𝗘𝗣𝗜𝗟𝗢𝗚𝗨𝗘 (1)

3.7K 55 2
                                    

Ilang linggo ang lumipas simula numg nangyari saming dalawa ni Jackson ang bagay na yun. Sa loob ng isang linggong yun ay miminsan ko nalang syang makitang nakatambay dito sa bahay...

Ganun parin naman ang naging takbo ng buhay ko. May konti lang na nagbago, akala ko, magiging masaya ako kapag nakasama ko na ang totoong papa ko. Oo at inaamin ko naman na naging masaya ako kaya lang ay palagi ko nalang nakikitang nag aaway si Tita Sherlyn at si mama...

Tinatrato ako ng masama ni tita... Naalala ko nung nakaraang araw na aksidente kong maihulog ang cellphone nya nung matabig ko ito. Pinagalitan nya ako ng sobra... Minsan rin, sya ang gumagawa ng paraan para mautos utusan nya ako at pinagbabantaang sasaktan nya si mama kapag hindi ko sinunod...

Minsan, sinusunod ko nalang ang mga ipinag uutos nya, hindi naman mabibigat at hindi naman malaking big deal yun sakin kaya naman ay hinahayaan ko nalang sya... Pinagalitan nya rin ako nang minsang makalimutan kong madiligan ang paborito nyang halaman... Sa totoo lang, hindi naman ako galit kay tita eh. Naiinitindihan ko naman lahat ng pinagdadaanan nya. Hindi ko man naranasanan pero alam ko kung ano ang pakiramdam nang may kahati sa asawa mo

Sa totoo lang, wala namang naging relasyon sina mama at daddy... Ramdam ko din na umiiwas si mama... Narinig ko rin sila minsan nang mag usap sila... Hiningi ni papa na magkabalikan sila pero tumanggi si mama... May asawa si daddy at magiging kabet sya kapag ginawa nya yun

Maayos naman ang naging buhay ko pero parang malungkot lang ako kase hindi ko man lang makikita si Jackson sa bahay... Minsan lang syang magawi dito... Sa tuwing maaalala ko yung nangyari samin ay mapapangiti ako... Ewan ko lang, feeling ko parang ako na ata ang pinakamasayang babae sa buong mundo...

Kausap ko ngayon si Ara... Kinamusta nya ako at alam nya na din ang nangyari

"Hala totoo?! Daddy mo si sir Gregor? P*nyawa! Kaya pala magkamukha kayo" Napataas ang kilay ko...

"Ah never mind! Nga pala... Ang sad naman ng love story nyo ni Jackson Jean.... Biruin mo, magkapatid kayo... Sayang naman! Kamusta na pala si tita?" Tanong nya sakin. Napahinga ako ng malalim bago magsalita...

"Okay lang naman kami... Okay lang naman sya... Ganun parin ang buhay namin"

"Eh? Anong ganun parin? Eh mayaman ka na nga eh... Ang sabihin mo nagbago na ang buhay nyo" Sabi pa nya... Napahawak ako sa sariling ulo

"Oo nga, yung buhay ko lang yung nagbago sakin pero hindi ang totoong ako... Ara, may sasabihin ako sayo... Pwede bang secret nalang nating dalawa toh? Wag mong sasabihin maski kay tita huh?" Paniniguro ko sakanya

"Ano ba yun? Sabihin mo... Gusto mo pa yung si Jackson ano? Naku! Kalimutan mo na yang nararamdaman mo sakanya, alalahanin mo... Kuya mo sya... Kapatid mo" Saad nya... Napahinga naman ako ng malalim bago magsalita

"May nangyari samin..." Diretsahan kong saad. Sandali syang natahimik. Narinig ko pa ang parang may bumulabog na parang nahuhulog... Kahit di ko sya nakikita ngayon, alam kong nakanganga sya

"T*ng*ina! Seryoso ka?! P*ny*mas ka! Pano pag may nabuo jang gaga ka?! Naku! Lagot ka kay tita!" Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi nya... Totoo at nangangamba ako sa mga posibleng mangyari... Panu nfa kung may mabuo? Napahinga ako ulit ng malalim bago nagsalita

"Pero Ara... Hindi ko naman sinasadya eh... Nadala lang din ako... Sya naman din kase yung nauna" Saad ko...

"Kahit na Jean! Sana man lang inisip mo muna yung mga posibilidad dyan samga ginagawa mo... Nag isip ka sana Jean bakit ba palagi kang padalos dalos ng desisyon? Jusko! Wag mong mamasamain ah? Ang t*nga mo lang sa part na nagpaubaya ka! Remember magkapatid kayo! Sana inisip mo kuya mo yun eh!" Unti unting nagsibagsakan ang mga luha sa mga mata ko. Parang sinampal ako ng paulit ulit ng reyalidad na hindi nga magiging kami hanggang sa huli ni Jackson... Bakit ba kase naging kuya ko pa sya?

"A-ara anong gagawin ko?" Nanginginig kong tanong at pinahiran din ang luhang kumawala sa mga mata ko... Rinig ko sa kabilang linya ang paghinga nya ng malalim...

"Mag usap kayo ni Jackson... Kailangan ding malaman to ni tita... Ng mama mo at ni lola... Alam mo bang galot na galit sya nung nalaman nyang sumama kayo dyan sa daddy mo? Jusko! Ang laking gulo nito Jean tas dumagdag pa yan" Pakiramdam ko parang mahihilo na ako... Pakiramdam ko parang hindi ko na alam ang gagawin ko...

"H-hindi to pwedeng malaman ni mama Ara... Alam mo namang nagagalit sya..." Ito na nga bang sinasabi ko eh... Kaya ayaw kong magpadalos dalos dahil alam kong manghihinayang at madidismaya lang ako... Alam kong pagsisisihan ko lang yun...

"Kailangan Jean Kailangan! Makinig ka naman sakin oh... Please naman, panu kung mabuntis ka? Sinong mag aalalay sayo? Jean, pag isipan mo please..." Napatango tango ako at nagpasalamat bago nagpaalam at binaba ang tawag


Pinunasan ko ang luhang kumawala sa mga mata ko... Maya maya pa ay napatayo ako nang may biglang kumatok... Tumikhim muna ako at tumingin sa salamin... Namumula ang mata ko at halatang galing sa pag iyak

"Ma'am Jean? Ako po ito si Elsa... Nandito po si Sir Jackson" Nang dahil sa narinig ko ay biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko at bigla akong napahawak sa may lamesa... Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil sa nalaman kong nandito sya

"S-sige... Susunod ako..." Saad ko... Nang masigurong wala na at umalis na si Elsa na katulong namin ay kaagad kong inayos ang sarili ko... Kinakabahan man ay pinilit ko paring maging desinte tingnan... Huminga ako ng malalim bago bumaba... Pero bago yun, narinig ko muna na may nag uusap


"Next week na ang magiging kasal ng mga bata... Just prepare for the wedding" Napahawak ako sa may hagdanan dahil muntikan na akong matumba

"Next week? That's okay... Ewan ko lang kung sang ayon ang anak ko..." Nakangiting saad ni Tita Sherlyn at ngumiti...

"Oh is that so? By the way? Who is this? Bisita nyo ba ito? What's your name?" Tanong nung matandang lalaki na daddy ni Vienna habang nakangiti kay mama... Nang lingonin ko ang gilid ay nakita ko sina Jaxkson at Vienna... Magkatabi habang si Vienna ay nakahawak sa braso ni Jackson

Wala namang emosyon ang mukha nya...

"She's just our maid!" Saad ni tita... Narinig ko ang paghampas ni daddy sa lamesa na ikinagulat nila

"She's our visitor... Wag nyo nang pansinin ang walang kwentang bagay na sinasabi ng asawa ko..." Seryoso nyang saad... Alam kong napahiya si Ms. Sherlyn pero nanatili syang walang imik

Nanlaki ang mga mata ko at halos hindi na makahinga nang makitang agad na sinapo ni Vienna ang mukha ni Jackson at hinalikan ito... Parang sumikip bigla ang dibdib ko... Agad akong bumalik sa kwarto ko at doon umiyak... Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko, pero sana nananaginip lang ako... Ayokong paniwalaan dahil una sa lahat, alam na alam kong mahal nya rin ako. Sana hindi ako nagkamali... Sana totoo ang lahat ng iniisip ko. Mababaliw na ako kung hindi!

My Possessive Bully (REPOSTED) (NEW VERSION)Where stories live. Discover now