sometimes. May mga pagkakataon talaga na kahit gaano natin ka-close ang isang tao, may mga bagay pa rin na hindi natin masabi. Sabi nila, there are things that are better to be left unsaid.

Dahil aaminin ko, takot ako sa bagay na maaari nilang sabihin saakin. Pero naiiba naman si Kali, diba?

“Thank you" I said between our hugs.

“And I love you. I swear that's true" I was staring at him blankly. Para akong nabingi sa mga binitawang salita nito. My heart was enjoying its party, masaya sya sa mga narinig nito and my brain wouldn't let me cooperate.

“Ha?" Iyon ang mga salitang nabitawan ko na ikatawa lamang niya saka bumitaw sa pagkakayakap, naupo at nagsimulang kumain.

I opened my mouth but no words came out.

“Kumain ka na at hindi ko babawiin ang mga sinabi ko kanina at hindi ko na rin uulitin. Nakakatakot ang katahimikan mo oy"

Treacherous Heart (Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon