BULLY 11

2.9K 67 3
                                    

Malakas ang naging tawanan nila natapos nila akong mabuhusan ng pintura dahil hindi ko namalayan na may pintura sa itaas ng pinto... Napayuko ako habang sila ay panay parin ang tawa... Napahinga ako ng malalim, eto na naman sila... Dapat na akong masanay...

Biglang natahimik ang mga estudyante nang biglang may dumating... Kahit na hindi ko lingonin, kahit na di ko sabihin, alam ko kung sino ang taong yun... Walang iba kundi sya... Alam ko na kung saan tutungo ito...

"All of you... Take your seat..." Malamig nyang sabi... Nanatili nman akong nakatayo... Nagsiupuan naman ng maayos ang mga kaklase ko at nagsitahimikan... Hindi ako gumalaw mula sa kinatatayuan at narinig ko din ang papalapit nyang yabag dahil sa tunig ng kanyang sapatos...

"Ms. Samson... Aren't you going to change your uniform?" Tanong nya sakin kaya napahinga ako ng malalim... Wala akong inaksayang oras at kaagad na pumunta sa locker at kumuha ng uniform tsaka dumiretso sa cubicle...

Nang matapos ako ay kaagad akong lumabas sa cubicle at napahinto ako nang makktang may taong nakasandal sa pader sa labas ng cr... Si Josh... Seryoso ang mukha nya habang may malalim na iniisip. Hindi nya pa ko nakita kaya malaya kong nakikita ngayon ang gwapo nyang mukha... Ipinilig ko ang ulo ko at kaagad na binati sya

"Hi Josh... Anong ginagawa mo dito?" Nakakunot noo kong tanong... Kaagad nman syang napaayos ng tayo at inayos ang uniform nya tsaka nginitian ako...

"Okay ka na? Nagpalit ka na? Tell me, nasugatan ka ba?" Nakita kong nag alala sya kaya nman ay binigyan ko sya ng isang malawak na ngiti bago nagsalita

"A-ayos na ko... Wag ka nang mag alala, wala nmang masakit sakin" Sagot ko... Kita kong mukhang di sya kumbinsido...

"Are you sure? Nakita ko kanina na nabuhusan ka ng pintura... Ako na ang humihingi ng paumanhin sa pinag gagagawa ni Jackson sayo... I know hindi madali ang pinagdadaanan mo... You're such a brave woman..." Hinawakan nya ng dahan dahan ang kamay ko kaya napatingin ako dito...

"Don't worry Jean... Gagawin ko ang lahat para matigil na ang mga ginagawa sayo ni Jackson... I'll promise to you that I will protect you, no matter what, ako ang magiging kakampi mo... I will assure you na wala nang makakapanakit sayo..." Naguguluhan ko syang tiningnan... Bakit ba nya ginagawa sakin toh?

Magsasalita na sana ako nang biglang dumating si Ara... Nagulat ako nang mapatingin sta sa kamay namin ni Josh kaya kaagad ko itong binawi at nginitian sya...

"A-ara... Sabay tayong umuwi mamaya..." Aya ko sakanya... Tumango lang sya at bumaling kay Josh na ngayon ay nakatingin padin sakin

"Josh... Tara na... Bakit ka nawala kanina? Bigla ka kasing tumakbo. Akala ko kung san ka napunta" Saad nya at binalingan ako

"Jean... Anong ginagawa mo dito?" Nakakunot noo nyang tanong

"Nagbihis lang ako ng uniform, nabuhusan kase ako ng pintura" Sagot ko sakanya...

"Nabully ang pinsan mo... You should protect her" Biglang saad ni Josh at binalingan sya ng tingin... Nagulat naman sya at hindi nya alam ang sasabihin...

"K-kase nman... Marami akong ginagawa..." Nauutal nyang sagot... Napahinga ng malalim si Josh bago nagsalita ulit...

"Kahit na... Pinsan mo parin sya... You should protect her... Magpinsan kayo eh... Kaya mo bang makitang nahihirapan yung pinsan mo?" Dahil sa naging tensyon, pumagitna na ko... Alam kong medyo hindi na komportable si Ara

"J-josh... Wag mo nang pilitin si Ara..." Napabaling ang tingin nila sakin... Tiningnan at nilapitan ko si Ara bago hinawakan ang braso nito

"Abalang tao ang pinsan ko... Marami kayong mga projects na ginagawa kaya okay lng sakin na huwag muna nya kong mapansin, hindi lang sakin nakalaan ang oras nya" Saad ko...

My Possessive Bully (REPOSTED) (NEW VERSION)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora