BULLY 15

2.8K 48 2
                                    

"Ano?! Napakasama nman pala ng mga magulang nung Jackson na yan! Gusto kong makita yung mga sinigawan ka anak! Susugurin ko sila" Hinawakan ko ang braso ni mama at umiling iling habang panay padin ang pag iyak

"M-ma, wag na po... Ayoko po ng gulo" Saad ko at pinunasan ang luha sa mga mata ko... Hinarap nman ako ni mama bago nagsalita

"Jean, anak... Nasaktan ka na, hindi pwedeng wala akong gagawin... Ayan oh! Sinaktan ka nila ng pisikal, hindi pwedeng hindi ko puntahan yang mga taong yan!" Galit nyang saad pero umiling iling lang ako

"Pero ma mayaman po sila..." Umiiyak kong sabi at pinipigilan padin syang wag sugurin sina Jackson

"Pakialam ko kung mayaman sila? Pakialam ko ba ha?! Tsaka Jean hindi porket mayaman yang mga yan hindi na tayo lalaban!" Matapang nyang saad

"Hindi tayo habambuhay magpapaapak dyan sa mga mayayamang yan... Tsaka ikaw ha? Wag na wag ka nang lalapit kay Jackson... Ayokong marinig o makitang nakikipag usap sa kanya... Buo na anf desisyon ko, lilipat ka nang school" Matigas nyang saad... Halos di nman ako makahinga dahil sa sikip ng dibdib ko...

"P-pero mama... M-mahal ko po si Jackson..." Pag amin ko kay mama... Hindi nman sya makapaniwalang nakatingin sakin bago ako sinampal... Napahawak ako sa pisngi dahil sa pagsampal nya sakin

"Nahihibang ka ba?! Ha?! Jean?! Anong mahal ang pinagsasasabi mo?! Naririnig mo ba yang sarili mo? Ilang beses kong sasabihin sayong hindi ka magmamahal ng mayaman dahil masasaktan ka lang sa huli... Bakit ang tigas tigas ng ulo mo?! Sabi ko na nga ba at hindi mo susundin ang sinasabi ko... Kita mo na ngayon?" Sarkastiko at peke syang tumawa...

"Maghanda ka na para bukas... Aalis tayo nang maaga" Saad nya at iniwan ako... Pinahiran ko muna yung luha ko sa mga mata bago agad na pumasok sa kwarto...

Pabagsak kong inihiga ang sarili ko.... Tinitigan ko ang kisame at unti unting nagsituluan ang luha ko... Kaagad ko itong pinahiran at niyakap ang unan ko... Doon ko naibuhos lahat ng mga luhang natitira sa mata ko...

Bumangon ako at kinuha sa drawer ko ang diary ko. Binuklat ko ito at napangiti ako nang maalalang binasa pala to ni Jackson... Medyo nagkaramdam ako ng konting hiya dahil nabasa nya toh

Kung saan ako tumigil doon ko ito sinulatan ulit... Nanginginig man ay kailangan kong isulat lahat ng nangyari ngayong araw sakin... Noon, nangako ako sa sarili ko na lahat ng magagandang alaala lang ang isusulat ko dito pero nagkamali ako dahil heto ako ngayon, sinusulat lahat ng sama ng loob ko

Nang mapagod ako kakasulat ay ipinilig ko ang ulo ko at ipinatong sa lamesa tsaka pumikit... Unti unti na namang tumulo ang luha ko... Hindi ko namalayan na nilamon na ko ng antok


Nagising ako at kaagad na naimulat ang mga mata ko... Sandali akong napatitig sa kisame saka napagtantong nasa higaan na ko... Si mama ba nagdala sakin dito? Napahinga ako ng malalim bago napagpasyahang lumabas para makalanghap ng sariwang hangin mula sa labas...

Nang buksan ko ang pinto, agad kong naamoy ang niluto ni mama... Napangiti ako ng palihim dahil yung paborito ko yung niluto nya... Ang adobo... Dahan dahan akong bumaba ng hagdan at doon ko nakita si mama, nakatalikid sya kaya di nya ako nakita

Agad akong lumapit at yumakap sa kanya patalikod... Ramdam kong natigilan sya pero kalaunan ay nagpatuloy nlang

"M-mama... Sorry po" Mahina kong saad... Unti unti na nmang tumulo ang luha ko sa mata at mas lalong isiinubsob ang mukha ko sa likod nya

Agad nman nya akong hinarap at niyakap pabalik...

"Gusto ding mag sorry ni mama... Patawarin mo ko nak ha? Kyng nasampal kita kanina, nadala lang ako ng emosyon ko... Masyadong mabilis yung sinabi mo" Saad nya

My Possessive Bully (REPOSTED) (NEW VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon