BULLY 17

2.6K 55 0
                                    

"N-nay... Magandang umaga po..." Tiningnan ko si mama at nakikita ko kung paano sya mautal habang nakatingin kay lola na ngayon ay walang emosyong nakatingin sakanya...

"Magandang umaga din, pasok muna kayo sa loob para makapagpahinga kayo" Saad nito at tiningnan ako... Nginitian ko sya

"Ito na ba ang apo ko? Ito na ba ang anak mo Jena? Malaki na pala ito" Hinimas ni lola ang ulo ko kaya napangiti akong nagmano sa kanya ganon din si Ara

"Ara, ikaw ba yan? Nasa loob ang mama mo kasama ang isa mong pinsan" Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa narinig ko... Ibig sabihin, nandito na sya? Nasa loob na sya?

Hindi ko na narinig pa ang ibang pinag usapan ni mama dahil nanatili akong nakatulala at hindi pa magprocess sa utak ko ang lahat ng nalaman ko...

"Tara na... Jean, Ara" Saad ni mama... Nauna nmang naglakad si Ara na halatang excited na excited dahil makikita na nya ang mama nya, kasunod si mama at panghuli ako habang wala parin sa sariling nakatingin sa unahan at nakasunod lang sakanila...

"Mama!" Narinig kong sigaw ni Ara... Sa tono ng boses nya ay halatang masaya sya. Nanatili ako sa likuran...

"Anak! Namiss ka ni mama!" Masayang sabi ni tita at ngumiti sa kanya... Niyakap nya din si mama at nginitian ako nang magmano ako sa kanya

"Ikaw na ba yan Jean? Ang laki mo na ah? Ang ganda ganda mo! Mana ka tlaga sa mama mo" Puri nya sakin... Nahihiya nman akong napayuko at ngumiti

"Wag mong masyadong purihin yan Jella, baka lumaki yung ulo nyan..." Sabat ni mama... At nagulat ako nang biglang may magsalita sa likuran ko... Ang lalim ng boses nya, hindi ako maaaring magkamali...

"Hi po tita! Kumusta po kayo?" Ngumiti nman si mama at inabot mya kay Jasper ang kanang kamay nya para magmano ito... Nanatili nman akong nakatalikod at hindi na alam ang gagawin ko... Pinipitik pitik ko ang kamay ko para maibsan yung kabang nararamdaman ko... Medyo pinapawis na din ako

"Ayos lang nman kami iho... Ito nga pala yung anak ko, si Jean, kilala mo nman siguro toh di ba?" Saad ni mama... Unti unti akong lumingon sa kanya... Nagtama ang mga mata namin... Nakikita ko mula sa mga mata nya ang saya at pangungulila... Ngumiti sya sakin at hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa kanya... Hindi nadin maawat sa pagtagaktak ang mga pawis ko...

"J-jean? Ikaw na ba yan?" Hindi makapaniwala nyang tanong at nakatingin sakin... mas lalo syang gumwapo at pumuti... Kung dati ay makisig na sya, ngayon ay mas naging maganda pa ang katawan nya lalo. Tumangkad din sya at binatang binata na tingnan...

Tumango ako at ngumiti sakanya... Namiss ko ang lalaking toh... Naalala ko nung mga panahong nalulungkot kami ni Ara noong mga bata pa kami kase wala na si Kuya Jasper at pumunta sa ibang bansa


Nasa hapagkainan kaming lahat, si tita Jelly lang ang palaging nagsasalita patungkol sa naging trabaho at buhay nya sa ibang bansa... Tuwang tuwa nman si lola at lolo sa kanya... Tiningnan ko si mama at nakikita kong malungkot sya, alam ko kung bakit... kanina, hindi sya nakapagmano kay lolo dahil nilagpasan lang sya nito... Masama man kung ituring pero hindi din ako nagmano sa kanya kahit inabot nya ang kamay nya sakin...

"Totoo bang dito na kayo mag aaral Ara, Jean?" Biglang tanong ni lola samin... Si Ara na ang sumagot dahil tulad ni mama, wala din akong ganang makisali sa usapan nila

"Opo... Kase, si Jean... Palagi po syang binubully sa school namin... Ang dami pong bully dun, isa na yung nakakainis na bully nyang si Jackson! Papansin lagi!" Natigil ako nang biglang marinig yung pangalan ni Jackson...

Sandali nmang natahimik si Ara at napakagat ng labi nya habang nahihiyang tumingin samin... Tiningnan nya ko pero umiwas lang ako ng tingin

"Sino si Jackson?" Seryosong tanong ni lola... Sa kanilang dalawa ni lolo, mas mitekulisa si lola... Ang daming mga bawal nya na dapat mong sundin... Strikta sya at palaging pinapaalala sakin na mag aral muna ng mabuti dahil baka raw matulad ako kay mama

"S-ssg, officer lang po yun lola..." Sabi ko at pinandilatan ng tingin si Ara na ngayon ay umiwas ng tingin at kinakabahang kumakain

Tumikhim nman si tita Jelly bago nagsalita

"E-ehem! Sino pong nagluto nitong adobo? Ikaw ba pa? Ikaw ma?" Nakatitig lang ako kay tita Jelly... Alam kong gusto lang nyang ibahin ang usapan dahil mukhang naramdaman nyang may tensyon sa pagitan namin ni lola

"Ang papa mo..." Sagot ni lola at agad na tumayo...

"Tapos na ko... Sabihin nyo lang kung tapos na kayong kumain... Ililigpit ko nalang, aakyat muna ako sa taas" Mahinang saad nito at kaagad na umalis... Nakahinga ako ng maluwag dahil wala na sil lola... Tiningnan ko si lolo... Malalim ang iniisip nya pero pag daan ng ilang segundo ay tumayo na din sya at wlang pasabing umalis...

Naiwan kaming lima sa hapag... Tahimik kaming nagpatuloy sa pagkain... Napatingin ako kay mama na ngayon ay tahimik ding kumakain... Alam kong nasasaktan sya

Nang bigla syang tumayo ay kaagad akong sumunod... Napatigil ako nang biglang hawakan ni Jasper ang braso ko para pigilin akong tumayo... Napalingon ako sa kanya

"Tapos ka nang kumain? I know hindi pa, kumain ka nang marami Jean... Magkakasakit ka nyan" Saad nya... Pero umiling lang ako at binawi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak sa kanya

"O-okay lang ako... Tapos naman na ko eh.. sandali lang po... Susundan ko si mama" Saad ko at hindi na sila inantay pang sumagot... Hinanap ko si mama kahit saan pero hindi ko sya nakita...

Napahinga muna ako ng malalim bago napakamot sa sarili kong batok... Asan ba kase sya? Paikot ikit na ko dito sa bahay nila pero wala parin... Naglalakad ako sa may hallway ng bahay natoh... Ang kwento sakin ni mama, dito nya ko pinanganak noon... Pero ang sabi nya, lumayas daw sya nung pagkalipas ng ilang araw pagkatapos manganak sakin dahil galit si lola sa kanya...

Sandali akong napatitig sa nga bulaklak na nandito... Iniisip kung kailan matatapos ang tampuhan ng mama at lola ko... Dahil sa iba rin ang pakikitungo nya kay mama ay ganun narin sakin, feeling ki tlaga ilag si lola sakin... Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa likuran ko

"Andito ka lang pala... Kanina pa kita hinahanap..." Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko... Goshh! Bakit nya ba ko hinanap? Humarap ako sa kanya at nag alinlangang ngumiti

"Kumusta ka na?" Nakangiti nyang tanong sakin at lumapit sa kinatatayuan ko at nakapamulsang nakatingin sa mga halaman sa labas

"A-ayos nman po ako... Kuya..." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at iniwas ang tingin sa kanya... Kung hindi lang sya umamin sakin noon malamang hindi ako maiilang sa kanya

"Long time no see... I really miss you..." Saad nya pero hindi sya nakatingin sakin...

"Ako rin naman po... Ikaw, kamusta ka po sa ibang bansa?" Tanong ko para nman hindi maging awkward ang paligid....

"I'm okay too... How's your study? Totoo ba yung sinasabi ni Ara na nabubully ka sa school na pinapasukan mo?" Tumango lang ako at wala sa sariling napatingin din sa labas...

Nagulat ako nang bigla nya kong hawakan sa kamay ko... Sandali akong napatunganga sa kanya

"Tell me... Who's Jackson? I-is he your boyfriend?" Tanong nya na ikinalaki ng mata ko... Sinong nagsabi na boyfriend ko si Jackson?

My Possessive Bully (REPOSTED) (NEW VERSION)Where stories live. Discover now