Chapter 17

17 13 2
                                    

Treacherous Heart

Chapter 17

Mundo

Ilang linggo na lamang ang bibilangin at balik eskwela na, tama nga sila, sa tuwing masaya ka napakabilis ng takbo ng oras at tuwing nalulungkot ka nama'y napakabagal nito.

Tiningnan ko ang sarili mula sa salamin at kita ko mula roon ang malaking ikanapayat ko. I smiled awkwardly at sinabi sa sariling ayos lang, mababalik pa naman.

“You're still the beautiful woman I've met last year, walang kakupas kupas" Halos hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya kung hindi pa ito nagsalita .

“Ang pangit ko na kaya, para akong naglalakad na stick. Isang ihip lang ng hangin, wala na matatangay na ako" Napakaseryoso nitong nakatitig saakin, ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko sa kung paano sya tumingin.

“As if I let the wind take you, dito ka lang Aice. I'm sorry to tell you but, you stuck with me" Hindi ko alam anong gagawin, pakiramdam ko'y sasabog ang puso ko dahil sa mga binitiwan nitong mga salita.

“ Tameme ka? Kinikilig ka na ? " Tumatawa itong lumabas ng kwarto kaya sinundan ko naman ito, parang tanga e. Lagi niya na lang nagagawang patahimikin ko using his sweet words.

“Kali! Uhm gusto mo dalhan kita maya ng lunch sa work mo?"

“Ohhh? Sure! Sabay tayong mag-lunch, hihintayin kita. Text me when you get there" Humakbang ito palapit saakin at ikinulong ako sa bisig niya. Nangangamoy tahanan.

“Off you go now, take care Kal. Have a nice day at work" Kaway ko rito ng paalis na ito, tumigil naman itong muli ng marating ang gate. Parang batang nabungingis.

“What?!" Sigaw ko rito dahil hindi pa rin sya umaalis. Malelate na sya.

“Damn Aice! Can I just stay here? Pwede naman akong mag off, sabihin mo lang" Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang tumatawa sakanya, para syang batang ayaw pumasok sa eskwela at nakikiusap sa nanay na umabsent nalang para manuod ng paborito nitong palabas.

“Ang ganda!" Tumalikod at habang kumakaway ang kanang kamay nito sa ere.

I was smiling the whole time kahit gumagawa ako ng gawaing bahay ay hindi man lang ako nakaramdam ng pagod. Kahit si Karina ay tinatawanan lang ako dahil kahit sa pagluluto ay nagagawa kong sumayaw.

“Gosh ate, parang kelan lang ang lungkot mo but now look at you! Iba talaga ang nagagawa ng love noh?" Biro pa nito habang nagrerepack ng pagkain na dadalhin ko sa kuya nito, tumawa lang ako sa sinabi niya.

“Salamat te ha" Napaangat naman ang isang kilay ko sa narinig.

“Matagal rin bago ko ulit nakitang ganon kasaya ang kuya. Salamat dumating ka dahil kung hindi, naku ay ewan"

Nagkwentuhan pa kami ni Karina bago naisapang maligo at mag-ayos. I just wore my favorite jeans for the favorite person, then chooses my pink shirt and a pair of sneakers. I let Karina do my hair at pagkatapos ay agad na rin akong umalis, malapit na rin ang lunch time nila.

Me:
Kali, I'm on my way na :> How's your work?

Hindi ko na rin hinintay ang reply nito dahil alam ko namang busy pa iyon sa ngayon. Sumakay lamang ako ng tricycle patungo sa pinagtatrabahuan nitong maliit na kompanya. Natanggap ito dahil magaling naman sya sa gawaing computer at ayos na din yun dahil highschool graduate naman sya.

Sinalubong naman ako ng isang security guard at agad na tinanong anong sadya ko.

“Ah manong, si Kali po ang kailangan ko"

Treacherous Heart (Girls Series #1)Where stories live. Discover now